31/08/2024
Isang Alabok
Ikinahihiya ko ang aking kawalan ng kakayahan na isa-ayos ang mga bagay sa aking sariling buhay, kahit gaano pa ang aking pagsisikap. Kaya sa malimit kong pag-iisip, ito ang paulit-ulit kong tanong sa aking paglalakad o pagmumuni-muni habang lumulubog ang araw sa Kanluran. Habang pinagmamasdan ko ang nagniningning na mga kulay na ipininta ng Diyos sa kalangitan gamit ang Kanyang daliri. Mga kahanga-hanga at nakakabagbag damdamin na tanawin. Aking natatanong na lamang sa aking sarili, kung inaalala Niya ang mga iyon na lubhang nakakaaliw, may pakialam ba Siya sa akin na isang alabok?
Ang mga manunulat ng Lumang Tipan ay madalas na nagsasalita tungkol sa daliri ng Diyos upang ipaalam ang Kanyang kapangyarihan at awtoridad sa paglikha sa Sanlibutan. Ang daliri ng Diyos ay binabanggit din sa pagpapadala ng mapanirang mga salot sa kasaysayan at pagsusulat ng Sampung Utos (Exodo 8:19; Exodo 31:18). Ngunit kamakailan lamang ay may iba akong natuklasan.
Sa Juan 8:1-11, si Jesus ay nagtuturo sa looban ng templo nang dinala ng mga g**o ng batas ang isang babaeng nahuli sa pangangalunya. Habang inaakusahan at hinatulan nila siya ng kamatayan, yumuko si Jesus at sumulat sa lupa ng ilang beses at bakit binanggit pa ito ni Juan sa kanyang Ebanghelyo?
Hindi lang sinabi ni Juan na yumuko si Jesus para magsulat sa lupa. Sinabi niya, "Si Jesus ay yumuko at nagsimulang magsulat sa lupa gamit ang kanyang daliri" (Juan 8:6b, NIV).
Ang daliri ng Diyos ay ang daliri na lumikha ng langit at sa atin.
Ang daliri ng Diyos ang naglagay ng perpektong batas.
At ngayon ang daliring ito ay sumulat sa alikabok.
Ang makaharap ang Panginoong Jesus, na may hawak ng kapangyarihan sa Kanyang daliri upang papanagutin ang mga makasalanan, ay pinalaya Niya sa halip ang akusado mula sa kasalanan at kahihiyan (Juan 8:10-11).
Nasa Kanyang daliri ang lahat ng kapangyarihan ng Diyos, ngunit pinili Niya tayong patawarin din. Noong una ay yumuko nang magsulat sa alikabok. At sa alikabok din ang ginamit Niya upang tayo ay likhain (Genesis 2:7).
Una niyang isinulat ang Kanyang batas sa mga tapyas na bato ng Kanyang daliri; at kay Kristo, isinulat Niya naman ngayon ang Kanyang pag-ibig sa ating mga puso.
"Kapag aking pinagmamasdan ang iyong mga langit, ang gawa ng iyong mga daliri, ang buwan at ang mga bituin, na iyong inilagay sa lugar, ano ang sangkatauhan na iyong inaalaala, mga tao na iyong pinangangalagaan?" ( Awit 8:3-4 ).
Mahal na kapatid, anong kahihiyan o kasalanan ang maaari mong dalahin ngayon na nagpapanatili sa iyong kalalagayan? Isipin ang iyong sarili sa lugar ng babae sa Juan 8, ang mga nag-aakusa ay dinala ka kay Jesus upang hatulan ka. Ibaling mo ang iyong mga mata sa Kanyang mukha habang Siya ay nakayuko kung saan ka nakaluhod sa lupa ng kahihiyan. Habang lumuluhod Siya sa harap mo, sinabi Niya, “Hindi rin kita hinahatulan. Humayo ka at huwag nang magkasala” (Juan 8:11).
Sa aking Panginoong Jesu-Kristo. Ako ay hindi makapagsalita sa Iyong presensya sa alabok kong kalalagayan dahil sa aking mga kasalanan. Gayon pa man ay iniabot Mo ang Iyong kamay upang mahawakan ko ang mismong daliri na lumikha at nagpalaya sa akin. Pinahihintulutan kita Panginoon na ako'y panghawakang lubos ng Iyong makapangyarihang daliri ngayon at magpakailan man.