03/05/2025
Sabi ni Tatay sa’kin:📍
"Anak, darating ang araw na iibig ka…
at balang araw, mag-aasawa ka.
Kaya habang maaga pa, tandaan mo ito:
piliin mo ang lalaking may tunay na respeto.
Dahil kapag ang lalaki may respeto,
mamahalin niya lahat ng mahal mo—pamilya mo,
mga pangarap mo, pati mga kahinaan mo."
"’Wag ka pumili ng taong mahal ka lang sa umpisa.
Dahil maraming ganyan—magaling lang sa una pero wala palang respeto. At kapag walang respeto, nawawala rin ang pagmamahal. Kaya hanapin mo yung lalaking hindi ka susumbatan kahit kailan,
yung lalaking hindi ka ipaparamdam na pabigat ka."
"’Wag kang pumayag na tratuhin ka na parang ibang tao.
Sa pag-aasawa, hindi kayo dapat magkalaban—kundi magkasangga. Dapat marunong magpasakop ang isa’t isa, dahil hindi lang lalaki ang nasusunod, kundi dapat kayo ay pantay.
Magsunuran kayo, magmahalan kayo.
Kasi kung anong meron ka, dapat meron din siya.
Kung anong meron siya, dapat bahagi ka rin nun.
Kasi iisa na kayo."
"At ang pinakaimportante sa lahat na sinabi ni Tatay: ‘Anak, sana mapangasawa mo yung taong tatanggapin ka kung sino ka,
hindi yung susumbatan ka dahil sa pinanggalingan mo.
Yung taong mamahalin ka, hindi lang dahil kailangan ka niya…
kundi dahil kaya ka niyang ituring ng tama, at hindi ka niya
kailanman ipaparamdam na iba ka.’"