12/02/2025
π’ SB 2573: Napag-usapan na sa Senado ang Medical Cannabis Bill NGUNIT hindi pa ito naipasa!
Matapos ang matagal na paghihintay, kanina (Feb 5), sa wakas ay napag-usapan na sa Senate hearing ang Senate Bill 2573 o ang "Act Providing for the Medicalization of Cannabis." π
Malaking pasasalamat sa lahat ng tumulongβsa mga nag-email, tumawag, nag-message sa mga senador, at nag-flood ng comments sa Senate live sessions. Hindi pa ito pasado, pero malayo na ang narating natin!
π Ano ang laman ng panukalang batas?
βοΈ Sa bill ay gagawing legal ang medical cannabis β Pero STRIKTONG ipinagbabawal pa rin ang recreational use.
βοΈ Prescription-based β Tanging mga lisensyadong doktor na may training ang makakapag-reseta.
βοΈ Regulated ng PMCA (Philippine Medical Cannabis Authority) β Magiging responsable sa pagmo-monitor ng medisina, pagsasanay ng mga doktor, at pagtiyak na hindi ito maabuso.
βοΈ Medical benefits ng cannabis β Nakakatulong ito sa cancer, epilepsy, chronic pain, dementia, at iba pang sakit na hindi natutugunan ng ibang gamot.
βοΈ Walang naitalang overdose deaths β Mas ligtas ito kumpara sa ibang gamot, pero may mga regulasyon para maiwasan ang maling paggamit.
βοΈ Bawal pa ang pagtatanim sa ngayon β Pero may probisyon para sa future local cultivation.
βοΈ May matinding parusa sa mga lalabag β Para maiwasan ang maling paggamit at pagkalat nito sa hindi medical na paraan.
π Nasaang bahagi na tayo ng proseso?
π¨ HINDI PA PASADO ANG BILL! Mahaba pa ang proseso bago ito maging batas. Narito ang susunod na mga hakbang:
1οΈβ£ Second Reading (Kasalukuyang Stage) β Dito tinalakay ang bill, pinagdebatehan, at pinag-usapan ang mga posibleng pagbabago.
2οΈβ£ Third Reading (Susunod na Hakbang) β Kapag pumasa sa second reading, iboboto ulit ito sa Senado.
3οΈβ£ Bicameral Conference Committee (Bicam) β Pag-uusapan at pag-aayusin ng Senado at Kongreso ang final na bersyon ng bill.
4οΈβ£ Lagda ng Pangulo β Kapag napirmahan ng Pangulo, magiging ganap na batas ito.
π Ano na ang nangyari ngayon?
π Sinuspinde ang deliberation sa bill, kaya hindi pa ito bumoto para sa Second Reading.
π Adjourned na ang Senate plenary session, at magbabalik ito sa June 2, 2025, 2 PM.
π May natitira pang 6 session days sa unang linggo ng Hunyo bago tuluyang magsara ang sesyon.
π Matapos ang eleksyon (May 12), may maliit pang window mula June 2-11 para maisulong ito.
π Ano ang pwede nating gawin?
π£Tuloy ang ingay! β Hindi natin pwedeng hayaang mamatay ang bill na ito. Dapat mas palakasin pa natin ang ating boses!
π£ Mag-email, tumawag, at mag-message sa mga senador β Paalalahanan natin sila na hindi tayo titigil hangga't hindi ito naipapasa.
π£ Sumali sa social media campaigns β Mag-share ng tamang impormasyon at himukin ang iba na makiisa!
π£ Siguraduhing ang mga halal na opisyal ay pro-medical cannabis β Ang eleksyon sa Mayo ay magiging mahalaga sa kinabukasan ng bill na ito.
Hindi pa tapos ang laban! π Laban pa! Ipaglaban natin ang medical cannabis! πͺπ