17/09/2026
HINDI PA TAPOS ANG LABAN: MULA SA PAGSISIWALAT TUNGO SA TOTOO AT MAKABULUHANG KATARUNGAN AT REPORMA
Isang taon ang nakalipas, nagkaisa ang CONCERNED CITIZENS OF PAMPANGA (CCP) at buong-giting na lumahok sa pambansang pagkilos upang ilantad at tutulan ang malawakang katiwaliang sumisira sa tiwala ng mamamayan at lumalamon sa yaman ng ating bayan.
Sa ating sama-samang boses at matibay na paninindigan, nakamit natin ang mga unang hakbang tungo sa pananagutan. May mga ka*ong naisampa, mga imbestigasyong naisagawa, at mga tiwaling naharap sa proseso ng batas.
Ang mga unang tagumpay na ito ay buhay na patunay: may tunay na kapangyarihan ang mamamayan kapag nagkakaisa, nagsasalita, at kumikilos.
Ngunit buong-tapang din nating muling sinasabi: HINDI PA TAPOS ANG LABAN.
Ang pagkaka*o o pagkakulong ng iilan ay hindi nangangahulugang nalinis na ang sistemang nagbigay-daan sa katiwalian.
Kung paulit-ulit na lumilitaw ang parehong anomalya, hindi na lamang natin dapat itanong kung sino ang lumabag sa batas. Kailangan din nating itanong: anong mga mekanismo ng kapangyarihan ang nagpapahintulot na mangyari ito, sino ang nakikinabang, at paano ito mapipigilan na maulit?
Hanggaโt may mga butas para sa palusot at pagtakas sa pananagutan; hanggaโt hindi nababawi ang bawat halagang ninakaw, nawaldas, o inabuso; at hanggaโt ang karaniwang mamamayan ang patuloy na nagdurusa sa gitna ng paglustay sa pera ng bayan, patuloy ang ating paninindigan, patuloy ang ating pagkilos.
Sapagkat ang katiwalian ay hindi nabubuhay sa iisang tao lamang. Nagiging bahagi ito ng mga ugnayan, patronage, institusyon, at prosesong nagbibigay-daan sa iilan upang gamitin ang pampublikong kapangyarihan para sa pansariling interes.
DAHIL DITO, MULING PINAGTITIBAY NG CONCERNED CITIZENS OF PAMPANGA ANG ATING MGA PANAWAGAN:
1. SUNDAN AT BANTAYAN ANG MGA KASO
Hindi natin hahayaang makalimutan, mapabayaan, o mawala na lamang sa dilim ang mga ka*ong naisampa. Hinihingi natin ang mabilis, patas, transparent, at walang kinikilingang hustisya.
Ang katarungan ay hindi dapat nababalam o nabibili ng impluwensiya, pera, o kapangyarihan.
Hindi dapat maging pananagutan lamang ng mga nasa ibaba ang bawat anomalya. Dapat masundan ang buong kadena ng pananagutan, kabilang ang mga nagpasya, nag-apruba, nagmaniobra, nakipagsabwatan, at nakinabang.
2. BAWIIN ANG NAWALANG YAMAN NG BAYAN
Hindi sapat ang pagkakakulong lamang ng mga nagkasala. Dapat habulin at maibalik sa bayan ang yamang nawala dahil sa katiwalian at anomalya, alinsunod sa proseso ng batas.
Ang perang nakalaan para sa bayan ay dapat bumalik sa bayan, sa serbisyong pangkalusugan, edukasyon, disenteng trabaho, sapat na pagkain, at pangkabuhayang suporta sa ating mga magsasaka at manggagawa.
Sapagkat bawat halagang ninanakaw o winawaldas mula sa kaban ng bayan ay katumbas ng serbisyong hindi naibigay, pangangailangang hindi natugunan, at pagkakataong ipinagkait sa mamamayan.
3. PATULOY NA KUMILOS LABAN SA SISTEMATIKONG KATIWALIAN
Hindi lamang ang mga nasa ibabaw ang dapat managot. Kailangang siyasatin ang buong sistema at ang lahat ng may pananagutan, mula sa mga pangunahing pasimuno hanggang sa mga kasabwat, tagapamagitan, at mga nakinabang sa anomalya.
Sapagkat ang katiwalian ay hindi nabubuhay sa iisang tao lamang. Nabubuhay ito sa mga ugnayan, patronage, institusyon, at prosesong nagbibigay-daan sa iilan upang gamitin ang pampublikong kapangyarihan para sa pansariling interes.
Kaya hindi sapat ang pagpapalit lamang ng ilang pangalan. Kailangang baguhin ang mga mekanismo at proseso na paulit-ulit na nagbibigay-daan sa paglustay at pag-abuso sa yaman ng bayan.
Walang posisyon, pangalan, koneksiyon, o kapangyarihan ang dapat magsilbing pananggalang sa pananagutan.
4. PATULOY NA PAG-OORGANISA AT PAGBABANTAY SA KOMUNIDAD
Ang laban kontra katiwalian ay hindi lamang laban sa mga nasa pamahalaan. Hindi rin ito matatapos sa pagpapalit lamang ng mga opisyal.
Kailangan ang tuloy-tuloy at organisadong pakikilahok ng mamamayan sa pagbabantay sa paggamit ng pampublikong pondo at kapangyarihan.
Maging aktibo tayo sa ating mga tahanan, barangay, lugar ng trabaho, organisasyon, at buong pamayanan. Magtanong tayo kung saan napupunta ang pera ng bayan. Suriin natin ang mga proyekto at programa. Bantayan natin ang paggamit ng pampublikong yaman.
Ang tunay na pundasyon ng pananagutan sa pamahalaan ay hindi lamang nasa mga batas at institusyon. Nakasandig din ito sa isang mamamayang mulat, organisado, at handang manindigan.
Napatunayan na natin noong nakaraang taon: kapag nagising at nagkaisa ang bayan, walang kapangyarihang makapagtatahimik sa ating tinig.
Ngunit ang ating pagkilos ay hindi isang panandaliang sigwa lamang. Huwag nating hayaang matapos ang laban sa isang rally, isang headline, isang ka*o, o isang pagkakakulong.
Mag-organisa tayo.
Magbantay tayo.
Magtanong tayo.
Maglantad tayo.
Maningil tayo.
At higit sa lahat, manindigan tayo.
Sa ating mga barangay, sektor, at bayan, patuloy nating bantayan ang bawat sentimo ng pera ng bayan at ang bawat kilos ng mga lingkod bayan.
Huwag matakot magsalita. Huwag tumigil sa pagtatanong. Huwag sumuko sa paninindigan.
Dahil ang laban kontra katiwalian ay hindi laban ng iilan.
ITO AY LABAN NG BUONG BAYAN.
ISANG BAYAN.
ISANG PANININDIGAN.
ISANG LABAN.
CONCERNED CITIZENS OF PAMPANGA
Alexander Sangalang Cauguiran BapNews Mark Sison MAS Channel: Media, Affairs & Stories NOW News, Opinion, Wit SCOOP First To Know. First To Tell