17/03/2025
Available 🇱🇧
MAY SALOOBIN KA BA NA HINDI MASABI? MAY MABIGAT KA BANG PROBLEMA NA TILA WALA KA NANG PAG-ASA PARA MASOLUSYUNAN ITO? GUSTO MONG MAWALA ANG ISANG MASAMANG GAWI O KATANGIAN MO?
Isulat mo ang lahat ng mga ito sa isang papel, at SAKA MO SUNUGIN!
Kung ikaw ay may kimkim na saloobin na hindi mo masabi, isulat mo ito sa papel at iyong sunugin.
Kung ikaw ay may kinahaharap na mabigat na suliranin at tila wala ka nang pag-asa, isulat mo ito sa papel at saka mo sunugin.
Kung may masama kang gawi o pag-uugali na gusto mo nang matanggal sa iyong katawan, isulat mo ang lahat ng ito sa papel at saka mo sunugin.
Hindi ka maka-moveon sa isang tao? Isulat mo sa papel ang kaniyang pangalan at lahat ng iyong nararamdaman sa kaniya at saka mo ito sunugin sa apoy.
Isa sa katangian ng elemento ng apoy ay ang tumupok ng mga bagay. Anumang igarang at itapon mo sa apoy ay tiyak na masusunog at magiging abo!
Ganiyan rin ang mangyayari sa anumang saloobin, problema, o iba pang bagay na isinulat mo sa papel at iyong sinunog. Ito ay mawawala at ikaw ay makakalaya!
Ang pagsunog mo sa papel kung saan nakasulat ang iyong mga saloobin ay tinatawag na ENERGY CLEANING RITUAL. Ito ay isang simbolikong pagputol mo ng emotional cord o attachment sa isang bagay, tao, o pangyayari.
Habang isinusulat mo ang iyong saloobin sa papel, pinapadaloy mo iyong kamay patungo sa papel ang lahat ng iyong emosyon. Sa sandaling sindihan mo na sa apoy ang papel, kasama na rin nitong matutupok ang iyong saloobin, problema, at anupamang isinulat mo sa papel.
Napaka-epektibo ng pamamaraang ito. Sa tuwing ako ay may dinaramdam sa isang tao at ito ay hindi ko masabi sa kaniya, kaagad ko itong isinusulat sa papel at aking sinusunog. Sa ganitong paraan ay gumagaang ang aking pakiramdam at unti-unti ay nawawala sa aking isipan ang anumang saloobin ko sa nasabing tao. Kung ako ay may kinahaharap na problema, isinusulat ko rin ang mga ito sa papel at aking sinusunog, kasabay nang pag-asa na magiging abo rin ang aking mga problema. At nangyayari nga!
Kaya kung ikaw ay may saloobing kinikimkim, problema, o mga bagay na gusto mong mawala na sa buhay mo, kumuha ka lang isang malinis na papel at isang puti o itim na kandila. Isulat mo lahat ng iyong saloobin sa papel. Sindihan ang kandila at saka mo sunugin rito ang apoy.
Ang puting kandila ay para sa healing, samantalang ang black candle naman ay simbolo ng pagtanggal sa lahat ng negative energy. Kaya angkop ang mga kulay ng kandilang ito sa iyong energy-cleaning ritual.
Good luck!
Ctto