11/11/2025
PAALALA UKOL SA PAGBABALIK NG SUPLAY NG KURYENTE
Ipinaaabot ng Pamahalaang Lungsod ng Legazpi na ang Albay Electric Cooperative (ALECO) lamang ang may awtoridad na magtakda kung aling mga lugar ang mauunang maibalik ang suplay ng kuryente, alinsunod sa kanilang mga itinakdang protocols at safety procedures.
Ang City Government of Legazpi ay patuloy na nakikiisa at nagbibigay-suporta sa ALECO sa pamamagitan ng logistical assistance, kagamitan, at manpower, katuwang ang ating mga pribadong indibidwal at grupo na buong pusong nagpapahiram ng mga kagamitan partikular ang mga heavy equipment para sa mas mabilis na pagsasaayos ng mga nasirang linya at poste ng kuryente.
Lubos ang pasasalamat ng Pamahalaang Lungsod sa inyong pakikiisa at malasakit para sa mabilis at ligtas na pagbabalik ng kuryente sa buong Legazpi.
Lab u all!