 
                                                                                                    25/08/2025
                                            1. “Mamaya na lang…”
Lagi niyang ipinagpapaliban ang mga gawain. Imbes na tapusin agad, lagi niyang sinasabi, *“Mamaya na lang ‘yan.”*
2. “Pwede na ‘yan” mentality.
Hindi niya pinagbubutihan ang trabaho. Basta matapos lang, kahit hindi quality, ayos na sa kanya.
3. Laging naka-higa o upo.
Kadalasan, mas pipiliin niyang mag-relax kesa gumalaw. Sofa, k**a, o upuan—yan ang comfort zone niya.
4. Ayaw ng responsibilidad.
Iwas sa trabaho, lalo na kung may pressure o accountability. Gusto lang ng madali, ayaw ng challenge.
5. Excuses all day, everyday.
Laging may dahilan kung bakit hindi niya magawa ang isang bagay. Uulan daw, pagod daw, masakit daw ulo—lahat na lang.
6. Kabisado ang TV schedule, hindi ang deadlines.
Updated sa mga palabas, pero clueless pagdating sa mga responsibilidad o goals sa buhay.
7. Hindi marunong mag-initiate.
Ayaw niyang mag-umpisa ng kahit anong task. Kailangan pang utusan o pilitin bago kumilos.
8. Gising sa gabi, tulog sa umaga.
Baliktad ang body clock. Gising sa kalokohan, tulog sa oras ng trabaho o klase.
9. Kalat everywhere, wala siyang pake.
Tamad maglinis, tamad mag-ayos. Kahit magulo at marumi ang paligid, chill lang siya.
10. Walang plano, walang drive.
Wala siyang goals o ambition. Okay na sa kanya ang tambay mode habang ang iba, may ginagawa na para sa future nila.
 
 
                                         
 
                                                                                                     
                                                                                                     
                                                                                                     
                                                                                                     
                                                                                                     
                                                                                                     
                                                                                                     
                                                                                                     
                                                                                                     
                                                                                                     
                                                                                                     
                                         
   
   
   
   
     
   
   
  