Voi 50k

Voi 50k Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Voi 50k, Gaming Video Creator, .

JUST IN: AKSIDENTE SA MANGALDAN, PANGASINAN NGAYON LANG!Mabigat ang daloy ng trapiko sa kahabaan ng Barangay Anolid, Man...
21/03/2025

JUST IN: AKSIDENTE SA MANGALDAN, PANGASINAN NGAYON LANG!
Mabigat ang daloy ng trapiko sa kahabaan ng Barangay Anolid, Mangaldan, Pangasinan sa mga oras na ito dahil sa isang malagim na aksidente.
Kita ang dalawang sasakyan na nagtamo ng malalaking pinsala. Inaalam pa ang kabuuang detalye ng aksidenteng ito.

MAGKASINTAHAN NA SAKAY NG MOTOR, PATAY MATAPOS MABANGGA NG KOTSE NA ANG DRIVER LASING?Sumabay sa undas ang araw ng kamat...
20/03/2025

MAGKASINTAHAN NA SAKAY NG MOTOR, PATAY MATAPOS MABANGGA NG KOTSE NA ANG DRIVER LASING?
Sumabay sa undas ang araw ng kamatayan ng magkasintahan na sina Sharon Bombarda, 25-anyos at Jefferson Beltijar, 27-anyos matapos ang isang malagim na aksidente.
Pauwi na ang magkasintahan na sakay ng motorsiklo nang biglang bumangga sa likuran nila ang isang kotse. Sa lakas ng impact, tumilapon silang dalawa at nagtamo ng matitinding sugat sa katawan.
Sinubukan pang dalhin sa ospital ang dalawa pero dead on arrival na.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, sinubukan nang kotse na mag-overtake pero may paparating na malaking sasakyan kaya bumalik ito sa kanyang linya. Pero dito na niya nabangga ang motorsiklo sakay ang magkasintahan.
Nabatid din na nakainom ang driver ng kotse. Inihahanda ang mga kasong isasampa laban sa driver ng kotse. Nangyari ito sa San Mateo, Isabela.

23-ANYOS NA CRIMINOLOGY GRADUATE NA TUMULONG LANG, PATAY MATAPOS MABARIL Sasabak na sana sa board exam ang criminology g...
19/03/2025

23-ANYOS NA CRIMINOLOGY GRADUATE NA TUMULONG LANG, PATAY MATAPOS MABARIL
Sasabak na sana sa board exam ang criminology graduate na si Sean Gantuangco, pero hindi ito matutuloy. Nasawi siya matapos mabaril ng isang lalaki.
Ayon sa imbestigasyon, pauwi na sana si Sean habang minamaneho ang kanyang motorsiklo. Hinatid niya ang kanyang girlfriend.
Habang nasa daan, may nakasalubong si Sean na lalaking gustong umangkas sa kanya. Dahil mabait, inangkas ito si Sean. Pero ang masaklap, target para ng armadong lalaki ang inangkas ni Sean.
Si Sean tuloy ang tinamaan ng bala ng baril na dapat sana’y para sa angkas na lalaking hindi niya kakilala. Sinubukan pang itakbo sa ospital si Sean pero dead on arrival.

21-ANYOS NA ESTUDYANTE, PATAY SA AKSIDENTE SA MANAOAG, PANGASINANPatay ang 21-anyos na estudyante na kinilalang si Ramra...
18/03/2025

21-ANYOS NA ESTUDYANTE, PATAY SA AKSIDENTE SA MANAOAG, PANGASINAN
Patay ang 21-anyos na estudyante na kinilalang si Ramraj Carreon matapos sumalpok ang minamanehong motorsiklo sa isang concrete barrier sa kahabaan ng Barangay Baritao, Manaoag, Pangasinan.
Sa imbestigasyon ng Pulisya, 1:30AM nang imaneho ng biktima ang NMAX 155 Motorcycle. Pero bumangga ang biktima sa concrete barrier at sa lakas ng impact, bumagsak sa kalsada ang biktima. Sinubukan pang dalhin sa Manaoag Community Hospital si Ramraj pero idineklarang dead on arrival.
Dagdag ng Pulisya, naitimbre sa kanila ang insidente matapos mag-report ang isang concern citizen na nakakita sa biktima na nakahandusay sa kalsada.
Labis na naghihinagpis ang mga nagmamahal kay Ramraj na isa ring siklista.

TRUCK NA NAWALAN NG PRENO, SUMADSAD SA PARADAHAN NG TRICYCLE SA CALASIAO PANGASINAN! Ilang residente ang isinugod sa osp...
18/03/2025

TRUCK NA NAWALAN NG PRENO, SUMADSAD SA PARADAHAN NG TRICYCLE SA CALASIAO PANGASINAN!
Ilang residente ang isinugod sa ospital matapos sumadsad sa terminal ng tricycle sa Calasiao, Pangasinan ang isang truck na nawalan umano ng preno.
Ayon sa mga saksi, sa tulay pa lang, tinamaan na ng truck ang isang kotse at tricycle bago tuluyang sumadsad sa terminal.

DALAWANG BATA, PATAY MATAPOS MALUNOD SA KANAL SA PANGASINAN! Patay ang dalawang bata na edad lima at anim na taong gulan...
17/03/2025

DALAWANG BATA, PATAY MATAPOS MALUNOD SA KANAL SA PANGASINAN!
Patay ang dalawang bata na edad lima at anim na taong gulang matapos malunod sa isang kanal sa Barangay Cabayaoasan, Mangatarem, Pangasinan.
Kwento ng ina ng isa sa mga biktima, hindi niya nalaman na bumalik ang kanyang anak sa mga kalaro, hanggang sa naligo ang mga bata sa kanal na pinagkukuhanan din ng patubig.
Ilang minuto lang sa paliligo, nalunod ang dalawang bata. Sinubukan pang iahon ng ina ang anak pero huli na ang lahat.
Tiniyak ng Barangay Council na maglalagay na ng harang sa lugar para hindi na ito pagliguan ng mga bata.

22-ANYOS NA GRADUATING STUDENT, PINATAY NG KAPITBAHAY DAHIL SA ISYU NG PAGSASAING! Naglaho sa isang iglap ang mga pangar...
17/03/2025

22-ANYOS NA GRADUATING STUDENT, PINATAY NG KAPITBAHAY DAHIL SA ISYU NG PAGSASAING!
Naglaho sa isang iglap ang mga pangarap ni Rizalyn Salahay matapos siyang pagtatagain ng kanyang sariling kapitbahay.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, kaarawan ng papa ni Rizalyn nang mangyari ang insidente. Naimbitahan ang suspek na si Ricky Abarquez, 34-anyos na sumama sa pagluluto. Kapitbahay lang nila si Ricky.
Pinuna umano ng biktima ang paraan ng pagsasaing ni Ricky. Inuuna niya raw kasing pakuluan ang tubig sa kaldero bago ilagay ang bigas.
Dinamdam ito ni Ricky kaya nang makakuha ng tsempo, bigla niyang pinagsasaksak at pinagtataga si Rizalyn na agad naman niyang ikinamatay.
Graduating student si Rizalyn sa kursong education. Nahuli na ng mga pulis ang suspek na mahaharap sa kaso.

MGA LABI NG 32-ANYOS NA OFW NA PINATAY SA SAUDI ARABIA, DUMATING NA PANGASINAN Bago mag-alas onse ng umaga nang lumapag ...
15/03/2025

MGA LABI NG 32-ANYOS NA OFW NA PINATAY SA SAUDI ARABIA, DUMATING NA PANGASINAN
Bago mag-alas onse ng umaga nang lumapag NAIA ang eroplanong may dala sa mga labi ng 32-anyos na si Marjorette Garcia, ang Pinay Domestic Helper sa Saudi Arabia na pinaslang ng kapwa domestic helper.
Masakit man, pero unti-unti raw natanggalan ng tinik sa dibdib ang pamilya. Kahit sa huling pagkakataon, makikita at makapapagpaalam sila kay Marjorette.
Hindi akalain na ang kagustuhan ni Marjorette na mag-trabaho sa Saudi para makapag-ipon ang magiging mitsa ng kanyang kamatayan. Inggit ang nakikitang motibo sa krimen.
Paborito raw kasi ng amo si Marjorette kaya nagalit ang kapwa niya katulong. Pinasok ng katulong ang silid ng biktima saka pinagsasaksak.
Ibuburol ang mga labi ni Marjorette sa bahay ng kanyang asawa sa Barangay Awai, San Jacinto, Pangasinan.

HINDI BIRO ANG MAG-TRABAHO SA IBANG BANSA, HINDI MO ALAM KUNG BUHAY KA PANG MAKAKAUWI SA PAMILYA MO. 🥲Sila ang tatlong p...
15/03/2025

HINDI BIRO ANG MAG-TRABAHO SA IBANG BANSA, HINDI MO ALAM KUNG BUHAY KA PANG MAKAKAUWI SA PAMILYA MO. 🥲
Sila ang tatlong pinay na nag-trabaho sa ibang bansa para makapag-ipon at maitaguyod ang kanilang pamilya pero hindi sila pinalad na makauwing buhay.
Naiuwi na ang mga labi ng OFW na si Mary Grace Santos na domestic helper sa Jordan. Siya ang pinay na pinatay ng isang 16-anyos na lalaki roon na anak ng kanyang ka-trabaho. Ayon sa report, ginahasa bago pinatay si Mary Grace. Labis ang paghihinagpis ng naulilang pamilya ni Mary Grace.
Nakaburol na rin ngayon ang OFW na si Marjorette Garcia na tubong Pangasinan. Si Marjorette ay nag-trabaho bilang domestic helper sa Saudi Arabia. Mabait at masipag si Marjorette kaya napamahal sa kanya ang kanyang mga amo.
Pero nainggit ang ka-trabaho nitong isang Kenyan National kaya niya pinatay si Marjorette. Dalawang maliit na anak at asawa ang naulila ni Marjorette.
Isa naman si Angeline Aguirre-Torre na tubong Binmaley, Pangasinan sa apat na Pilipinong namatay sa Israel sa gitna ng giyera.
Nagta-trabaho bilang nurse si Angeline na pinagbabaril ng terorista habang nasa loob ng bomb shelter. Hinihintay ng kanyang pamilya ma mapauwi na sa bansa ang mga labi ni Angeline.

MAG-INA SA SAN CARLOS CITY, PANGASINAN, NATAGPUANG PATAY AT TADTAD NG SAKSAK! Tadtad ng saksak sa katawan ang mag-ina na...
13/03/2025

MAG-INA SA SAN CARLOS CITY, PANGASINAN, NATAGPUANG PATAY AT TADTAD NG SAKSAK!
Tadtad ng saksak sa katawan ang mag-ina nang matagpuan ng awtoridad sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Payar, San Carlos City, Pangasinan. Kinilala ng Pulisya ang ina na si Amelia Palisoc, 42-anyos at anak na si Baby Love Palisoc, 13-anyos.
Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na tatlong araw nang patay ang mag-ina bago pa man marekober sa loob ng bahay. Huling nakitang buhay ang mga biktima noong September 12.
Ayon sa PNP, nagtamo ng 18 na saksak ang ina habang 21 na saksak ang tinamo ng anak.
Person of interest ng pulisya sa krimen ang live-in partner ni Amelia. Hindi pa idinetalye ng pulisya ang posibleng motibo sa krimen. Pero nauna nito ay inireklamo umano ng pangmomolestiya ang suspek sa anak ni Amelia.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente. Hiling ng pamilya ng mga biktima ang hustisya.

32-ANYOS NA OFW NA TUBONG PANGASINAN, NATAGPUANG PATAY AT MAY SAKSAK SA KATAWAN SA SAUDI ARABIA Miyerkules ng tanghali n...
13/03/2025

32-ANYOS NA OFW NA TUBONG PANGASINAN, NATAGPUANG PATAY AT MAY SAKSAK SA KATAWAN SA SAUDI ARABIA
Miyerkules ng tanghali nang matanggap ng pamilya ni Marjorette sa Barangay Awai, San Jacinto, Pangasinan ang malungkot na balita.
Ipinarating ng mga kapwa pinay domestic helper sa Saudi Arabia na patay na si Marjorette at nasa loob na ng morgue. May nakita rin umanong saksak sa katawan ang biktima.
Bago nito, kinutuban na ang pamilya ni Marjorette dahil halos dalawang linggo na itong hindi tumatawag.
2021 nang lumipad pa-Saudi ang biktima sa pag-asang makakapag-ipon, uuwi na sana si Marjorette sa Oktubre sa bansa dahil matatapos na ang kontrata nito. Hustisya ang panawagan ng pamilya ng biktima dahil naulila niya ang dalawang maliit na anak.
Ayon sa OWWA-Region 1, Sisikapin nilang matulungan ang pamilya na maiuwi sa bansa ang bangkay ni Marjorette.
EXCLUSIVE

Baka may nakakakilala sa lalaking ito na taga-Pangasinan, patay raw matapos mabangongot! Nanawagan ang netizen na si Joj...
13/03/2025

Baka may nakakakilala sa lalaking ito na taga-Pangasinan, patay raw matapos mabangongot!
Nanawagan ang netizen na si Jojo Flores sa posibleng kaanak ng lalaking nasa larawan. Namatay raw ang lalaki matapos mabangongot.
Natulog daw ang lalaki sa sahig pero hindi na ito nagising. Ayon sa ilang impormasyon, taga-Malasiqui raw ang biktima.
Sa mga nakakakilala sa biktima, maaring kontakin sa facebook messenger si Jojo Flores.
“Kung Sino po nakakilala sa tao po ito nakikiusap po ako sa pamilya nya na wala na po sya Patay na po sa bangongot” Post ni Jojo Flores

Address


Telephone

+959770004652

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Voi 50k posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

  • Address
  • Telephone
  • Alerts
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share