15/04/2025
" nababaliw kana talaga chestnut! ' sabay sipa ko sakanya, hindi ito nakailag dahil bitbit pa nito ang kalakal na dala dala ko."
"Ayaw mo nun , Hindi kana nila guguluhin at liligawan?"
" Wala pa sa isip ko ang mag boyfriend ano ka ba! baka makarating Yan Kay inay at maniwala yun."
"Gusto na ako ng inay mo para Sayo Mayang ko." tuloy sa pang aasar nito sa akin "
at gusto kana din ng nanay ko para sakin ' malakas na tawa pa nito marahil ay nakikita nito na naiinis ako sa biro niya."
"Ano ba ,titimbangin mo ba Yan o ibabalot kita sa karton at itatapon nalang sa sapa? ' inis kong sabi Kay chester nagtatawanan lang ang mga tao sa shop sa pang aasar niya sakin."
"Hoy chestnut! bawiin mo sinabi mo sa mga kaibigan mo ah ! baka maniwala mga yun ' pahabol kong sabi sakanya pagkatapos bayaran ang mga kalakal."
"ayaw ko ngaaaaa ... ' parang batang asar nito sa akin".
"Bahala ka sa iba nalang ako magbebenta ng kalakal! , ganti ko sa pang aasar niya."
"Hoy wag ganyan Mayang ko , biro lang yown!!
"Sigaw nito sa akin habang papalayo na ako sa pwesto nila , pagkatapos nito ay tumuloy naman ako sa estasyon Ng pulis at naabutan ko pa duon ang police officer na si Sir Vince."
"Mariah , kamusta naman ? kamusta ang inay mo ? ' Mariah ang tawag nila sa akin dito sa police station at hindi Mayang dahil ang sabi nila ay mukha daw akong birhen kapag nakikita nila at nagpupunta ako dito para maglinis ng mga sapatos nila."
"Si inay ganun pa din po sir chief, kaya po nandito ako at nagbaka sakali baka may ipapalinis po kayo sa akin."?
"Ganun ba , ohhh sige sige sakto katatapos lang Ng meeting namin maglinis ka sa loob at kami na bahala Sayo."
"Talaga po? , ' nakangiting sabi ko .
Ehhh yang mga sapatos nyo po sir chief? Hindi nyo po ba ipapalinis ? ' kahit makintab pa naman ay kailangan ko na itong linisan para extra income din iyon."
"Ikaw talaga sige pagkatapos mo linisin ang nasa loob , puntahan mo ako sa office ko Mariah."
' isabay Mona din ang sapatos ko iha hirit naman Ng kasamahan nito sa loob at nagpalinis na din ang iba para daw makatulong sa akin at Kay nanay . Habang naglilinis si ako ay Nakita ko ang mga pagkain sa mesa na halos hindi man lang nagalaw at ang iba ay hindi man kinain."
"sayang naman ' sa loob loob ko, kami nga kung hindi kakayod hindi kami kakain , tapos sila nasa harapan na nila ang biyaya tinanggihan pa tsk tsk!"
"Gusto mo bang iuwi ang mya iyan Mariah?" tanong Ng babaeng police officer ng mapansin na nakatingin lang ako sa mesa at hindi pa naglilinis."
"Ayos lang po ba? nahihiyang sabi ko mukha kase itong strikto tignan kaya naiilang ako dito kapag nakikita ko siya sa stasyon."
"Sayang Kase kung itatapon lang, iuwi mona sa inyo. ' yun lang at umalis na din ito , pagbalik nya ay may dala dala Pala itong dalawang eco bag."
"ito oh , ito mga damit na napagliitan na ng dalaga ko sa tingin ko ay kasya pa ito Sayo" tinignan ko ito na nagtataka , kinuha nya ang isang bag na may laman at tinignan ang mga ito. Mga bistida ito halos at mga t-shirt short na pambabae at alam nyang kasya pa sa akin may mga terno din pa pwede kay Luisa at ang iba naman ay bibigay ko kay inay . Ngumiti ako at tinanggap iyon na puno ng pasasalamat."
"Ang dami naman po nito madam , at maayos pa . maraming salamat po dito".
"Itong isang bag, lagayan mo ng mga pagkain sa mesa Kunin mo lang Yung mga Hindi pa nabuksan Mariah."
"Opo madam , salamat po salamat po .' paulit ulit kong sabi sa babae tuwang tuwa na naman ang puso ko dahil nadagdagan na naman ang mga pasalubong ko kay inay at kay bunso . pagkatapos nito ay naglinis na ako ng mesa at ibang sapatos ng mga police dito sa stasyon binigyan pa ako ng pera bilang kabayaran sa pagta'trabaho ko. Tuwing aalis ako ng bahay upang magpunta ng bayan Hindi pwedeng Wala akong bitbit galing sa mga taong tumutulong sakin."
"Iha, idagdag mona ito pambili ng gamot ng iyong nanay at para makauwi kana din sa inyo. '
"Salamat talaga sir chief, iba ka talaga!! ' pagsaludo ko dito at nagtawanan pa ang iba.' Pagkatapos ay umuwi na din ako pagkabili ng kailangang gamot ni inay . pagod man sa ilang Oras nya pagbibisikleta mula bayan ay ayos lang sakin dahil para naman ito sakanila . Hindi ako pwedeng magreklamo sa mga ginagawa ko at sinasakripisyo para sa pamilya ko ito kaya sinasabi ng lahat maswerte ang mapapangasawa ko."
" wala pa naman sa isip ko ang mga ganyan, boyfriend nga wala ako eh! pag asawa pa kaya ?"
"Ateee! masayang bati ni Luisa sa akin habang ito ay kumakaway kaway pa . Naglalakad nalang ako sa may eskinita pagkatapos kong maisoli ang hiniram na bisikleta sa kapitbahay."
"Si nanay kumusta siya? agad kong bungad sa kapatid ko habang papasok ng bahay."
"Kanina po ay ubo Ng ubo si inay ate mayang , pinainom ko ng tubig para Hindi matuyuan ng lalamunan ' sinilip ko at natutulog pa."
"Ano po mga dala mo ate ? pagtingin nito sa mga bag na nasa mesa."
"Galing Kay ate carol ito paborito nyo ni nanay".
"Wooowww ... woooow sakto nagugutom na po ako ate , maraming salamat po lord salamat po ate mayang salamat po ate carol . ' mahabang sabi nito na tuwang tuwa habang kumakain na"
"ohhh dahan dahan lang at baka mabulunan ka ' nakangiti kong sabi sakanya." nawawala lahat ng pagod at pag'aalala ko tuwing nakikita kong masaya ang kapatid kong si luisa. pinuntahan ko na si inay para gisingin at Kumain na at para makainom na din ng gamot ."
"Ang kuya Larry ba nakauwi na ?"
"Opo ate kanina, pero umalis din po kaagad".
"Saan ba daw pupunta?"
"Hindi naman po sinabi ate mayang, patuloy sa pagkain nito ng tinapay ."
"Kumain ka din ng kanin bunso , heto ohh galing kay sir chief binigay nila sa estasyon."
"Mukhang masarap po ate , salamat po ."
"inay , kayo din po Kumain na muna at para makainom po kayo ng gamot nyo ."
"Ikaw anak , Kumain kana din . sabayan mo na ako sa pagkain."
"sige lang po inay, busog pa po ako".
"napagod ka ba anak?"
"Hindi naman po inay , Hindi naman po gaano mainit kaninang umalis ako."
"Pasensya kana anak ' sa garalgal nitong boses"
"Ayan na naman po kayo ehh ."
"SALAMAT anak ko napakabuti mo talagang bata."
"walang anuman po inay, Wala pa ito sa mga sakripisyo mo at pagod mo saming magkakapatid, hanggat kaya ko po inay lalaban Tayo kaya wag ka na po mag isip ng kung Ano ano . ' pagkasabi nun ay tuluyan Ng naiyak si inay , napaiyak narin ako at yumakap kay inay ".
"Sa paglipas ng mga araw, linggo at buwan laging ganito ang daily routine ko, Hindi ako magsasawa at mapapagod para Kay inay at kapatid ko at kahit na madalas na Hindi kami nagkaintindihan ni kuya Larry ay hindi ko ito sinusumbatan kahit isang beses sa saking buhay . inuunawa ko na lamang ito marahil ay may pinagdadaanan ito sa buhay , patuloy lang sa pagaaral si Luisa dahil gusto ko na Maka graduate ito ng elementarya at makapag highschool din ."
NEXT??