02/09/2025
๐๐๐๐, ๐๐ฉ๐ข๐ง๐๐ ๐๐ข๐ฐ๐๐ง๐ ๐๐ง๐ ๐๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ ๐ง๐ ๐๐ข๐ค๐ ๐ง๐ ๐ฆ๐๐ฒ ๐ญ๐๐ฆ๐๐ง๐ โ๐๐ข๐ค๐ ๐๐ญ ๐๐๐ฅ๐๐ง๐ญ๐จ: ๐๐ข๐ค๐ก๐๐ข๐ง, ๐๐ฎ๐ซ๐ข๐ข๐ง, ๐๐ญ ๐๐๐ฅ๐๐ค๐๐ฒ๐ข๐งโ
Sa araw ng Ika-28 ng Agosto taong 2025, ang PCNL ay isinagawa ang selebrasyon ng Linggo ng Wika bilang pakikilahok at pagbibigay pugay sa ating sariling kultura at wika, na may temang "Wika at Talento: Likhain, Suriin, at Talakayin". Kung saan ito ay inorganisa ng Departamento ng Edukasyon katuwang ang Supreme Student Council (SSC) sa PCNL grounds.
Ang mga naturang gagawin sa patimpalak ay ang mga sumusunod:
-Paligsahan sa Paglikha ng Poster at Slogan
-Tagisan ng Talino Debate
-Talumpatian.
Bawat departamento ay nakilahok sa programang ito--- Edukasyon, Akawntansi, Pangangasiwa ng Negosyo, Impormasyon Teknolohiya, Inhinyerong Sibil, at Kriminolohiya.
Ang pambungad ay pinamahalaan ng apat na estudyante ng Departamento ng Edukasyon na kung saan sinimulan ito sa isang panalangin, sinundan ng pag-awit ng Lupang Hinirang na pinangunahan ni Binibining Zyra Camata, at ang pag-awit ng himno ng PCNL.
Kasunod nito, ibinahagi nina Dr. Vicente D. Ching, Pangulo ng PCNL; Dr. Conrado B. Dumo, Pangalawang Pangulo ng Akademikong Gawain; Binibining April Serdeniola, Dekana ng Gawaing Pangmag-aaral; Ginoong Edwin Fernandez, Dekano ng Departamento ng Edukasyon; at Binibining Nathalie Valdez, Pangulo ng SSC, ang kanilang makabuluhang mensahe na nagsilbing inspirasyon para sa programang ito.
Ang Paligsahang Pagsusulit ay ginanap sa PCNL "ground", oras ng 10:30 ng umaga. Ang mga kalahok ay binubuo ng limang miyembro bawat departmento.
Kampeon- Departamento ng Edukasyon na may 47 puntos.
Unang Karangalan- Departamento ng Inhenyerong Sibil, 37 puntos.
Pangalawang Karangalan- Departamento ng Impormasyon Teknolohiya, 25 puntos.
Kasabay nito ang Paligsahan sa Paglikha ng Poster at Slogan na ginanap sa silid aklatan.
Kampeon- Departamento ng Kriminolohiya na may 89.33%
Unang Karangalan- Departamento ng Impormasyong Teknolohiya, 83%
Pangalawang Karangalan- Departamento ng Inhinyerong Sibil, 80%
Sunod naman ay ang Pagtatalumpati na ginanap sa Silid 105, kung saan nasaksihan at sinuri ng mga hurado ang bawat kalahok sa oras ng 2:30 ng hapon.
Kampeon- Departamento ng Kriminolohiya na may 94.67%
Unang Karangalan- Departamento ng Edukasyon, 80.65%
Pangalawang Karangalan- Departamento ng Akawntansi, 78.70%
At ang panghuling tunggalian sa programang ito ay ang Debate na ginanap sa Entablado ng PCNL na kung saan ipinamalas ng bawat departamento ang kanilang husay sa pag debate.
Kampeon- Departamento ng Edukasyon
Unang Karangalan- Departamento ng Akawntansi
Pangalawang Karangalan- Departamento ng Impormasyong Teknolohiya
Ito ay nagsilbing inspirasyon upang lalo pang pagyamanin ang wika at talino. Nagpapakita rin na hindi lamang sa akademiko magaling ang mga mag-aaral, kundi pati narin sa sining at kultura ng Pilipinas -- wika na siyang tunay na nagbubuklod sa atin.
Writer - Princess Mae Polic ew & Anjeelah Mamaril
Photos by - Arc Ulat, Angelo Gale, Christian Joseph Parrocha, Jhe anne Valdez, Jhezzarie Mae Ganaden, Kaycee Peralta, Rai Gallano, John Kenneth Adonis