11/08/2025
1 month na nga pala kami natigil sa workout kasi nabusy kami sa mga pinagkakaabalahan namin. Nung linggo naisip namin mag workout kasi gawa ng stress na rin kami at kailangan ng kahit papano makapag exercise. Kahit medyo hindi pa kami motivated, umalis kami at pumunta sa gym. Little thing that we know, magiging blessing pala kami sa isang batang babae.Alam niyo, these past weeks have never been easy for us. Maraming sacrifices at risk ang nasa isip namin, maraming redirection si Lord na hindi pa namin alam kung ano ang pupuntahan. Honestly, nahirapan kami. Pero alam niyo? May mas tao na nahihirapan, gaya ng bata na ito.Lovely Manalastas pala ang name ng batang babae na ito. May problema siya sa pananalita. Nang pababa kami sa kotse sa may Telebastagan, malapit sa Trence Fitness, may biglang nagsalita na bata. Hindi pa namin malaman kung bakit hanggang sa nakita namin ang magagandang drawings at paintings, at gets namin na bebentahan niya kami.Alam niyo, pag may ganitong mga tao akong nakakasalamuha, kahit minsan mahirap, iniisip ko mas nahihirapan sila. Lalo na itong batang babae na ito, iniisip ko na lang ang pagod sa pagpinta at pagdrawing niya at pagkatapos ibebenta niya sa daan. At kung iisipin, may problema siya sa pananalita pero hindi naging hadlang para tumayo at maghanapbuhay.Alam niyo, realization ko, naging inspiration siya sa akin. Mahirap ang buhay pero mas may nahihirapan. Lagi natin isipin, kung mahirap ang buhay, mas may mas mahirap pa ang buhay kaysa sa atin. Let’s be grateful and thankful, and look forward to what’s next for us. Always trust the Lord with all your heart!Sana, dalangin ko na huwag natin silang baliwalain. Tayo, sa simpleng pagbili, malaking tulong na. God bless sa atin! Praying for all the people and kids out there. I feel you. Laban lang tayo. 🙏