03/07/2025
Sobrang dismayado ako sa sistema ng hustisya sa Pilipinas.
Isang 81 anyos na lolo ang ikinulong, inaresto dahil lang kapangalan niya raw ang isang wanted na tao, and the only difference? A “Jr.” at the end of his name.
December last year, hinuli si Tatay Pruding sa Olongapo. Hindi siya tumakbo. He went with the officers calmly, dala ang buong buhay niya sa bag: birth certificate, marriage contract, barangay ID, litrato, kahit ano para patunayan na siya si Prudencio Calubid Jr., hindi Sr. Hindi ’yung NDF peace consultant na matagal nang nawawala. Pero walang nakinig, walang pumansin.
And so he spent the last few months in detention while the real Calubid Sr. remains missing since 2009. Ang masakit? Someone probably claimed the P7.8 million bounty. And no one cared if they got the wrong man.
Paglabas niya ngayong gabi, dala niya ang sombrerong iniabot ng mga kosa niya, at isang t-shirt na may sulat para sa kanya. Para kay Tatay. Para sa isang taong wala namang kasalanan, kundi nagpakamalan lang dahil may kapangalan siyang kriminal.
Sabi nga ng abogada niyang si Sol Taule:
“Is it not prudent to verify information first?
What is Tatay Pruding’s crime?
Why is he being held for having a similar name?
These things are easily verifiable.”
And she’s right. Kung sa sistemang ’to, puwede kang makulong kahit inosente ka, just because of a name, how can people still believe the law is on their side? If even the innocent end up behind bars, then what kind of justice do we really have?
This isn’t just a mistake.
Bulok talaga ang hustisya sa Pinas!