Inday-The Smart Investor

  • Home
  • Inday-The Smart Investor

Inday-The Smart Investor Save money to Invest and Grow overtime � Start to Learn save and Invest

MAG-ISIP-ISIP KA!Ang isipin mo lagi, walang tutulong sa’yo kapag zero balance ka na.Kahit gaano karaming kaibigan meron ...
22/02/2025

MAG-ISIP-ISIP KA!

Ang isipin mo lagi, walang tutulong sa’yo kapag zero balance ka na.

Kahit gaano karaming kaibigan meron ka ngayon, kapag wala ka nang maibigay, isa-isa silang mawawala. Ang iba, biglang hindi na magre-reply. Ang iba, hindi mo na mararamdaman.

Diyan mo mararanasan kung sino talaga ang tunay na nandiyan para sa’yo. Hindi ‘yung kasama ka lang kapag may ambag ka, kundi ‘yung nananatili kahit wala kang maibigay.

Kaya habang maaga pa, matuto kang umasa sa sarili mo. Hindi mo kailangang ipakita sa lahat na nahihirapan ka. Minsan, mas ligtas ang tahimik na lumalaban kaysa sa umaasang may sasalo.

At tandaan mo, sa mundong ito, bihira ang totoong malasakit. Kapag ikaw na ang nangangailangan, madalas, ikaw din lang ang matitira.

Ctto📝📷🖼️

SOURCE: MasterPinoyDati umano siyang marino, isa sa mga “haligi ng tahanan” na nagsasakripisyo sa gitna ng dagat para la...
10/12/2024

SOURCE: MasterPinoy

Dati umano siyang marino, isa sa mga “haligi ng tahanan” na nagsasakripisyo sa gitna ng dagat para lang mabigyan ng masaganang buhay ang kanyang pamilya. Sumasakay siya noon sa TG, bawat sakay, sabik siyang umuwi sa pamilya dala ang pinaghirapang sweldo. Madalas siyang makikita noon sa may Emerald Garden Restaurant at Security Bank, nagpapadala ng allotment para sa kanyang misis. Buong puso diumano niyang ipinagkatiwala ang lahat—bahay, lupa, at ipon nila—sa babaeng minahal niya nang lubos.

Pero nang dumating ang araw ng kanyang pag-uwi, ibang tanawin ang sumalubong sa kanya. Wala na ang misis niya. Wala na ang bahay. Lahat ng pinundar niya, tila naglaho parang bula. Higit pa roon, pinalayas siya ng bayaw niya sa sariling pamamahay. Ang masakit, ang mga kapatid na dati niyang tinutulungan noong panahong malaki ang kanyang kinikita, hindi man lang siya magawang bigyan ng pansin o tanungin kung kumusta siya.

Ngayon, makikita mo siya sa gilid ng kalsada, bitbit ang isang pirasong karton, namamalimos. Ang dating dignidad na dala ng pagiging marino ay napalitan ng lungkot at hiya. Tinatanong niya sa sarili, “Paano nangyari ito? Saan ako nagkulang?”

Ang sabi ng iba, “Huwag kang magtatampo sa pamilya. Tumulong ka kasi, kaya hayaan mo na.” Pero sino bang hindi magtatampo? Sino bang hindi madudurog ang puso kung ang lahat ng pinaghirapan mo ay mapupunta sa wala, at ang mga taong minahal mo at tinulungan mo ay siya pang unang tatalikod sa'yo?

Ito ang reyalidad na hindi madalas pinag-uusapan pero laganap sa ating lipunan. Habang may pera ka, habang nakakapagbigay ka, “Kamag-anak mo kami!” Pero kapag dumating ang oras na ikaw naman ang nangangailangan, bigla na lang silang nawawala. "More success, more relatives," ika nga. Pero ano ang mangyayari kapag wala ka nang maibigay?

Hindi masama ang tumulong, lalo na sa pamilya. Pero tandaan mo, hindi mo kailangang ubusin ang sarili mo para lang pasayahin sila. Ang pagiging marino, o kahit anong trabaho mo, ay hindi dahilan para kalimutan mo ang sarili mo. Unahin mo rin ang sarili mo. Hindi habang buhay malakas ka. Hindi habang buhay may trabaho ka. At hindi habang buhay nandyan ang mga taong pinagkakatiwalaan mo.

Sa mga marino, OFW, o kahit sinong nagtatrabaho para sa pamilya: mahalaga ang pamilya, oo. Pero huwag mong isakripisyo ang lahat kung ang kapalit ay ikaw mismo ang mawawala. Magtira ka para sa sarili mo. Magtira ka ng pag-ibig, respeto, at ipon para sa sarili mo. Dahil sa bandang huli, ikaw ang magdadala ng sarili mong laban sa buhay.

Ang tanong: bakit nga ba madalas, kapag wala ka nang maibigay, saka sila naglalaho? Kung naranasan mo rin ito o kilala mo ang ganitong kwento, ibahagi mo dito. Maraming nangangailangan ng ganitong paalala. 💔




10/12/2024
Yung 27 ka na pero nakaasa ka pa rin sa Parents mo 😅📷ctto
22/11/2024

Yung 27 ka na pero nakaasa ka pa rin sa Parents mo 😅

📷ctto

💜
20/11/2024

💜

💙
18/11/2024

💙

Poor Mindset Vs. Rich Mindset
14/11/2024

Poor Mindset Vs. Rich Mindset

Tanong ng karamihan: Pwede naman ako maginvest kahit di ako Member ng IMG, bakit pako magMember?Sagot ko: Ganito yan;Pwe...
22/10/2024

Tanong ng karamihan: Pwede naman ako maginvest kahit di ako Member ng IMG, bakit pako magMember?

Sagot ko: Ganito yan;

Pwede ka din magpagawa ng bahay kahit walang Architect at Engineer, pero pwede ka din nman kumuha para mas safe.

Pwede ding ikaw na gumawa ng sasakyan mo kapag nasira, pero kung dimo alam, pwede ding pagawa mo na lang sa mga Auto Mechanic para mas safe.

Pwede ka din magSelf medication kapag may sakit ka, pero mas maganda paCheck up kna sa Doctor para mas safe.

Pwede ka din tlagang maginvest magisa. Kung alam mo na kung paano at kung saan ka magiinvest, pero delikado madaming scam ngayon. Meron din namang legit pero over price. Para mas safe, aralin mo muna sa IMG.

Ang IMG kasi para sakin ay School na pwede ka muna magAral before ka maginvest.

At ang IMG para sakin ay platform na pwede no iApply ang lahat ng natutunan mo, may direct Access kna, discounts and protection. Sulit diba.

Pero ang pinaka gusto ko, ang IMG ay isang community. Maaring kaya mo magipon at maginvest, pero di mo kakayanin ang maging habit ito kung wala ka sa tamang environment.

Bukod dun, madami nang naging successful dito na ngayon ay coach na syang gagabay at magtuturo sayo. Kaya safe diba?

Yan ang reason bakit ka magMember sa IMG. Kung gusto mo lang naman. Diba?

Post Credit to the rightful owner

"Check Your Circle"The greatest gift you can give yourself is surrounding yourself with intelligent and inspiring people...
12/10/2024

"Check Your Circle"

The greatest gift you can give yourself is surrounding yourself with intelligent and inspiring people.

Did you know that for as low ₱1,000, you can INVEST and GROW with the BIGGEST BRANDS in the country and around the world...
09/10/2024

Did you know that for as low ₱1,000, you can INVEST and GROW with the BIGGEST BRANDS in the country and around the world?

For as low as ₱1,000, you can participate in the earnings potential of the largest companies in the Philippines such as SM, Globe, Ayala Land, Meralco, BPI, BDO, Jollibee, and many more!

Mutual funds are affordable, convenient, and beginner-friendly investments for Filipinos.

Now you can also join at the convenience of your laptop or smartphone at your own time. 🙂

Perfect para sa mga taong busy sa trabaho pero gusto mag ipon at invest ! message me now! 😊

‼️FOR AWARENESS‼️Have you tried the official SSS Retirement Computation? I calculated mine. Sample below is what I will ...
08/10/2024

‼️FOR AWARENESS‼️

Have you tried the official SSS Retirement Computation? I calculated mine. Sample below is what I will get once I retire. I started working in 2008 and since then, I didnt stop my contribution.

Work/Contribution start date: 10/2008

Computed my retirement benefit of my current self as 37 year old employee earning ₱200,000 monthly salary. It turns out that I will only have ₱12K+ per month pension and 13k+ if I retire at age 65. Take note, monthly earnings is ₱200,000 every month.

Now, how much are we all earning again?

Putting it in the right perspective, at age 60, that 13K+ pension, parang one shopping cart nalang or kulang pa para mapuno ang isang cart. Not to mention our medical expenses.

Friends, SSS Retirement is NOT enough. This is the very reason why the need to prepare for our retirement is so important. And this one of the reasons why I reach out with URGENCY. We have to start EARLY. Talk to your trusted financial advisor to avoid financial problems like this in the future.

After a lifetime of hardwork, we all deserve to be able to do what makes us the happiest. The best way to ensure this is possible is through sensible and consistent retirement planning.

Financially educating people to make better financial decisions is what I do. Message me.

CTTO

PS. This not to discredit SSS pension, but to let us think of supplementary or complementary options for us to enhance our retirement funds/plans 😊

Address

San Juan Abra

2823

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Inday-The Smart Investor posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Inday-The Smart Investor:

  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share