
25/07/2025
Ipinag-utos ni Albay Gov. Noel E. Rosal ang agarang pamamahagi ng bigas para sa 18 local government units (LGUs) sa Albay.
Ang kautusang ito ay kasunod ng isinagawang emergency meeting ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) kahapon na naglalayong mabigyan ng tulong ang mga pamilyang naapektuhan ng malawakang pagbaha na nararanasan sa lalawigan dahil sa epekto ng Southwest Monsoon na pinalakas ng bagyong Emong at Dante.
Ayon sa Gobernador, sisimulan ngayong araw ang pamamahagi ng 50 sako ng bigas kada LGU na pangungunahan ng Provincial Social Welfare and Development Office (Pswdo).
Matatandaang nakapagtala ang Albay Public Safety and Emergency Management Office ng kabuuang 3,789 indibidwal o 1,068 pamilya na nananatili pa rin sa iba't ibang evacuation center mula sa 2nd at 3rd district ng Albay.
Source: Albay Provincial Information Office