21/11/2025
Maraming salamat po sa pagkilala at pagbati ๐ฅฐ๐ซฐ๐๐๐
๐๐๐ ๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ 100% ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐
Naitala ng Grade 12 ICT GATES ng Don Eulogio De Guzman Memorial National High School ang makasaysayang isang daang pursyentong antas ng pagpasa sa Computer Systems Servicing (CSS) NC II Assessment para sa Taong Panuruan 2025โ2026, na ginawa nilang kauna-unahang strand na matagumpay na nakapasa sa TESDA Assessment ngayong taon. Ang pambihirang resulta ay naglatag ng bagong pamantayan ng kahusayan para sa buong TVL Track.
Kasabay ng tagumpay ng mga mag-aaral ang pagkilala sa mga pamunuan at mga gurong humasa sa kanilang mga isipan, kina Dr. Eliseo C. Buenafe (Punรฒng-G**o IV), Gng. Jemima C. Villaraza (Pangalawang Punรฒng-G**o II), Bb. Rhea S. Daluddung (Ulo ng TVL), at G. Jubert Harrish Lozano Padilla (Tagapag-ugnay ng ICT at Tagapayo). Nagsilbing matatag na salalayan sa pagkamit ng isang-daang bahagdang tagumpay ang kanilang walang humpay na paggabay at suporta.
Sa kabuuan, ang ICT GATES ay hindi lamang nakamit ang isang daang pursyentong antas ng pagpasa โ sila ay nag-ukit ng kasaysayan. Ang kanilang tagumpay ay magsisilbing inspirasyon sa susunod na henerasyon ng mga mag-aaral ng TVL at ICT, na nagpapatunay na sa husay, tiyaga, at tamang gabay, walang imposibleng marating.