ENKAI Files

ENKAI Files Tell us your feelings, experiences, hugots and secrets, freely and anonymously. CONFESS ANONYMOUSLY.

---
Ewan Namin Kung Anong Ipapangalan Files O diba. RAK NA!

Share your funny, stupid, embarassing, awesome, strange, humiliating, scary experiences. Tell us who your crush/es is/are and malay mo, we may make a way para maging close kayo ni crush mo. Share niyo samin experiences niyo sa inyong studies. Wag kang magalala, walang makakaalam kung sino ka. Just goto our link, type, submit.
---
bit.ly/ENKAIFiles
---
Masaya to.

06/10/2017

I hope na sana mapost po to.

I'm just a simple student po.
Pwede po bang pakibalik ng phone ko. Samsung galaxy G7 Prime. May case po sya dream catcher po.
Sa Medicine Building CR po sa babae. Mga 3 pm po sya nawala dahil naiwan ko po sa may loob ng cr noong nagpalit po ako. Andyan po yung documents na kailangan po namin. Kailangan na po naming maipasa po yan...Pls pakibalik.

Please naman po kung sino ka man na nakapulot o nakakita ng phone ko maawa naman po kayo. Kailangan ko po yan. Pinaghirapan po yan ng parents ko na ibigay sakin at mapupunta lang sa wala.

Please pakibigay na lang po sa Stufents affair o Guidance. Salamat

Lisel Marcellano Arguel
3rd year Education student
Oct. 06, 2017

13/02/2017
06/02/2017

From : cm khalifa of Arts and Sciences

---
Panawagan ako po ay nanawagan sa lahat ng estudyante ng vmuf, highschool, senior high at sa mga college. Na mahilig sa rap musice, any gender po. nais ko kasing magtayo or bumuo ng rap republic sa ating campus. magcomment nalang po ang mga interasado. magmemesasage nalang po ako sa inyo. thanks po.
---

27/01/2017

From: Anonymous

---
Pa-shout nga po pala sa Kuyang nagbabasketball kanina na dadaan lang po sana kami sa gitna ng court eh hindi naman sila tumatakbo nagawa ba naman kaming sigawan? Buti sana kung sigaw lang eh may kasama pang MURA. Aba'y nakakakulo naman po yun. Kabastusan po kasi FYI intrams po naming mga senior high tas sila ang nasa court imbis na kami ang nagtetraining dun. Hahahahaha! Godbless nalang sayo kuyang nakaitim.
"Hoy! Wag kayong dadaan jan! Pot*ngina!" Nakakatawa ka po. Pati mas nakakabata sayo gaganyanin nyo. Nakakahiya naman NANAY MO KUYA. 😀 -anonymous!
!

18/01/2017

From: Tao Yoshida of BS Electronics & Communications Engineering (Male)

---
I miss all of this

Mag 1 year na din pala ang nakalipas simula ng magtransfer ako sa ibang school.. actually sa vmuf ako ng first year at tinapos ko ang isang taon na pamamalagi ko sa vmuf ng puno ng saya.. Ngayon nasa manila na ako at nag aaral na sa ibang school, hindi ko maiiwasang malungkot at mamiss lahat ng mga ginawa ko sa vmuf na katarantaduhan haha.. Namiss ko yung guard sa entrance ng campus na laging nakatingin sa dibdib ko kapag dumadaan ako para siguraduhing suot ko yung id ko.. Namiss ko din yung pagdating ko sa room ako pa lang mag isa, namiss ko din yung room sa annex na minsan pa nga ay lumalabas pa ako sa bintana at umupo dun sa kunting space sa labas hahaha.. Ang sarap kasi ng sariwa kasi ng hangin dun.. Ang sarap sa feeling.. Habang nagsosoundtrip..syempre namiss ko din yung paghihintay namin sa hagdanan ng AS building para sa susunod naming klase.. Ang ingay namin kaya hindi lingid sa mga babaeng dumadaan na naiilang sila kasi puro kami engineering sa hagdanan at mahirap pa dun puro kami lalaki hahaha.. Namiss ko din yung mga teachers.. Mapa AS pa yan oh sa Department namin.. Namiss ko din syempre yung mga place kung saan ako nakikita.. Like sa taas ng stadium,sa fire exit ng AS building,sa mini forest,library,sa basketball court,Sa oval,sa harap ng BSBA building.. Kung sa labas naman.. Sa billiaran,,hahaha sa comp. Shop, sa bording house ng kaklase ko,, sa plaza haha.. Namiss ko din yung mga kaklase kong mga pasaway.. Nakakairita kasi yung tipong pumapasok lang sila sa school minsan para mag attendance lang hahaha.. Kawawa ang parents e.. Kaya kapag may group performance kawawa na naman kaming mga leader.. Hahaha pero despite of that situations, sometimes nakikita ko sa kanila na may pangarap din sila hindi nga lang halata.. hahaha miss ko na sila lahat lalo na yung babaeng nagbigay sa akin ng inspiration kahit sa loob ng kunting panahon lang... Sayang kasi hindi kaagad kita nakilala.. Second sem. Na kasi nakilala nung magkaklase na tayo sa literature.. Simula nung practice ng mga performance natin sa finals.. Yun yung time na nainspired ako sayo.. Sana mabasa mo to.. Alam mo na rin kung sino ka..:) namimiss ko na ang buong VMUF!.

Sana makapasyal ako diyan pag may time yo meet you all.:) Proud To Be VIRGINIANS!.:)

Thank you for reading.:)

10/11/2016

From: Sphygmomanometer (Female)

---
Ang ganda ng porma, kamusta ang grades?

SHOUTOUT sa mga ang galing PUMORMA pero pag dating ng exams puro naman KOPYA 😂🌵 Okay lang naman kompya eh. Basta marunong ka mag Thankyou sa mga pinag kopyahan mo. Pero, yung ipinagmamayabang mo pa yung score na hindi mo man lang pinaghirapan. Srsly? Hahaha Namo! 😂😂🌵🌵🌵

04/11/2016

From: Parasitemia of BS Civil Engineering (Female)

---
Para kay PARASITE. ☺️

Submission na ng grades. Malinis ba ang grades mo? Mataas nga... pero malinis nga ba talaga? Andaling mag-ngopya 'no? Sa harap pa pumipwesto. Lantaran. LOL.
Wala ng review-review! Makitabi ka nalang, lingon sa paligid, onting lapit, kopyahin ang sagot niya, onting scan, i-pass ang test paper. CONGRATS! PARASITE KA NA!

Tapos pagdating ng results, icocompare mo score mo sa iba. Makikicompete ka. Magiging pabida. Ipagmamayabang mo ang score mo na hindi mo naman pinaghirapan. GRABE. SARAP MONG PO ITAPON SA OUTER SPACE KOYAAAH. 😍💓

Hindi ka na nahiya sa mga classmates mo na mala-zombie ang itsura kung pumasok sa school dahil nagpuyat para magreview. MAKONSENSYA KA PLEASE.

Mamaya hindi ka pumasa sa board exam dahil dyan. 👊😏

04/11/2016

From: Caitlyn (Male)

---
DDM

Hi miss Dentistry Alyssa �� Sanay mapansin mo naman ako HAHAHA

30/10/2016

From: Little miss engineer of BS Civil Engineering (Female)

---
Mr. XY

Its been a long time since we met.. I could still remember the way i bluff you out and how i ignored you ,yet you never stopped annoying me you always ask how i am ? Or any silly things just to prolong our conversation. You never gave up on me. I couldnt even understand whyd you like me im not pretty or just like other typical gf material ladies around you. Youre a professional and im still studying yet you still patiently waited for me.
And until one day i realized that youre a different guy , the one ive been looking for. The way you take care of me. The love, care and great concern you showed me is beyond my expectation. Until i realized i feel the same feeling you had for you me.

We've been to ups and downs and we've been strong. Then you have been a great boyfriiend but one day came i find out that youve been cheating on me. Not just with one girl, or two but many. That time i gave up and thought that you were just the same guys that hurt me. But you proved me that im wrong , you patiently ask me again to accept you and begged for second chance.
That time, i cried so much because of the pain youve caused me but as i reminisce all what you did for me itwas nothing compared to your flaws and it made me realized that i have my short comings too. Thats why you look for some trippings. But still you never fail your obligations as my boyfriend.

Now, were ok now and hope we keep on going strong. Whatever happens i promise to be at your side always and through the hard times and good times. I thank God for having you .

I love you MBRC
CEA 2014
(Vmuf alumnus)

30/10/2016

From: Deep_Darkness of STEM (Male)

---
I wonder why.

Why isn't there any kindness?
Why do people hate?
Why do people feel pain?
Why are people so alone?
Even though a steak is a co**se, why are people happy when it tastes good?
Why do people just step on insects?
Why do people come to hate those they love?
Why do they get divorced?
Why do adults have so much power?
Why is love just lust?
Why don't people ever protect the things they should?
Why do people bully others, thinking it's FUN, only to get bored?
Why won't time turn back?
Why is it even though everyone else has the answers, you never have them for yourself?
Why is it that even after finding a glimmer of hope, people will eventually lose it?
Why do people become disillusioned?
Why is there poverty?
Why are there so many differences everywhere?
Why is it all too late to save?
Why is there no point to anything?
Why do people make wishes, knowing they won't come true?

Say,...

There's no problem with this world ending either.

This. Kind. Of. World..
SHOULD JUST HURRY UP AND BE DESTROYED.

30/10/2016

From: Silent Reader of BS Pharmacy (Female)

---
Please Quiet

Para sa babaeng ewan hindi ko alam na laging sumisigaw ""GUYS QUIET""

Pakiusap naman.
Pag ibang tao rin ang nagrereview
Pwedeng tumahimik ka din? Ang kapal mo eh.
Ang ingay ingay mo.
Pero pag ibang tao maingay sisigaw ka ng

""Guys Quiet""
Hustisya naman girl 👊🏻👊🏻

30/10/2016

From: Gigi of Bachelor in Medical Laboratory Science (Female)

---
Superior

Napakaplastik niyo! Nakakainis bakit ang bait niyo samin, alam naman naming pag wala kami, kung ano ano sinasabi niyo. Narinig ko kayo minsan, nasa lab kayo tapos ako papasok pa lang. Rinig ko kung pano niyo pagtawanan mga kaibigan ko. Kung paano nyo laitin paglalagay ng foundation nung isa at kung ano ano pang mga pangalan tinatawag nyo sakanila. Ano pa ba gusto nyo? Kau na nga lagi bida. Kau na lagi magaling. Lagi pa kayong epal. Sobrang sipsip niyo pa. Porket matatalino ganyan na kayo. Ang sasama ng ugali nyo! Kayo pa tong galit na galit saamin eh wala naman kaming ginagawa. Kayo nga dyan ang laging nangpapahamak. Lagi nagsusumbong at nagpopost pa na kami ang mukhang mali. Para kaung mga lata na walang laman. Ang iingay nyo. Para din kaung mga manok na putak ng putak. Edi Kayo na.

Address


Alerts

Be the first to know and let us send you an email when ENKAI Files posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share