Rosenda Chelle

Rosenda Chelle Happy to Share about life and Dreams . Feel free to share and post Basketball highlights.🏀
(3)

Amen 🙏❤️
05/11/2025

Amen 🙏❤️

03/10/2025
Amen 🙏
27/09/2025

Amen 🙏

Amen 🙏❤️😇
25/09/2025

Amen 🙏❤️😇

22/09/2025

BUHAY MARALITANG PILIPINO

Lumalaban nang Patas!
Nahihirapan ngunit patuloy na nagsisikap para sa ikakabuhay nang Pamilya.

Totoo naman na Ang ating buhay tayo ang may hawak pag dating sa ikakapamuhay nang isang Pamilya.

Totoo naman na kung di tayo kikilos wala tayo mararating. Pero bilang isang mamamayang Pilipino ano kaya hinaharap natin buhay at pangarap meron tayo sa sariling bansa.

ANO ANG AASAHAN NATIN PAG UNLAD‼️

Na Kung ang mga nakaupo sa pwesto walang ginawa kungdi mangurakot‼️
Nasaan ang AWA‼️
Nasaan ang KUNSENSYA‼️

Hindi lahat walang Awa Hindi lahat walang kunsensya.
Pero sa ginagawa nang mga makasariling pag nanais na kaginhawaan. Kawawa ang mga Pilipino sa sariling bayan!

Subukan ninyo ilagay ang buhay sa mga maralitang Magsasaka, hirap na hirap mamuhunan kahit mas madalas ang pagkalugi at pagkatalo sa presyuhang halos ipamigay nalang. Kung nakikita nyo kung pano sila nag titipid araw araw lumulusong sa initan at umulan man. Maitaguyod lang ang pamilyang sa kanilay nangangailangan. Bagamat walang kinikita nagbabayad nang tamang buwis dahil yun ang dapat.

Nasaan ang Awa ninyo ‼️
Maraming Pilipino ang kailangan ang tulong ninyo pero wala. Mas gusto nyo yata yun palagi may mahabang pila na maaabutan nang AYUDA bawas bawas na bago makarating sa iba. Hindi LIMOS ang kailangan Kungdi Trabaho para sa pang matagalan solusyon sa naghihirap na pamilya.

Kung sana Hindi Kayo Ganid sa kapangyarihan sa panunungkulan.

Kung sana inilalagay nyo sa tama ang pera nang bansa.

Marami na sana kayo NAGAWA na mapapakinabangan nang ating sariling BAYaN.

Habang ang iba sa inyo lunod na Lunod sa ninakaw na Kaban Nang Bayan.

Kaming mga MARALITANG PILIPINO ang Lunod na Lunod sa Paghihirap. Wag nyo sabihin kasalanan nang mahirap kung bakit nag hihirap sa buhay.

Dahil naniniwala ako na kung may suporta galing sa Gobyerno mga proyekto at hanap buhay ang matutugunan.
Tamang pasweldo at suportang dagdag kaalaman sa pamumuhay na may pag unlad.
Kahit pano sana bawas kami sa intindihin nang gobyerno. Pero hindi dahil ang pera na dapat ninyo gamitin sa makabuluhan at mapapakinabangan nang bansa.

Pinaghahatian nang mga GANid sa kapangyarihan. Mga Walang Kunsensya at Awa sa Maralitang Pilipino.

Hindi nyo yata nakikita kasuluksulukan buhay nang mga nagugutom na pamilya. May mga pamilyang nararapat tulungan dahil bukod sa mga masisipag talaga kinukulang lang talaga.

Mga estudyante may angking Talino at kahusayan pero hindi lahat ay nabibigyan pagkakataon na matulungan.
Dahil hindi napipili kung minsan.
Mga Estudyanteng Buwis Buhay sa tuwing tatawid nang tulay na LUBID O KAWAYAN.

Sayang sobrang SAYANg Ang Bansang
PILIPINAS na may sariling YaMan at KINANG
Hindi na nga pinag YAMan pinag nakawan pa nang mga Walang Awa nanunungkulan. Ang masakit pa dyan pati mga matitino nadadamay kung meron man.

Ano pa ang Aming Paniniwalaan,
Ano pa ang aming AASAHAN!
Dapat pa ba kami pumili sa mga susunod na HALALAN.
Sino ang Sisihin mga Pilipino kung sino ang pinili nya.

O kayong mga nabigyan pagkakataon na mahalal para manungkulan para sa BAYan. Para sa BANSA .
Kung LaHat kayo TAPAT Sa Tungkulin kahit sino pa piliin Manalo o matalo kung tunay at Tapat maglingkod.
Wala na sisihin pa kung sino ang ibinoto.

Mga sarili ninyo ang SISIHiN nyo dahil Sinungaling kayo sa Tungkulin nyo mag Lingkod. Hindi mga Maralitang pilipino ang sisihin nyo kung sino ang Binoto.

Sa pag pili Hindi kailangan nang Talino katulad nang sinasabi nyo ang kailangan kayo ang MAG PAKATOTOO‼️

Kung kayo na mag kakatung gali pare pareho Tapat sino man sa inyo ang manalo maupo at maglingkod. Buong Pilipinas dapat ang UUNLAD.

ANG KAILANGAN NANG BANSA MAKATOTOHANANG PAGBABAGO‼️
KAILAN KAYA MAGKAKATOTOO‼️

🙏🙏🙏

Address

Angat
3012

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Rosenda Chelle posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share