05/10/2025
๐๐๐ง๐๐๐๐๐๐ก | Pangalawang Barya
Sa pagkasilang, wala tayong alam o laman; tila ay mga hungkag na kabibe sa dalampasigan.
Nagsisimula ang pagkatuto sa pag-aaral kung paano magsalita, gumapang, maglakad, makipagkaibigan, makipag-ibigan, mabuhay, at ang pinakalantad, ang pagkatuto sa paaralan. Halos dalawang dekada ang ginagasta sa eskwela mula sa pitakang naglalaman ng isang napakahalagang perang hindi maibabalik kahit kailanman, ang oras. Matagal ang inilalaan dito dahil ang edukasyon ang baryang pumupuno sa atinโmga naghihintay na alkansya.
Wala tayong laman, hanggang sa unang barya mula sa ating magulang, at sa pangalawang paghulog ng barya na nagaganap sa paaralan mula sa kamay ng mga taong tinatawag na maโam o ser.
Si Gng. Emily Romero, o mas kilala bilang Maโam Ems, ay g**o sa Angeles City Science High School (ACSci) na isa sa mga naghuhulog ng barya patungkol sa Filipino. Siya ang g**ong maaaring katakutan sa una dahil sa kaniyang metikulosong puso, ngunit kung titingnan nang mas maigi, ay para saโyo maghuhulog siya ng lima sa balon.
Ilang taon na rin siyang tagapayo ng Birtud. Sa bawat pangungusap, talata, at artikulo na sinusulat ng mga mamamahayag nito ay dahilan ng mga baryang hinulog niya. Siya ang kadahilanan kung bakit may birtud ang Birtud.
Sa paglipas ng panahon, hindi malilimutan ang kaniyang mga sakripisyo at mga leksyonโdahil kapag ba lumisan ang araw malilimutan mo ba ang init nito sa gabi?
Maaaring limitado man ang peraโpiso o oras manโhindi sila mahihiyang maubusan para sa kapakanan at edukasyon ng kanilang mag-aaral. Kayaโt sa panahong mapupuno man ang ating alkansya, kapag ibubuklat na at gagamitin ang lamanโhuwag sanang kalilimutan pasalamatan ang pinakapangalawang naghulog ng barya.
Isinulat ni: James Carlos Manalo
Dibuho ni: Andrea Denise Tayag