19/10/2025
Hindi ito ideal hindi din recommended ‼️
💢 Low energy / Headache
•Pag kulang yung pag kaen mo wala kang fuel na magagamit. Manghihina ka at sasakit lang yung ulo mo.
💢 Very hard to sustain
•Hindi ito madaling isustain ginuguton mo lang yung sarili mo at madali kang mag cheat sa mga meals mo dahil sa sobrang gutom. Mas malaki pa ang balik na impact nito sa katawan mo.
💢 Muscle loss
•Instead na matanggalan ka ng taba, mawawala din o mababawasan yung muscle mass mo. Papayat ka, na parang nagkasakit ka.
➡️Gawin natin mas better approach ang fat loss journey mo.
☑️Strength Training / Low intensity cardio
•Mag workout kapa din 3-5 x a week para ma maintain mo yung muscle mass mo then light cardio para sa burning calories.
☑️Slight calorie deficit
•Kumaen ka ng gusto mong pag kain pero make sure na naka track ka at below ng calorie maintenance mo yung kakainin mo.
☑️Protein intake
•Make sure na nahihit mo pa din daily yung protein intake mo. Ilan ba ang kailangan? x 1g of your body weight in LBS. kung 150lbs ka 150g ang need mo.
➡️In the end walang mabilisan, mas hindi pa maganda ang epekto kung kulang kulang ang kinakain mo.