31/07/2025
Mag-aanim na taon na sakin si Sleeping Joseph.
Binili ko siya nung 2019, habang may sakit si Nanay. Sabi ng dati kong boss, ilagay lang daw sa ilalim ng Sleeping Joseph ang mga kahilingan mo, ipagdasal mo, at matutupad.
📆 August to September 2019 – Naospital si Nanay (Septic arthritis). Pero salamat sa dasal at awa ng Diyos, gumaling siya. 🙏
Fast forward to ngayon, bago kami pumunta ng Boracay, lumuwas muna sila sa Maynila. Pinatuloy ko sila sa unit ko.
Lumabas muna kami ng kapatid ko para bumili ng ulam. Pagbalik ko, napansin ko agad — si Sleeping Joseph, nakatayo na sa baso.
Sabi ko, "Bakit nakatayo to?"
Sagot ni Nanay: "Kawawa naman kasi, nakahiga."
Hindi ko alam kung matatawa ako o maaawa — pero natawa talaga ako. 😂
Sabi ko na lang, "Sya ang nakapagpagaling sa’yo noon."