16/09/2025
Thomasians Alumni, naghandog donasyon para sa kanilang Alma Mater
Naghandog ang Batch Thomasians ng mga monoblock na upuan sa St. Joseph's Academy bilang kanilang proyekto noong Septyembre 9, pagkatapos ng kanilang pagho-host sa Interbatch noong nakaraang taon.
Ang proyekto ay pinamumunuan ng kanilang Presidente ng Batch Alumni Organization G. John Rey Tupas kasama pa ang kanyang kapwa Thomasians Alumni. Ang kanilang pagbibigay handog ay naglalayong magbigay ng malaking tulong sa eskwelahan.
Ang nasabing donasyon ay natanggap ng Tagapangasiwa ng Paaralan, Rev. Fr. Beluso at Punong-Guro, G. Ibardolaza, kasama sila G. Ituriaga at Bb. Napilitan, na mga miyembro rin ng Batch Thomasians.
✍️: Angel Nicole Silverio