31/07/2025
OPINYON || ๐ง๐๐น๐๐ป๐ด๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฆ๐ฎ๐ฟ๐ถ๐น๐ถ
By: Abrylle Rainne Llaneta
Nakakatuwa na ipapatupad na raw ang Academic Recovery and Accessible Learning Program o ARAL Program sa CBEIS.
Araw-araw ay magkakaroon ng isang oras na tutorial session para sa mga mag-aaral na nahuhuli na sa pag-basa, pagbilang, at Science.
Marami at masalimuot ang mga dahilan kung bakit tila di na makasabay ang kakayanan ng isang mag-aaral sa dapat na inaasahan sa kaniyang grade level, isa na dito ang epekto ng nakaraang pandemya dahil sa COVID-19.
Sa kabila n'un, may isang excuse ang hindi katangap-tanggap para sa akin--ang pagpapabaya sa sarili, ang hindi pagsusumikap na tulungan ang sarili.
Ang pagsusumikap ay elemento ng pagkatuto, kung hindi mo tutulungan ang iyong sarili sino ang tutulong sayo? Isisisi na naman ba ito sa ating mga g**o? Kulang sa suporta ng magulang? Ng gobyerno? Ng DepEd?
Bilang isang estudyante, nararapat lang na pagtuunan mo ng pansin ang pag-aaral. Ito ay responsibilidad natin bilang mag-aaral. Kailangan mo ring pitik-pitikin ang iyong sarili dahil para rin naman ito sa iyong pag-unlad.
Sarili mo rin ang iyong kalaban, hindi ba? Anong rason mo para tanggihan ang naguumapaw na suporta ng ating mga g**o? Ng inyong magulang?
Habang maaga pa, saluhin mo na ang lahat ng pagsusumikap sa pag-aaral. โWag mo nang hayaang dalhin ka ng โyong sarili sa maling daan, sa direksyon ng โkatamaranโ.