13/07/2026
Chapter 37: Telebisyon
“LOVE?”
Gulat na bumaling ang tingin ni Vincent sa kagigising lang na nobya.
“Something wrong?” pupungas-pungas na tanong ni Pauline.
Kabadong sumulyap muli si Vincent sa may bintana. At nakita niyang….
Wala na roon ang imaheng nakita. Tanging kurtina na lamang na sumasayaw sa ihip ng hangin ang naroroon.
Napalunok si Vincent. Namalikmata lamang ba siya? Pinaglaruan lang ba siya ng kanyang paningin?
Napansin ni Pauline ang reaksiyon ng binata. Tila takot at kinakabahan ang lalaki. Abot-abot ang paghinga nito.
“Love, ano bang tinitingnan mo sa bintana? At bakit ganyan ang itsura mo? You seem tense.” at hinawakan ng dalaga ang mukha ng nobyo.
Tumingin si Vincent sa dalaga; pagkuwa’y sumulyap muli sa bintana.
Napahinga siya nang malalim. ‘I must be seeing things,’ usal niya sa sarili.
Hinarap niyang muli ang nobya. Ngumiti. “Nothing’s wrong. I just wanna check on you. Hindi ka na nakakain ng lunch.”
Napatingin si Pauline sa paligid. “Hala, madilim na pala. Sorry, napasobra tulog ko.”
Hinagod ni Vincent ang buhok ng dalaga. “It’s okay. Mabuti nga nakapagpahinga ka nang matagal.”
“Si Tita Saling, okay na ba siya?”
“Yeah, she’s very much okay. Nagpapalakas na lang,” tugon ng binata. “Halika na, kumain ka na muna.”
Agad na tumayo si Pauline at lumakad na palabas ng silid.
Akmang susunod na si Vincent pero muli siyang napalingon sa bintana.
Lumapit siya at isinarado ang steel window. Sinigurado niyang naka-lock ito nang maayos.
“Love, ano pa bang ginagawa mo diyan?” kunot-noong tanong ng dalaga nang sumilip sa pinto.
“Ah, ni-lock ko lang ang bintana. Gabi na kasi,” wika ni Vincent at nagmamadaling lumapit sa nobya.
NANG gabing iyon ay napagkasunduan ng magkakaibigan na manood ng movie. Pinili ng karamihan ang isang horror film, kaya kahit hindi kumportableng manood ay sumang-ayon sina Tanya at Pauline. Maging si Vincent, matapos ang pangyayari kanina, ay hindi mapalagay habang nanonood. Iniisip pa rin niya kung hindi nga ba totoo ang kanyang nasaksihan.
Sa living room ng ikalawang palapag sila nanonood. Sa mesita ay nakahanda ang mga chips at softdrinks.
“Dumating nga pala si Mang Mando kanina,” bulong ni Tanya kay Pauline.
“Oh? Kumusta na raw ‘yung anak nila?”
“Stable na daw. Pero nagrequest sila na hindi muna pumasok ng ilang days para makapagbantay sa ospital. Isinoli niya rin ‘yung van para anytime na may gusto tayong puntahan, may magagamit tayo.”
Nakahinga nang maluwag ang dalaga. “Thank God, okay na ‘yung anak nila.”
“Binigyan ko na rin ng pera si Mang Mando. Para may dagdag silang pambayad sa ospital.”
Nginitian ni Pauline ang kaibigan. Tunay na mabuti ang puso nito.
“‘Nga pala, okay na si Tita. Puwede na siguro natin siyang kausapin tomorrow? About dun sa…” sadyang ibinitin ni Tanya ang sasabihin.
Hinawakan ni Pauline ang k**ay ng kaibigan. Pagkuwa’y tinanguan ito.
“Ayy!” napasigaw ang mga babae nang biglang dumilim ang paligid. Napakapit sina Pauline, Tanya, at Girlie sa kani-kanilang nobyo.
“OA!” tatawa-tawang lumapit si Tyron. “Pinatay ko lang ang ilaw para mas ma-enjoy natin ang movie.”
Napailing na lang ang mga naroroon. Si Chantal ay hinampas sa balikat ang nobyo bago natatawang humilig dito.
Inakbayan ni Vincent si Pauline. Hindi man siya sigurado sa nasaksihan kanina, handa niyang protektahan ang nobya.
Nasa kalagitnaan na ang pelikula at nasa tagpong mahuhuli na ng halimaw ang bidang karakter nang biglang mamatay ang telebisyon.
“What? No way!” inis na bulalas ng karamihan.
Kabadong yumakap sa nobyo si Pauline. Masyado kasing nabalot ng dilim ang paligid dahil ang telebisyon lang ang nagbibigay-liwanag sa kanilang kinaroroonan.
Akmang bubuksan na ni Tyron ang ilaw nang biglang mag-on ang telebisyon. Napapailing na bumalik siya sa pagkakaupo sa carpet katabi si Chantal. Ginamit niya ang remote upang mai-replay ang bahaging hindi nila napanood.
Muling ibinalik ni Vincent ang paningjn sa TV. Nahuli na ng halimaw ang bidang lalaki. Nakatagilid ito sa eksena at sinasakal sa leeg ang bidang lalaki gamit ang isang k**ay nito. Unti-unti niya itong itinaas pagkatapos ay inihagis sa ere.
Maya-maya’y mabagal na humarap ang halimaw. At habang nakatitig si Vincent, bakit tila nagiging pamilyar ang pigura nito sa kanya?
Ang lalaking halimaw sa telebisyon, kamukha ng lalaking nakita niya kanina sa may bintana sa silid ni Pauline!
Nanlaki ang kanyang mga mata. Tila nagpapahiwatig ng masamang pangyayari ang mga mata nitong tila nag-aapoy na nakatitig sa kanya!
Napabuka ang kanyang bibig. Pakiramdam niya’y naninikip ang kanyang paghinga.
Sumulyap siya kay Pauline. Nakapikit ito at tila ayaw makita ang eksena sa pelikula.
Bumalik ang paningin niya sa TV screen. Kumunot ang noo ng mapako ang mata sa karakter na halimaw. Bakit tila bumalik ito sa dating itsura at hindi na kamukha ng lalaking nakita niya sa bintana?
Saglit na ipinikit niya ang mga mata at huminga nang malalim. Ibinalik niya ang paningin sa nobya na noo’y nakasubsob sa dibdib niya.
“Love, you okay?” nag-aalalang bulong niya at hinagod ang likod nito.
Tumango lang ang dalaga. Pero hanggang sa matapos ang pelikula ay nanatili ito sa posisyon nito. Hindi na siya tumingin sa TV screen.
Matapos ang panonood ay nagkayayaan nang matulog ang magkakaibigan.
Niyakap ni Pauline ang nobyo at nagpaalam upang magtungo na sa silid.
Saglit na natigilan si Vincent. Maagap na hinawakan niya sa braso ang nobya upang pigilan ito. “Love…,”
Napatigil ang dalaga sa akmang pagsunod kay Tanya. “Yes, Love?”
Tumingin ito sa nobya pagkatapos ay kay Tanya. “Doon na lang kaya kayo matulog sa room namin ni Billy?”
Nagkatinginan sina Pauline, Tanya, at Billy. Pagkatapos ay bumalik ang tingin nila kay Vincent.
“Why? Is there a problem, Love?” usisa ni Pauline.
Huminga nang malalim ang binata. “Actually, there are things I wanted to tell and ask you, Love,” seryosong wika nito.
Muli, nagkatinginan sina Tanya at Pauline.
“May spare ba kayong kutson, Tanya? Para doon na lang kami matutulog ni Billy,” tanong ni Vincent.
Tumango ang dalaga. “Yes. Doon sa room nina Chantal. May spare matress doon.”
Narinig ni Girlie ang kanilang usapan. “So, sa isang room kayo matutulog? Sama kami.”
Napalingon sina Chantal at Tyron. Agad ang mga itong lumapit sa kanila.
“Huy, ba’t di kami kasali sa plan ninyo? Ang daya ninyo.” reklamo ng dalaga.
“Parang maganda nga ‘yung idea na sa isang room lang tayo matutulog lahat,” masayang wika ni Tyron.
Napabuga ng hangin si Vincent. Nais niya sanang makausap nang sarilinan sina Pauline at Tanya tungkol sa mga napapansin niya sa nobya at sa nasaksihan niya kanina, pero hindi na siya sigurado kung magagawa pa niya iyon ngayong lahat ng kaibigan ay kasama nilang matutulog sa isang silid.
Sa isang banda, naisip niyang mas magiging ligtas ang lahat, lalo na si Pauline, kung magkakasama silang magkakaibigan sa iisang kuwarto. Hahanap na lang siguro siya ng tiyempo mamaya upang kausapin ang dalawa, pati na si Billy na matalik niyang kaibigan.
(To be continued)
Follow our page to stay updated sa ating kuwento. 🥰🙏❤️