Teacher's Pen

  • Home
  • Teacher's Pen

Teacher's Pen The ink that never dries. The Official Student Publication of Angeles University Foundation - College of Education

๐—ฆ๐—›๐—”๐—ฅ๐—ฃ๐—˜๐—ก ๐—ฌ๐—ข๐—จ๐—ฅ ๐—Ÿ๐—”๐—ฃ๐—œ๐—ฆ, ๐—ฌ๐—ข๐—จ๐—ก๐—š ๐—๐—ข๐—จ๐—ฅ๐—ก๐—ข๐—ฆ! โœ๏ธ๐Ÿ“ฐThe Source of Angeles City National High School joins us for our annual External J...
30/08/2025

๐—ฆ๐—›๐—”๐—ฅ๐—ฃ๐—˜๐—ก ๐—ฌ๐—ข๐—จ๐—ฅ ๐—Ÿ๐—”๐—ฃ๐—œ๐—ฆ, ๐—ฌ๐—ข๐—จ๐—ก๐—š ๐—๐—ข๐—จ๐—ฅ๐—ก๐—ข๐—ฆ! โœ๏ธ๐Ÿ“ฐ

The Source of Angeles City National High School joins us for our annual External Journalistic Skills Training, guided by the theme L.A.P.I.S.โ€”Lakas ng Adhikain, Panulat, Integridad, at Serbisyo.

๐Ÿ“… Date: September 6, 2025
๐Ÿ“ Venue: St. John Paul A PS Building

Sharpen your pencils, strengthen your purpose, and get ready to write with integrity and service. Letโ€™s put L.A.P.I.S. into action!

In cooperation with:
The Pioneer AUF

(Graphics by Jacey Rivera and Reynel Gonzales)

Kalayaan sa pamamahayag, kalayaan ng sambayanan. Hanggaโ€™t may malayang panulat, may pag-asa ang bayan.
30/08/2025

Kalayaan sa pamamahayag, kalayaan ng sambayanan. Hanggaโ€™t may malayang panulat, may pag-asa ang bayan.

๐—ง๐—ฃ๐—˜๐—ก๐—ฒ๐˜„๐˜€ | ๐—ง๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐˜€๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ง๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ป๐—ผ, ๐—ง๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐—ผ๐—ธ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ฑ๐—ถ๐—ฟ๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ด ๐—•๐˜‚๐˜„๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ช๐—ถ๐—ธ๐—ฎ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฑ ๐˜€๐—ฎ ๐—–๐—ผ๐—น๐—น๐—ฒ๐—ด๐—ฒ ๐—ผ๐—ณ ๐—˜๐—ฑ๐˜‚๐—ฐ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ปMatagumpay na ipinagdiwa...
30/08/2025

๐—ง๐—ฃ๐—˜๐—ก๐—ฒ๐˜„๐˜€ | ๐—ง๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐˜€๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ง๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ป๐—ผ, ๐—ง๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐—ผ๐—ธ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ฑ๐—ถ๐—ฟ๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ด ๐—•๐˜‚๐˜„๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ช๐—ถ๐—ธ๐—ฎ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฑ ๐˜€๐—ฎ ๐—–๐—ผ๐—น๐—น๐—ฒ๐—ด๐—ฒ ๐—ผ๐—ณ ๐—˜๐—ฑ๐˜‚๐—ฐ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป

Matagumpay na ipinagdiwang ng AUF College of Education, sa pamumuno ng dekana na si Dr. Jennifer Santillan at ng mga Filipino major, ang โ€œTagisan ng Talinoโ€ bilang tampok na bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2025 na may temang โ€œPaglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa", na ginanap nitong biyernes, Agosto 29, 2025 sa Teachers Resource Center, EYA Building ng Angeles University Foundation.

Sa kanyang pambungad na pananalita, binigyang-diin ni Dr. Santillan ang dalawang pangunahing layunin ng programa: ang muling pagbuhay sa diwa ng Buwan ng Wika at ang pagtataguyod sa pambansang temang nagsisilbing gabay ng makabagong henerasyon sa pagpapanatili at pagpapalakas ng sariling wika.

Hindi napigilan ni Dr. Santillan ang kanyang emosyon habang inaalala na mahigit pitong taon ang lumipas bago muling naisagawa sa ganitong lawak ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika sapagkat nitong nakaraang taon lamang muli nagkaroon ng mga mag-aaral na kumuha ng Filipino majors sa kolehiyo.

Nilahukan ng mga mag-aaral ng College of Education mula unang taon hanggang ikaapat ang patimpalak: sina Nicole Callico at Jewel Pasco (Unang Taon), Xiannia Yvette Lorega at Cyrus Pineda (Ikalawang Taon), Ellah Mae Pinguel at Reynel Gonzales (Ikalawang Taon), John Warren Lansangan at Gerald Salvador (Ikatlong Taon), at Kyle Kyroh Ramirez at Jasmine Ayuyao (Ikaapat na Taon). Ang patimpalak ay binubuo ng tatlong bahagi ng tanungan: Madali, Katamtaman, at Mahirap, na sumubok sa kanilang kaalaman at pang-unawa sa wikang pambansa at kulturang Pilipino.

Tampok din sa programa ang Spoken Word Poetry ni Monica Duay, na nagbigay-diin sa pagpapabaya at unti-unting pagkalimot sa wikang Filipino. Ito ay nagsilbing panawagan para sa pagpapalakas at muling pagbabalik ng dangal ng ating wika.

Naging bahagi ng mga hurado sina Ginoong Gray Louis Bediones at Dr. Jennifer Santillan, na nagpatibay sa kredibilidad ng patimpalak.

Sa huli, itinanghal na kampeon sina John Warren Lansangan at Gerald Salvador mula ikatlong taon. Nakamit nina Nicole Callico at Jewel Pasco mula unang taon ang unang karangalan, habang pumangatlo naman sa ikalawang karangalan sina Xiannia Yvette Lorega at Cyrus Pineda mula ikalawang taon.

Higit sa pagiging simpleng patimpalak, ang Tagisan ng Talino ay nagsilbing makasaysayang pagbabalik ng isang tradisyon sa College of Education, isang paalala na ang wikang Filipino ay buhay, makapangyarihan, at patuloy na magiging tagapagbuklod ng sambayanang Pilipino.

Balita | Carry Carlos
Larawan | Philip Alexander Moreno

๐—ฃ๐—”๐—ก๐—œ๐—ง๐—œ๐—ž๐—”๐—ก | ๐—”๐—ฟ๐—ฎ๐˜„ ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—•๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ถMGA BAYANING WALANG BANTAYOG: MAKABAGONG BAYANITuwing Araw ng mga Bayani, ating ginugunita...
25/08/2025

๐—ฃ๐—”๐—ก๐—œ๐—ง๐—œ๐—ž๐—”๐—ก | ๐—”๐—ฟ๐—ฎ๐˜„ ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—•๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ถ

MGA BAYANING WALANG BANTAYOG: MAKABAGONG BAYANI

Tuwing Araw ng mga Bayani, ating ginugunita ang mga bayaning nag-alay ng buhay sa bansang sinilangan alang-alang sa pagkamit ng ating kalayaan. Mga bayaning walang sawang tumindig, tumayo nang taas noo, at lumaban nang buong puso kapalit man ng kanilang pag-iral. Ngunit sa makabagong panahon, ang larangan ng pakikibaka ay nagbago, at ang simbolo ng pagmamahal at sakripisyo ay hindi na tungkol sa ano mang nakamamatay na patalim, bomba, at balaโ€”kundi kaalaman, malasakit, at walang sawang serbisyo.

Mga guroโ€”ina ng lahat ng propesyon, mga bayaning walang kapaguran, kayo ang humuhubog ng kaalaman ng mga kabataan. Sa bawat guhit ng tisa sa pisara, nakaukit ang karunungang hindi mapapawi ninuman. Mga kaalamang hindi lamang hango sa mga libro, kundi sa pagmamahal ng pangalawang magulang na walang ibang hangad kundi ang kabutihan at tagumpay ng mga estudyante.

Ngunit hindi lamang kayo, nariyan din ang mga bumbero't pulis na handang ialay ang kanilang pagkatao para sa ating kaligtasan; mga doktor na patuloy na nakikipagdigma sa sakit at walang humpay sa paghahanap ng lunas; mga mandirigma ng kalsadang naghahatid sa atin sa tagumpay, mga manggagawang Pilipino sa labas ng bansa na patuloy na nakikibaka para sa kinabukasan ng pamilya, at mga mangingisda't magsasaka na patuloy na kumakayod sa gitna ng sikat ng araw, manhid na tuhod, at tagaktak ng pawis kapalit ng pagkaing ihahain sa hapag ng bawat tahanan.

Iilan lamang sila sa ating mga makabagong bayani, hindi man sila nakalimbag sa kahit anong pahina ng mga libro ng kasaysayan, nakaukit naman ang kanilang serbisyo, sakripisyo at pagmamahal sa puso ng bawat Pilipino.

Kaya sa bawat pagdiriwang ng Araw ng mga Bayani, hindi lamang natin ipinagdiriwang ang nakalipas, ipinagbubunyi rin natin ang ating mga modernong bayani. Mga bayaning patuloy na nakikipagpunyagi, nagmamalasakit, at nagmamahal, hindi lamang ng sarili, kung hindi para sa kapwa at sa bayan.

Isinulat ni Prince Dannie Lising
Disenyong biswal at Paglalapat ni Carry Carlos

๐—Ÿ๐—”๐—ง๐—›๐—”๐—Ÿ๐—”๐—œ๐—ก | ๐—”๐—ฟ๐—ฎ๐˜„ ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—•๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ถTAWAG NG KAMALAYANโ€Ž"Para sa sarili o para sa nakararami?" Isang katanungan na batid kong p...
25/08/2025

๐—Ÿ๐—”๐—ง๐—›๐—”๐—Ÿ๐—”๐—œ๐—ก | ๐—”๐—ฟ๐—ฎ๐˜„ ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—•๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ถ

TAWAG NG KAMALAYAN

โ€Ž"Para sa sarili o para sa nakararami?" Isang katanungan na batid kong pinagdaanang sagutan ng mga minsan ng naging karaniwang mamamayan ng ating bayan. Datapwat sa pagmumuni-muni, sa wakas sila na'y nakapili, pinag-isipang mabuti ang kanilang tunay na minimithi, kaya nama'y isinilang ang ating mga itinuturing na bayani.
โ€Ž
โ€ŽKasabay ng pagsibol ng bagong umaga ay ang mga nagbabagang pusong gustong makuha ang kani-kanilang adhika. Iba't-iba man ang dahilan at paraan ng kanilang pakikipaglaban, subalit iisa lamang ang nais na makamtanโ€”'yon ay ang kalayaang walang hanggan. Mula sa paggamit ng kapangyarihan ng pluma hanggang sa pagbitbit ng tunay na sandata, karunungan at katapanganโ€”'yan ang kanilang naging susi upang mabuksan ang pinto ng kaginhawaan.
โ€Ž
โ€ŽTaong 2007, sa bisa ng Batas Republika No. 9492, ang pagdiriwang sa Pambansang Araw ng mga Bayani ay gaganapin tuwing huling Lunes ng Agosto. Bilang karagdagan, ang selebrasyong ito ay isa ring paraan upang bigyang pansin ang Sigaw ng Pugad Lawin na naganap noong 1896, ito ang nagsilbing hudyat upang simulan ng ating mga ninuno ang pag-aalsa ng rebolusyong Pilipino laban sa rehimen ng mga Kastila.

Ilan lamang sa mga tanyag na bayani ay sina Lapu-lapu, Dr. Jose Rizal, Heneral Antonio Luna, Gabriela Silang, at iba pa. Ayon sa mga pahayagan, walang tumpak na numero ang mga bayani sa ating bayan, gayunpaman patuloy natin itong ipinagdiriwang sapagkat isa itong patunay na tayo'y taos-pusong nagbibigay-pugay sa mga sakripisyong kanilang inialayโ€”na nagbigay tulay upang ang liyab ng dugong Pilipino ay manatiling buhay.
โ€Ž
Dagdag pa rito, ang kanilang serbisyo ay nagbunga sa pagmulat ng mga taong gustong lumaban para sa Perlas ng Silangananโ€”naimpluwensyahang humakbang at kumilos ayon sa tama at sa ikinakatok ng puso, kaya naman hanggang sa kasalukuyan dumarami ang kanilang bilang. Walang kahit anong sertipiko ng kagawaran ang kailangan upang matumbasan ang kanilang kabayanihang ipinamalas. Hindi man ito pansin ng karamihan sa atin, subalit ang bawat bagay na kanilang nagawa ay nag-iwan ng marka sa mga taong nakaranas at saksi. Isang magandang halimbawa ay ang pagsagip ng isang ama sa kaniyang anak mula sa rumaragasang baha sa Batasan Hills, Quezon City. Umulan man ito ng papuri, ngunit walang kahit anong materyal na bagay ang makapagpapalit sa kanilang ngiti, pagkatapos masagip ang bata sa nakabubuntong-hiningang pangyayari.
โ€Ž
โ€Ž"Hindi lahat ng bayani ay makikita sa pormal na kasuotan, minsan ang tanging bitbit lamang ay ang sigaw ng puso para lumaban nang may katarungan." 'Yan ang mga katagang ating pakatatandaan, sapagkat hindi nasusukat sa estado ng buhay ang pagtataglay ng abilidad ng isang pagiging bayani. Kung sa ganoo'y, ang pagtatalo sa kung sino ang karapat-dapat na tanghaling bayani at kung sino ang hindi ay wakasan na. Huwag nating ibaon sa limot ang kanilang mga kontribusyon na tumapos sa ating pagkagapos, sapagkat kung hindi dahil doon, ang bansang Pilipinas ay nanatiling kandadoโ€™t walang kalayaan hanggang ngayon. Bagkus, ito'y ating gawing inspirasyon at motibasyon upang magkaroon ng magandang buhay ang mga susunod na henerasyon.
โ€Ž
โ€ŽNgayon tatanungin kita, "para sa sarili o para sa nakararami?" Marahil ang iba saatin ay may kasagutan na, sa kabilang banda ay maaaring nag-iisip pa. Gayunpaman, batid kong ang kasagutan ay darating na, mahirap man ipaglaban ang bayang puno ng kasakiman, sana'y huwag natin itong sukuan, bagkus ating sagutin ang tawag upang ito'y paglingkuran. Mahirap mang pumuli dahil nakaharang ang mga karumaldumal na pangyayari, sana'y sa bandang huli "Pilipinas" pa rin ang bigkasin ng ating mga labi.

Sa padiriwang ng Pambansang Araw ng mga Bayani, ating itatak sa puso't isapan ang legasiyang iniwan ng mga mamamayang bibit sa kanilang pangalan ang "kabayanihan."
โ€Ž
โ€Ž๐‘ด๐’‚๐’ƒ๐’–๐’‰๐’‚๐’š ๐’‚๐’๐’ˆ ๐’‚๐’•๐’Š๐’๐’ˆ ๐’Ž๐’ˆ๐’‚ ๐’‘๐’‚๐’Ž๐’ƒ๐’‚๐’๐’”๐’‚๐’๐’ˆ ๐’ƒ๐’‚๐’š๐’‚๐’๐’Š! ๐‘ด๐’‚๐’ƒ๐’–๐’‰๐’‚๐’š ๐’‚๐’๐’ˆ ๐’ƒ๐’‚๐’๐’”๐’‚๐’๐’ˆ ๐‘ท๐’Š๐’๐’Š๐’‘๐’Š๐’๐’‚๐’”!

Isinulat ni Nicole Calicco
Disenyong biswal ni Jasmine Khayle Niedo

๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—”๐—ฅ๐—ฌ | ๐—ก๐—ถ๐—ป๐—ผ๐˜† ๐—”๐—พ๐˜‚๐—ถ๐—ป๐—ผ ๐——๐—ฎ๐˜†ANG BULALAKAWSa alapaap ang tingin,Pag-asaโ€™y malapit nang marating.Bakas na ang liwanag sa ba...
21/08/2025

๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—”๐—ฅ๐—ฌ | ๐—ก๐—ถ๐—ป๐—ผ๐˜† ๐—”๐—พ๐˜‚๐—ถ๐—ป๐—ผ ๐——๐—ฎ๐˜†

ANG BULALAKAW

Sa alapaap ang tingin,
Pag-asaโ€™y malapit nang marating.
Bakas na ang liwanag sa bawat mithiin,
At nais nang isiwalat ang mga hinaing.

Kayaโ€™t tumabi ang bawat salipawpaw,
Upang magbigay-daan sa ibabaw,
Sapagkat lalapag na ang bulalakaw,
Kahit nakatirik pa ang araw.

Itoโ€™y nagmistulang palasyo,
Nakapalibot ang lipon ng mga sundalo,
Upang ang nakaambang panganib ay lumabo,
At maisilang na ang malinis na serbisyo.

Subalit ang lahat ay tumaliwas,
Naglahong parang usok ang alpas.
Sumabog ang kanyon na marahas,
At humandusay sa bayang likas.

Ngunit hindi nagpatinag sa hantungan,
Bagkus ang rosas ay nanindigan,
At isinilang ang tunay na pag-asa ng bayanโ€”
Ang katimawaan sa marahas na pamunuan.

Isinulat ni Reynel Gonzales
Disenyong Biswal ni Carry Carlos

๐“๐๐„๐๐ž๐ฐ๐ฌ | ๐“๐ก๐ž ๐ˆ๐ง๐ค ๐‹๐ข๐ฏ๐ž๐ฌ ๐Ž๐ง: ๐“๐ž๐š๐œ๐ก๐ž๐ซ'๐ฌ ๐๐ž๐ง ๐†๐ž๐ง๐ž๐ซ๐š๐ฅ ๐€๐ฌ๐ฌ๐ž๐ฆ๐›๐ฅ๐ฒ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“The College of Educationโ€™s official student publication, ...
20/08/2025

๐“๐๐„๐๐ž๐ฐ๐ฌ | ๐“๐ก๐ž ๐ˆ๐ง๐ค ๐‹๐ข๐ฏ๐ž๐ฌ ๐Ž๐ง: ๐“๐ž๐š๐œ๐ก๐ž๐ซ'๐ฌ ๐๐ž๐ง ๐†๐ž๐ง๐ž๐ซ๐š๐ฅ ๐€๐ฌ๐ฌ๐ž๐ฆ๐›๐ฅ๐ฒ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“

The College of Educationโ€™s official student publication, Teacherโ€™s Pen, formally opened Academic Year 2025โ€“2026 with its General Assembly on August 16, 2025, at St. John Paul Hall A, Angeles University Foundation. The gathering brought together editors, correspondents, and new members to reflect on past achievements, affirm their mission, and set clear goals for the year ahead.

Adviser Dr. Ailel Suzzet Manalo led the opening message by framing the assembly as more than an organizational formality. She related the event to the greater purpose of journalism, emphasizing that members of TPen are not only writers but also truth-seekers and storytellers. She reminded the publication of its enduring mantra, The Ink That Never Dries, which represents its commitment to inform, inspire, and give voice to the unheard.

Editor-In-Chief, Carry Carlos, presented the accomplishment report, summarizing the milestones of the past year and acknowledging the collective efforts that kept the publication active and relevant. Certificates of editorship were also awarded, followed by the formal introduction of members, underscoring both continuity and renewal in the publicationโ€™s leadership and ranks.

Associate Editor Reynel Gonzales discussed the constitution, by-laws, and internal operational procedures to strengthen the foundation of accountability and professionalism within the organization. Managing Editor Xiannia Yvette Lorega then presented the plan of action, which centered on upholding journalistic integrity, fostering collaboration, and ensuring that the publication remains a credible voice within the university community.

Concluding the event is current Editor-in-Chief Carry Carlos, leaving the message about deeper responsibility of campus journalism.

โ€œThe role of a journalist is not only to report what happens but to seek truth, give voice to the voiceless, and shed light where there is silence,โ€ Carlos said. โ€œBeyond truth-telling, our role is also about service, to inform, to inspire, and to uphold the values that strengthen our campus and our nation.โ€

He added that journalism is not without challenges, requiring courage and sacrifice, but it remains one of the most meaningful callings because every work produced has the power to shape dialogue and preserve history.

The assembly ended with a shared sense of purpose, unity, and renewed commitment to the values of integrity, courage, and service to truth. As Teacherโ€™s Pen embarks on another academic year, it carries forward not only its plans and programs but also the spirit of journalism that continues to bind its community of storytellers and truth-seekers.

News | Carry Carlos
Photos | Russelle Oclarit, Philip Alexander Moreno, Welderido Cruz of OUR

๐‡๐€๐๐๐„๐๐ˆ๐๐† ๐๐Ž๐– | The CED Marlin Freshies are now taking part in PASIBAYU: Welcome Freshies Ceremony 2025 at the AUF Sport...
20/08/2025

๐‡๐€๐๐๐„๐๐ˆ๐๐† ๐๐Ž๐– | The CED Marlin Freshies are now taking part in PASIBAYU: Welcome Freshies Ceremony 2025 at the AUF Sports and Cultural Center, 2nd Floor. The program, which started at 1:00 PM, features cultural performances, fun activities, and messages of encouragement to mark the official welcome of Angelenean freshmen into college life.

Photos | Princess Joy Lingis

๐€๐ฎ๐ ๐ฎ๐ฌ๐ญ ๐Ÿ๐ŸŽ |   ๐ŸŽˆTime to roll the pressesโ€”todayโ€™s top story is a birthday celebration!Happiest birthday to our Sports Writ...
20/08/2025

๐€๐ฎ๐ ๐ฎ๐ฌ๐ญ ๐Ÿ๐ŸŽ | ๐ŸŽˆ

Time to roll the pressesโ€”todayโ€™s top story is a birthday celebration!

Happiest birthday to our Sports Writer, Jensen Troy Garamonte! Thank you for your dedication to the craft and the team. Your passion for truth and storytelling continues to inspire us all.

From your Teacherโ€™s Pen family, may your day be as vibrant as your voice, and your year as compelling as the stories you help tell. โœจ๐Ÿ–‹๏ธ

๐‡๐š๐ฉ๐ฉ๐ฒ ๐๐ข๐ซ๐ญ๐ก๐๐š๐ฒ, ๐‰๐ž๐ง๐ฌ๐ž๐ง!

๐—ง๐—ฃ๐—˜๐—ก๐—ฒ๐˜„๐˜€ | ๐—ง๐—ต๐—ฒ ๐—™๐—ถ๐—ฟ๐˜€๐˜ ๐—Ÿ๐—ฒ๐—ฎ๐—ฝ: ๐—–๐—˜๐——-๐—–๐—ฆ๐—– ๐—ช๐—ฒ๐—น๐—ฐ๐—ผ๐—บ๐—ฒ๐˜€ ๐—™๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐—ต๐—บ๐—ฒ๐—ป ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ ๐—”.๐—ฌ. '๐Ÿฎ๐Ÿฑ-'๐Ÿฎ๐ŸฒThe College of Education (CED) officially welcomed i...
16/08/2025

๐—ง๐—ฃ๐—˜๐—ก๐—ฒ๐˜„๐˜€ | ๐—ง๐—ต๐—ฒ ๐—™๐—ถ๐—ฟ๐˜€๐˜ ๐—Ÿ๐—ฒ๐—ฎ๐—ฝ: ๐—–๐—˜๐——-๐—–๐—ฆ๐—– ๐—ช๐—ฒ๐—น๐—ฐ๐—ผ๐—บ๐—ฒ๐˜€ ๐—™๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐—ต๐—บ๐—ฒ๐—ป ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ ๐—”.๐—ฌ. '๐Ÿฎ๐Ÿฑ-'๐Ÿฎ๐Ÿฒ

The College of Education (CED) officially welcomed its new students through the highly anticipated Welcome Freshmen event, titled โ€œBreaking Through: The First Leap.โ€ This event, organized by the CED's College Student Council (CED-CSC), took place on August 15, 2025, in Room 202 of the Emmanuel Yap Angeles building at AUF.

The event aimed to officially welcome the first year students of the College of Education, provide a platform for upperclassmen to share experiences that could guide and motivate freshmen, and introduce new programs and initiatives to strengthen the sense of community within CED.

The program began with an invocation and playing of the Philippine National Anthem, followed by an inspiring welcome remark from the Assistant Dean of CED, Dr. Christiandon Aviado, who started his message with the lyrics of the song โ€œGoldenโ€ from the film โ€œKPop Demon Hunters.โ€ He related the song to the Marlinsโ€™ college journey, highlighting its message of unity, resilience, and rising together toward success. He encouraged the Marlin Freshies to see this new chapter as their shining moment and to embrace the opportunities that college life has to offer.

One of the highlights of the program was the Marlin Neophyte Experience, where students from various year levels and backgrounds shared their meaningful experiences within the Marlin community. This included Ms. Akia Estepa, a graduating student, who recounted her journey over the years; Ms. Kristine Gayle Razon, a third-year student, who spoke about the warm welcome and support she received from CED; and Mr. Philip Moreno, a second-year student, who shared his experiences as a freshman and acknowledged those who helped him along the way. Each of them was awarded certificates of appreciation for their valuable participation and the time they dedicated to the event.

The excitement continued with a series of engaging activities designed to help the freshmen connect with one another. The program started with an icebreaker followed by various games, allowing the freshmen to interact, showcase their quick-thinking skills, and forge new friendships.

CEDโ€™s official student publication, the Teacherโ€™s Pen, also officially released the Tabloid Issue for A.Y. 2024-2025, presented by Ms. Xiannia Lorega, Teacherโ€™s Pen Managing Editor, and Mr. Reynel Gonzales, Teacherโ€™s Pen Associate Editor. The latest issue featured stories of triumph, voices of change, and snapshots of student life that truly capture the spirit of our Marlin community. Its launch served as a reminder of the vital role of campus journalism in giving students a platform to express their perspectives and celebrate the identity of future educators.

The event also marked the launch of the Domination of Houses, introducing four houses: Alab, Sumala, Makiling, and Mapulon, along with their team captains and advisers. Each house embodies its own identity and values, giving freshmen a sense of belonging and pride as they partake in this new tradition. This activity not only encouraged creativity and collaboration but also set the stage for a year filled with friendly competition, unity, and school spirit within the CED community.

The College of Education looks forward to a year of meaningful activities and stronger student involvement, ensuring that freshmen and continuing students alike are guided, engaged, and inspired throughout the academic year.

News | Xiannia Yvette Lorega
Photos | Russelle Oclarit

๐—œ๐—ก ๐—ฃ๐—›๐—ข๐—ง๐—ข๐—ฆ: ๐—ง๐—ฃ๐—ฒ๐—ป ๐—ง๐—ฎ๐—ฏ๐—น๐—ผ๐—ถ๐—ฑ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฑ ๐—›๐—ฎ๐—ฟ๐—ฑ ๐—–๐—ผ๐—ฝ๐—ถ๐—ฒ๐˜€ ๐—”๐—ฟ๐—ฒ ๐—ก๐—ผ๐˜„ ๐—”๐˜ƒ๐—ฎ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ฏ๐—น๐—ฒ! ๐Ÿ“ฐโœจThe print edition of Teacherโ€™s Pen Tabloid for AY 2024-202...
16/08/2025

๐—œ๐—ก ๐—ฃ๐—›๐—ข๐—ง๐—ข๐—ฆ: ๐—ง๐—ฃ๐—ฒ๐—ป ๐—ง๐—ฎ๐—ฏ๐—น๐—ผ๐—ถ๐—ฑ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฑ ๐—›๐—ฎ๐—ฟ๐—ฑ ๐—–๐—ผ๐—ฝ๐—ถ๐—ฒ๐˜€ ๐—”๐—ฟ๐—ฒ ๐—ก๐—ผ๐˜„ ๐—”๐˜ƒ๐—ฎ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ฏ๐—น๐—ฒ! ๐Ÿ“ฐโœจ

The print edition of Teacherโ€™s Pen Tabloid for AY 2024-2025 has been released and distributed. Copies have already been given to selected students and faculty members, while limited copies are now stored in the CED Office for reference and access.

This yearโ€™s issue continues the publicationโ€™s commitment to upholding campus journalism by preserving the tradition of print alongside its digital platforms, ensuring that the voices and stories of the College of Education remain accessible to the Marlins and community.

Photos | Christian Kyle Escoto

๐€๐ฎ๐ ๐ฎ๐ฌ๐ญ ๐Ÿ๐Ÿ‘ |   ๐ŸŽˆTime to roll the pressesโ€”todayโ€™s top story is a birthday celebration!Happiest birthday to our Head Photoj...
13/08/2025

๐€๐ฎ๐ ๐ฎ๐ฌ๐ญ ๐Ÿ๐Ÿ‘ | ๐ŸŽˆ

Time to roll the pressesโ€”todayโ€™s top story is a birthday celebration!

Happiest birthday to our Head Photojournalist and Head Broadcaster, John Warren Lansangan! Thank you for your dedication to the craft and the team. Your passion for truth and storytelling continues to inspire us all.

From your Teacherโ€™s Pen family, may your day be as vibrant as your voice, and your year as compelling as the stories you help tell. โœจ๐Ÿ–‹๏ธ

๐‡๐š๐ฉ๐ฉ๐ฒ ๐๐ข๐ซ๐ญ๐ก๐๐š๐ฒ, ๐‰๐จ๐ก๐ง ๐–๐š๐ซ๐ซ๐ž๐ง!

Address


Opening Hours

Monday 08:00 - 20:00
Tuesday 08:00 - 20:00
Wednesday 08:00 - 20:00
Thursday 08:00 - 20:00
Friday 08:00 - 20:00
Saturday 08:00 - 20:00

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Teacher's Pen posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Teacher's Pen:

  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share