22/09/2025
Kaibigan hindi kita pinagtawanan nung sinabi mong ibaba yung presyo ng fishball, kikiam laptop bigas. Yan din ang sigaw ng lahat. Isa ka siguro sa milyong Filipino na nagdusa lumaban ng parehas para tumagos sa isang araw ng buhay ng ordinaryong mamamayan ng Pilipinas. Manipis pakinggan kung tutuusin ang hiling mo pero Matalim para sa katulad mong kumakayod, lumalaban at umaasa ng pagbabago.
May mga nakulong na nahatulan sa pagnanakaw ng pagkain. May nakulong dahil sa napag-bintangan. May namatay dahil naglilimas ng baha dahil sa ihi ng daga. Samantalang ang mga PVTangIna ay hindi mabahirang dungis ang ningning ng palamuti sa katawan. Halaga ng mga sasakyan na pwedeng ipatayo ng mga bahay na pwedeng silungan ng pamilyang araw-araw nahahamugan. Naliligo sa karangyaan, samantalang si Juan babad sa init, ginaw at ulan. Ampota talaga hindi pantay. Hindi naman pala mahirap ang Pilipinas. Mahirap lang maging mahirap sa sarili mong bansa. Mahirap magkaroon ng kapangyarihan sa bansa natin, nagiging gahaman sila. Nanakawin nila yung para sayo para magutom at sumamba ka sa kanila at magmamakaawa maambunan ka ng grasya na dapat ay literal na para sayo.
Maghihintay ka pa ba ng bagyo para mabigyan ng ayuda at para masabing kumilos sila?
Maghihintay ka pa bang mahospital yung pamilya mo at pag natulungan ka ng isang beses at para sayo naman talaga yun ay habang buhay mo syang pasasalamatan at pupurihin?
Maghihintay ka pa bang magkagulo tayo at tayo tayo ang magkasakitan na parang nasa isang entablado at ang mga magnanakaw na nakaupo ay nagtatawanan habang nanonood sa eksenang sila ang may gawa?
Ibaba ang presyo ng Fishball 🇵🇭
Mamaya kakain ako ng Fishball 🐟🏀
Mabuhay ka Fishball King 👑
Dakilang Manlilikha pagkalooban Nyo kami ng kaliwanagan ng isip at kabusilakan ng loob sa isat-isa. Hindi kaming mga tao ang magkakalaban kundi ang kasakiman sa kapangyarihan at makamundong bagay na hindi namin kailangan 🙏☝️✨💕
Brrrrrt brrrrt Mahal kong Pilipinas👌🇵🇭
Ctto.