01/08/2025
Dati, lagi akong nag-iisip ng negosyo… pero wala akong nagagawa.
Overthinker yarn. 😅
“Pano kung walang bumili?”
“Pano kung malugi?”
“Pano kung hindi ako mag-succeed?”
Tapos may nagsabi sakin:
“Tingnan mo yung pag-iisip mo…
Hindi pa nagsisimula, pabagsak na agad! 😂
Panay ka nega eh!”
HAHAHA. Aray.😅
Pero salamat nadin at napush ako to start a business.
Fast forward to now 11 years na ako sa business. TYL 🙏🏻
Kaya para sa mga overthinkers na tulad ko I suggest...
Kung may work ka naman at may negosyo kang gustong-gustong simulan matagal na just for 10k - 30K…
Push mo na yan💪
Diyan ka kasi mag-umpisa matuto ng sales, communication, at business strategy.
Kung malugi ka?
Eh suswelduhin mo din naman yan...
Di mo nga ikinamatay yung installment ng cellphone at appliances na binili mo eh. 😉
Ang negosyo kasi parang swimming.
Kahit ilang tutorial panoorin mo,
hindi ka matututo hanggat hindi ka tatalon sa tubig.
You don't get better by watching, you get better by doing.
So kung naghahanap ka ng sign, eto na yun! G mo na yan!
One stroke at a time.
One sale at a time.
One day, you'll get there. 💯
- Millennial Business Mentors