04/05/2023
Sa dami ng pinag daanan ko sa buhay, sa dami ng ibat ibang taong nakahalubilo ko, ibat ibang lugar na napuntahan ko at simula nung naging isang nanay nako isa lang ang IKINAKATAKOT ko. Yun yung mawala sa mundo ng hindi ko pa nabibigay lahat ng pangangailangan ng mag ama ko.
Gusto ko lang ibahagi sainyo yung magiging journey ko, yung mga realidad sa mundo kapag isa ka ng NANAY. Sobrang hirap lalo na kung may sakit ka. Hind ko alam kung hanggang saan, hanggang kailan ang ibibigay na pag subok saken ng MUNDO.
Sa ngayon, ang tanging iniisip ko nalang yung magiging kalagayan ng MAG AMA ko kapag diko nalagpasan to.
Gusto ko gamitin itong flat form na to para ipahatid sainyo na MAG INVEST KAYO PARA SA HEALTH NINYO. Hindi biro mag ka roon ng sakit, and nag ssuffer ako ngayon… Yes bawal ma stress, pero hindi ko maiwasan mag isip ng kung ano ano. Hindi ko maiwasan mag isip ng
“PANO KUNG DIKO KAYANIN?”
“PANO MAG AMA KO?”
“PANO KUNG SUMUKO NA KATAWAN KO?”
at ang pinaka huli
“SINO MAG BIBIGAY NG NABIBIGAY KONG PAG MAMAHAL SA KAMBAL KO?”
Ibat ibang nanay na ang naencounter ko, ibat ibang pag mamahal at pakikitungo sa anak ang nasaksihan ko nung dalaga pa ako. At ngayong isa nako sakanila, dun ko nasabi na
WALANG SINO MAN ANG MAKAKAPANTAY NG PAG MAMAHAL NA BINIBIGAY NG ISANG TUNAY NA NANAY SA MGA ANAK NYA.
Alam ko may rason to kung bakit Niya binigay sakin itong pag subok na to. Alam Niya na kaya ko, kaya dapat kayanin ko 🙏 Hindi pweding sumuko may dalawa pa akong pag mamadrehin 😅✌🏻kaya, LABAN LANG LAGI.
For Brielle and Brienne, hindi susuko si mommy ☺️ AS ALWAYS, BASIC LANG TO 💪🏻❤️