15/04/2026
💔
Alam n’yo ba may isang 61-anyos na lola na 16 na taon nang nakaratay dahil sa stroke—pero sa kabila ng pitong anak na pinalaki niya, mag-isa na lang siyang lumalaban sa buhay??
Nakatira siya ngayon sa isang marupok na barong-barong sa Dumangas, Iloilo. Walang nag-aalaga, walang kasama, at walang karamay sa araw-araw niyang pinagdadaanan. Sa loob ng mahabang panahon, tiniis niya ang sakit at lungkot nang mag-isa.
Ang simpleng hiling lang niya—isang maayos na higaan. Dahil hanggang ngayon, sa matigas na sahig pa rin siya nakahiga.
Habang nagsasalita, hindi niya napigilan ang maiyak.
Nag-iwan siya ng mensahe para sa kanyang pitong anak. Humingi siya ng tawad kung naging mahigpit man siya noon. Inamin niyang napalo niya ang mga ito noong bata pa, pero ang gusto lang daw niya ay mapabuti ang kanilang kinabukasan.
Masakit isipin na ngayon na siya naman ang mahina at nangangailangan… wala ni isa sa kanila ang nasa kanyang tabi.
Tahimik lang siyang umaasa.
Umaasa na sana, kahit papaano, may maalala sa kanya. Na maramdaman niyang hindi siya tuluyang nakalimutan.
At baka, sa simpleng tulong ng ibang tao… gumaan kahit kaunti ang bigat ng buhay na matagal na niyang pasan...