23/04/2025
โโMga Karaniwang Taxes at Fees sa Pagbenta/Pagbili ng Lupa
Kapag nagbenta o bumili ng lupa, may tatlong pangunahing gastusin:
1๏ธโฃ Capital Gains Tax (CGT)
Rate: 6% ng selling price o zonal value o fair market value (kung alin ang mas mataas)
Sino ang dapat magbayad ayon sa batas: SELLER
Bayaran sa: Bureau of Internal Revenue (BIR)
2๏ธโฃ Documentary Stamp Tax (DST)
Rate: 1.5% ng selling price o zonal value o fair market value (kung alin ang mas mataas)
Sino ang dapat magbayad ayon sa batas: BUYER
Bayaran sa: BIR
3๏ธโฃ Notarial Fee ng Deed of Absolute Sale (DOAS)
Rate: Depende sa notary public, pero karaniwang nasa 0.8 - 1.5% ng Gross price.
Halimbawa ang total price ng lote ay Php. 1,000,000, ang Notarial Fee ay nasa Php. 8,000 - Php. 15,000.00
Sino ang nagbabayad: Depende sa usapan โ minsan hati o minsan ang isa lang ang magbabayad
โ๏ธ Ayon sa Batas, ito ang default or nakatalagang arrangement:
โ
Capital Gains Tax ay si Seller ๐งโ๐พ
โ
Documentary Stamp Tax ay si Buyer ๐งโ๐ผ
โ
Notarial Fee Buyer (o depende sa usapan)
๐ Reference: National Internal Revenue Code of 1997 (NIRC), as amended โ Sec. 24 (D), Sec. 196
๐ค Pwede Bang Mag-Usap si Buyer at Seller if sinu magbabayad Dito?
SAGOT: Oo! Pwedeng-pwede. Ang mga parties ay may karapatang mag-negotiate kung sino ang sasagot sa mga bayarin. Narito ang mga common arrangements:
โ
Option A: "All-in" Price โ Seller ang sasagot sa lahat
๐ โIbebenta ko ang lupa ng โฑ1.2 Million, pero ako na ang sasagot sa lahat ng taxes at fees.โ
๐ Sa ganitong setup, si Seller ang magbabayad ng CGT, DST, at Notarial Fee, pero mas mataas ang selling price para ma-cover lahat ng gastusin niya.
โ
Option B: Buyer ang sasagot sa lahat โ pero may malaking discount
๐ โIbebenta ko ang lupa ng โฑ1 Million, pero ikaw (Buyer) ang sasagot sa taxes and fees.โ
๐ Sa ganitong setup, si Buyer ang magbabayad ng lahat, pero negosyado na mababa ang presyo ng lupa bilang kapalit.
โ
Option C: Hati ang gastos
๐ โTayo na lang maghati sa DST at Notarial Fee. Ako na sa CGT kasi obligasyon ko โyon.โ mga ganun.
๐ Pwedeng magkaroon ng fair compromise lalo na kung personal o family transaction ito.
๐ Tips Para sa Lahat ng Parties
โ
Laging gumawa ng kasulatan o kasunduan na malinaw kung sino ang magbabayad ng alin.
โ
Ipakompyut agad sa BIR ang Capital Gains at DST para may idea kung magkano ang total na babayaran.
โ
Siguraduhing updated ang Tax Declaration at Transfer Certificate of Title bago magsimula ng bentahan. Dahil malking problema yan kung hindi.