06/07/2024
Umabot sa mahigit 600 kabataang TaguigeΓ±o mula sa Brgy. Central Bicutan, Brgy. Post Proper Northside, Brgy. West Rembo, Brgy. Ibayo-Tipas, Brgy. Sta. Ana, Brgy. Tuktukan, at Brgy. Central Signal ang matagumpay na sumailalim sa circumcision services sa Operation Libreng Tuli na ginanap sa Upper Bicutan National High School, Post Proper Northside Barangay Hall, West Rembo Elementary School, Tipas National High Schoola-Annex, Taguig Integrated School, at Central Signal Gymnasium nitong ika-1 hanggang 6 ng Hulyo.
Ang Operation Libreng Tuli ay taunang programa ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig, sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Lani Cayetano, na naglalayong maghatid ng libre at ligtas na pagtutuli. Sa pamamagitan ng Medical Assistance Office, pinangunahan ito ng mga doktor, nurse, at iba pang medical personnel. Bukod sa libreng tuli, nagbibigay rin ang lokal na pamahalaan ng libreng gamot tulad ng antibiotic at pain reliever para matiyak ang maayos na paggaling ng mga batang sumailalim sa operasyon.
Magpapatuloy ang Operation Libreng Tuli sa ibaβt ibang barangay sa lungsod.
Narito ang schedule ng Operation Libreng Tuli:
Hulyo 8 - Pinagsama
Hulyo 9 - Bambang & Wawa
Hulyo 10 - South Signal
Hulyo 11 - Fort Bonifacio
Hulyo 12 - North Daanghari
Antabayanan sa I Love Taguig page ang susunod na mga schedule para sa inyong barangay.