Miss Faceless

Miss Faceless Miss Faceless🌷

28/06/2026

Pahuway na Ikaw, Rene.
Pero sana makuha rin ng imong family ang Justice. The truth behind everything. Iguide mo sila lagi.

16/06/2026

Papalapit na naman ang Hunyo 18.

At tulad ng bawat taon, unti-unting bumibigat ang himpapawid sa aking dibdib. Hindi dahil sa ulan, kundi dahil sa mga alaalang dala nito. Kaya't sa tuwing nakikita kong nagdidilim ang kalangitan, hindi ko maiwasang manalangin…

Huwag sanang bumuhos nang malakas ang ulan. Huwag sanang kumulog. Huwag sanang kumidlat.

Sapagkat may mga tunog na hindi kailanman naluluma sa alaala.
May mga sugat na natututong magsara, ngunit hindi kailanman tuluyang naghihilom.

Hunyo 18, 2014.

Isang petsang hindi na lamang nakasulat sa kalendaryo, kundi nakaukit na sa puso.

Sa isang iglap ng kidlat, tila may bahagi rin ng aming tahanan ang naglaho. May isang upuang hindi na muling naupuan. May isang tinig na hindi na muling narinig. At may isang kapatid na hindi na muling nakauwing buhay.

Labindalawang taon na, ngunit sa tuwing kumukulog at kumikidlat, bumabalik pa rin ang pangungulila. 🥹

08/06/2026

Someone once asked me:

“If you had to choose between being right and being kind, which would you choose?"

My answer?

I'd choose to be kind while doing what's right.

Because being right doesn't have to mean hurting people. And being kind doesn't mean tolerating what's wrong.

I believe we can stand firm on our principles without being harsh.
We can speak the truth without being cruel.
We can correct without humiliating.
And we can disagree without disrespecting.

In a world that often makes us choose one or the other, I'd rather strive to do both.

Kindness with integrity. Truth with compassion.

07/06/2026

Patunay lamang na kahit ilang beses kang gumawa ng kabutihan, sa isang pagkakamali mo lang ay maaari ka nang husgahan ng lipunan.
(Hindi rin naman napatunayan)

Nakalulungkot isipin na mas madaling maalala ng mundo ang isang pagkadapa kaysa sa lahat ng pagkakataong pinili mong tumayo nang may dangal. Sapagkat sa mata ng marami, isang mantsa lamang ay sapat na upang tabunan ang lahat ng kabutihang minsan mong ibinahagi. (Realtalk yan)

Hindi ito pagtatanggol sa sinumang nagkamali. Ngunit hangga’t hindi pa malinaw ang buong kuwento, hindi rin natin maaaring sabihin na ang buong katotohanan ay alam na natin.

Nakapanghihinayang lamang na sa panahong mas mabilis ang paghusga kaysa pag-unawa, may mga taong nahahatulan na bago pa man marinig ang kanilang panig.

Paano mabibigyang-linaw ang katotohanan kung ang hatol ay nauna na sa pakikinig? At paano maipagtatanggol ang sarili kung ang hukuman ng opinyon ay nagpasya na bago pa man mapakinggan ang kanyang tinig?

Address

Baguio City
Manila
2600

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Miss Faceless posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category