16/08/2026
๐๐๐ญ๐๐ฅ๐ข๐ฑ ๐๐ข๐ ๐ก๐ญ, ๐๐๐ฆ๐ฉ๐จ๐ค ๐ฌ๐ ๐๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ ๐ง๐ ๐๐๐๐๐ญ๐๐๐ง
Inilunsad ng Local Government Unit (LGU) ng Agutaya, katuwang ang Local Youth Development Office (LYDO), ang โFriday Night is Netflix Nightโ bilang bahagi ng Linggo ng Kabataan 2026.
Gaganapin ang libreng movie night sa Municipal Plaza, malapit sa Rizal Monument, tuwing Agosto 14, 20, at 21, 2026, mula 7:00 hanggang 10:00 ng gabi. Layunin nitong mabigyan ang mga kabataan, pamilya, at residente ng pagkakataong makapaglibang, makapagpahinga, at makisalamuha sa pamamagitan ng sama-samang panonood ng pelikula. Kabilang sa mga pelikulang ipinalabas bilang bahagi ng programa ang Spider-Man: Brand New Day at The Kingdom.
Ayon kay SK Bryan Nelcon Cameรฑa Guarin, ang programa ay inihanda ng SK Federation, Local Youth Development Office, at Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), katuwang ang 4Ps, Office of the Municipal Mayor, at iba pang tanggapan at ahensya ng pamahalaan.
Layunin din ng aktibidad na mahikayat ang mga kabataan na dumalo, mapalakas ang pagkakaisa, pagkakaibigan, at pakikipagkapwa, at maisulong ang diwa ng bayanihan at pakikilahok ng komunidad sa pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan 2026.
๐๐๐ข๐๐ ๐ฟ๐๐๐๐๐๐๐ ๐ถ. ๐๐๐โ๐
๐ฝ๐๐๐๐๐ ๐. ๐ถ๐๐๐๐ฬ๐๐๐