04/08/2025
Araw araw mong piliin Ang mabuhay kahit gaano pa kahirap Ang pinagdadaanan mo isipin mo na sa bawat pagsubok na binibigay sayo ng Panginoon may biyayang naghihintay sayo . Kung Kaya ng iba Kaya mo din walang ibang magpapalakas ng loob mo kundi ang sarili mo lang din wag kang papatalo sa emosyon mo dahil yan ang matindi mong kalaban. Malakas na Pananampalataya Ang magiging sandata mo. Nagkalat Ang toxic sa paligid , maraming hihila sayo pababa, mamaliitin ka pagtatawanan ka alam mo kung bakit ? Dahil nakikita Nila na nahihigitan mo na sila di mo lang pansin pero nasa tamang daan ka na. Stay focus Dapat alam mo yung goal mo sa buhay , Dapat di mo lang pinapangarap yung salitang PANGARAP tutuparin mo yan ano man Ang mangyari. Kahit ilang beses ka pang madapa bangon lang ng bangon dahil sa bawat pagdapa mo may Aral kang mapupulot di mo lang napapansin andami mo na palang natututunan tapos magugulat ka nalang naiseshare mo na pala sa iba at mapapatanong ka na lang sa sarili mo “hala nalampasan ko pala yon”… Sabi nga di ba “Life is like a cycle “ minsan nasa itaas ka minsan nasa ibaba hindi kasi pwedeng lahat tayo nasa itaas Hindi na magiging balanse Ang mundo … Alisin mo yung mga bagay na nagpapahirap sayo, yung nagpapabigat sayo , oh kapag nakakaramdam ka ng pagod “take a break”.. robot nga napapagod Tao pa Kaya… Basta lagi nating ipagpapasalamat yung buhay na Meron tayo wag na wag natin sasayangin regalo yan ng Diyos sa atın 🙏🏻❤️
O sya yun lang trabaho ulit 😉
~Dhey~