21/06/2025
Ang tagal bago ako mag upload ng Day 3 ko as Virtual Assistant ang dami kong nalaman🥹😍 kaya Sorry guys kung ngayon lang ulit mag upload😅 Ang dami kasing nangyari. So eto na nga, sa dami ng nangyari hindi ko na alam kung ano ang isha-share ko sa inyo pero kung may niche na kayo guys then SMM ang napili ninyo like mine pero not necessary naman na Social Media Management ang niche ninyo ha, kasi itong message na ito is para sa lahat ng aspiring VA.
Sa ngayon kasi, nastuck ako sa "Portfolio" even if ang dami ko ng nagawang content as SMM of my own social media accounts, hindi ko pa siya naaasikaso as of now kasi nga may work, pero may mga dinadagdag pa kasi ako para maging presentable ang portfolio ko and para mas may ma-attract akong clients in the future you know😊 Okay sa mga aspiring VA, eto talagang pinaka need natin before we start hunting clients. Dapat talaga may laman ang portfolio mo, so paano? eh wala ako experience mima?
Girl, you have to make it on your own, ibig sabihin mag offer ka muna ng free services sa mga kakilala mo or friend mo gawin mo silang clients or X-DEAL (walang bayad pero may kapalit😆) Pwedeng ipromote niya yung mga services mo para magkaroon ka ng engagement mga ganon mima. Example ako nakikipag collaborate ako X-DEAL (walang bayad, ang kapalit is engagement sa social media accounts ko or in exchange ipro-promote nila yung content ko ganern be).
Pero kahit stuck ako sa "Portfolio" isa talaga sa mga natutunan ko bago ako gumawa niyan is magkaroon pa ng experience and more knowledge about my niche.
So, kanina my event akong pinuntahan where may mga freelance photographers, Social media managers & content creators akong nakasalamuha then nagsha-share sila ng mga experiences nila paano sila nagsimula ganyan magkano ang kita nila even dito lang sa pinas mga clients nila🤣 chismosa be! hahha! Habang nagkwe-kwento sabi ko, ah okay, ganito pala dapat muna ang gawin eexplore muna natin talaga yung niche natin bago tayo mag create ng portfolio. Kumbaga kuha tayo ng experience kahit free lang natin io-offer kung wala pa talaga tayong experience para may mailagay tayo at mas maganda ang atake ng Portfolio be! Kasi sa VA World importante talaga be ang Portfolio. (Not all pero, mas lamang ka kapag meron) Yun lang naman guys☺️ diba ang hirap😭🤣 charizz! Walang mahirap pag gusto mo talaga yung isang bagay. Soon! Magbubunga din yan. Keep on going!
PS. Sorry na sa photo AI po yan wahahahaha!