Caisip Records

Caisip Records Recording every family moment, so we can look back, smile, and remember how much love filled our days.♥️

03/03/2026

🌸 After the Blooms — A Quieter Baguio Awaits 🌲

The festival crowds have faded.

The pine trees whisper softer now.

This is the season to slow down.

At Tudor in the Pines, enjoy:
🌲 15% OFF Treehouse stays — all week
🏡 15% OFF weekend stays — all other homes
🏡 25% OFF weekday stays — all other homes
🍷 Complimentary w**e for every stay

Minimum of two (2) nights.

Cool mornings.
Fire pit evenings.
Long, unhurried conversations under the pines.

March and April are Baguio’s most peaceful months — and the most beautiful.

Reserve directly at:
https://www.tudorinthepines.com/⁠�

Limited-time offer. 🌿

05/02/2026

Ganito lagi set up namin pag aalis kami mag asawa.. 😅

Kasi Itong mga batang ’to akala lagi kami mag-aabroad..
Grabe pa makapag-bye, parang months kaming mawawala hahaha.
Mga anak ko talaga… ang lambing ninyo. 💛

31/01/2026

Little Words, Big Love

Bigla na lang may sinabi ang anak ko sa akin na gawin ko raw. Binigyan niya pa ako ng instructions. Sabi niya, pumunta raw ako sa mommy niya at tanong ko daw ano tagalog ng, “I love you.” Tapos sasagot daw si Mommy ng, “Mahal kita.” Pagkatapos, sasabihin ko raw, “Wow, mahal mo pala ako, yihi!” May script pa talaga siya para sa akin. Sobrang cute at nakakatuwa kasi nag-effort talaga siya.

Noong nakaraang buwan, may isa pa siyang sinabi na talagang tumatak sa akin. Bigla na lang niyang sinabi,
“Dad, if you want to make me happy, make Mama happy, so I’ll be happy too.”

Nagulat talaga ako doon. Ang lalim ng pag-iisip ng anak ko pagdating sa pamilya. Basta nakikita niyang masaya ang mommy niya, masaya na rin siya. Hindi ko inaasahan na makakarinig ako ng ganung klaseng salita mula sa kanya. ❤️

30/01/2026

Family for life

Our nightly routine. Simula pa nung isa pa lang ang anak namin — si Andreo — ginagawa na namin ito.
Hanggang ngayon na tatlo na sila, ito pa rin ang routine na sinusunod namin. Hindi ko pa rin alam kung sapat ba ang lahat ng ito para maalala nila ang saya ng kanilang kabataan — lahat ng mga “trying hard” naming paraan bilang magulang. We are still a work in progress sa parenting. Pero ginagawa namin ang best namin para sa kanila. Alam naming marami pa kaming kailangang i-improve bilang parents, pero masaya at proud kami na masasabi na malalim na ang relationship namin bilang pamilya.

Kahit maputi na ang buhok namin, mga anak, sana ganito pa rin tayo magkasama, nagmamahalan, at laging nandito para sa isa’t isa. 💙

29/01/2026

Isa sa pinakamahirap na bahagi ng pagiging magulang ay ang pag-alis, hindi dahil gusto namin,
kundi dahil kailangan.
Lahat ng pagod, lahat ng laban, para sa inyo.
Mahal na mahal namin kayong tatlo. Salamat, Lord, sa mga anak na mapagmahal at magkakapatid na nagmamahalan.
Soon, mas marami na tayong oras na magkasama.❤️

Small Gestures, Lasting BondsAlam niyo, itong anak ko hindi siya masyadong nagsasalita at hindi rin siya pala‑express ng...
28/01/2026

Small Gestures, Lasting Bonds

Alam niyo, itong anak ko hindi siya masyadong nagsasalita at hindi rin siya pala‑express ng nararamdaman niya pag nabubusy kami. Pero ramdam ko na gusto niya makipag‑bond sa akin. Siguro naiintindihan niya na marami kaming ginagawa, kaya hindi siya masyadong nagtatanong pag ganung mga sitwasyon.

May napansin lang ako…
May mga araw na pag nakasuot ako ng yellow, magsusuot din siya ng yellow. 🥹

Doon ko mas na-realize — ang mga anak natin, sobrang observant.
Kung ano ginagawa natin, kinakain natin, sinusuot natin… ginagaya nila. Tayo ang unang nagse-set ng example sa kanila. Kahit hindi natin direktang ituro, malaki ang influence natin sa kanila.

Bumili ako ng maraming terno na damit, at tuwang-tuwa siya. Simple lang, pero sobrang saya niya.

Shoutout sa FD Sportswear — kung gusto niyo mag-terno with your kids, lalo na sa mga boys, drop by na kayo sa kanila. 🙂

Makipag-terno, makipag-laro, makipag-bond tayo sa kanila.
Habang hinahanap pa nila tayo, gumawa tayo ng magagandang core memories kasama sila. Pansinin natin sila. Kahit busy, let’s make time.

Kasi darating ang araw… hindi na sila makikipag-terno sa’yo. Hindi na rin sila madalas makikipag-usap.

Gawin natin best natin na maging close sa kanila, yung tipong tayo ang best friend nila. Para paglaki nila, tayo pa rin ang hahanapin nila. 💛 Praying na yung relationship namin mag Ama na maayos sana hangang sa pag tanda namin dalawa. 🙏

Address

Angeles City
2009

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Caisip Records posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share