Buhay ni Mareng Bhelatz

Buhay ni Mareng Bhelatz Stay Humble

ANG RELASYON DAPAT AYUSIN HUWAG TAPUSIN!Sa relasyon dapat maging bukas na libro ka, i kwento mo lahat kung ano man ang n...
01/07/2025

ANG RELASYON DAPAT AYUSIN HUWAG TAPUSIN!

Sa relasyon dapat maging bukas na libro ka, i kwento mo lahat kung ano man ang nararamdaman mo,m sa karelasyon mo. galit ka ba, masaya ka ba, nag seselos ka ba, pagod ka ba, may ayaw ka ba sa kanya, may hindi ka gusto na ginawa niya, may problema ka sa mga nakakasama niya. oh kahit ano pa yan. KAILANGAN MONG SABIHIN SA KANYA YUN! Dahil kung kikimkimin mo yan, patuloy niyang magagawa yung mga ayaw mo at ikinagagalit mo dahil wala naman siyang alam na ayaw mo pala nun, kaya nga ng sabi ko "ANG PINAKA MALI SA LAHAT NG PAGKAKA MALI YUNG DI MO ALAM NA MERON KANG GINAGAWANG MALI" Dahil doon nag uumpisang kumupas ang pag mamahal mo sa kanya, dahil sa tingin mo hindi niya kayang mag bago ganito ganun, WALANG PERPEKTO alam niyo yan. Pero pwedeng GAWIN ANG BEST! kung mahal ka talaga niya mag open ka sa kanya sabihin mo ang mga ayaw mo, DAPAT he/she is WILLING TO CHANGE! Lalo kung for the better naman. Walang perpekto pero pag swak at nakuha niyo yung gusto niyo sa isa't isa ANG SWABENG RELASYON NUN! Pero kung nung una palang hindi ka naging open sa lahat ng nararamdaman mo, malamang matatapos ang relasyon ninyong binuo sa walang kwentang dahilan. Dahil lang sa sinarili mo ang lahat ng mga bagay bagay, kaya nga PARTNER diba? Ibig sabihin nun pwde mong sabihin sa kanya lahat ng nararamdaman mo. Ang BOYFRIEND/GIRLFRIEND o ASAWA mas mataas na antas yan sa BESTFRIEND, kung sa Bestfriend mo nga nakakapag open ka, sa partner mo hindi? Baliktad yata. Kaya nga PARTNER eh, it means pwede mong sabihin ano man ang nararamdaman mo at dapat handa siyang tanggapin ang lahat at pag usapan ang mga dapat ayusin upang hindi tuluyang masira ang relasyon niyo.

Halimbawa: Pag nasira ba ang sasakyan mo o hindi na tumakbo BIBITAWAN MO NA AGAD? Oh iiwan mo ba agad? Hindi diba? Ipapa ayos mo muna HAHANAPIN KUNG ANONG ANG PROBLEMA UPANG AYUSIN. Ganun din sa relasyon ang pag uusap ninyong dalawa tungkol sa mga problema sa isat isa ay kailangang kailangan para malaman ninyo saang banda ang dapat ayusin. HANAPIN NINYO ANG PROBLEMA HINDI HIWALAYAN o PAG BITAW AGAD ANG SOLUSYON!

ANG RELASYON AY DAPAT AYUSIN HUWAG TAPUSIN!
-Geo Ong

Ang Hinaing ng Misis, Hindi Laging Arte📍🤲🤲Madalas, kapag ang isang misis ay naglalabas ng sama ng loob, mabilis siyang m...
01/07/2025

Ang Hinaing ng Misis, Hindi Laging Arte📍🤲🤲

Madalas, kapag ang isang misis ay naglalabas ng sama ng loob, mabilis siyang mabansagan na “nag-iinarte,” “masyadong madrama,” o “hindi marunong makuntento.” Pero ang totoo, sa likod ng bawat hinaing ay isang pusong pagod, damdaming sugatan, at isang katauhang matagal nang hindi pinakikinggan.

Hindi laging simpleng tampo lang kapag sinabi niyang pagod na siya. Baka hindi lang iyon dahil sa gawaing bahay o sa trabaho.
Baka pagod na rin siyang maghintay ng kaunting konsiderasyon, ng “kumusta ka?” o kahit simpleng pasasalamat. Baka hindi lang siya naghahanap ng tulong sa mga gawaing bahay, kundi ng katuwang sa buhay.

Kapag ang isang misis ay tahimik na, huwag mong isipin na ayos lang siya. Maaaring napagod na lang siyang magsalita. Maaaring sa bawat sigaw niya noon na tila paulit-ulit, ay may hinanakit na hindi maipaliwanag — dahil hindi lang ito tungkol sa labahan, lutuin, o mga bata. Minsan, ito’y sigaw ng isang damdaming nakakalimutang pahalagahan.

Tandaan: Ang bawat misis ay tao rin. May damdamin. May pangarap. May karapatang mapagod, mapansin, at maramdaman na mahalaga siya. Hindi siya robot na programmed para lang magsilbi. Hindi siya laruan na puwedeng i-ignore kapag ayaw na natin sa sinasabi niya.

Kung ang hinaing niya ay parang “arte” sa paningin mo, baka kailangang buksan mo pa ang puso mo. Baka kailangan mong tanungin ang sarili mo: “Kailan ko ba siya huling pinakinggan nang totoo? Kailan ko siya huling niyakap at pinasalamatan?”

Huwag hintaying mawala siya para ma-realize mong hindi pala siya nag-iinarte — kundi matagal ka nang hindi naging katuwang niya sa laban ng buhay.

Pakiramdaman. Pakinggan. Mahalin. Huwag maliitin ang hinaing, dahil baka iyon na ang huling lakas na kaya pa niyang ibigay.

01/07/2025

Takot ka gumawa ng masama sa kapwa mo,
Bakit parang nararanasan mo ito??

"Walang kapayapaan sa tahanan kung angbabae ay pagod na – sa emosyon, isipan, atbulsa."Men settle where there is peace. ...
30/06/2025

"Walang kapayapaan sa tahanan kung ang
babae ay pagod na – sa emosyon, isipan, at
bulsa."

Men settle where there is peace. Pero
madalas nakakalimutan ng iba: peace doesn't
magically exist. Ang totoo? Babae ang
nagtatayo ng katahimikan sa loob ng bahay
pero paano niya magagawa 'yon kung
siya'y pagod na, sugatan ang puso, at hindi
na naririnig ang tinig niya?

Hindi mo pwedeng asahan na gagawa ng
tahanan ang isang babae kapag siya mismo
ay parang walang tahanan sa puso ng asawa
niya.

Peace begins with how you treat the woman
who holds it all together.
Kapag minahal, iginalang, at inalagaan mo
siya – lalambot ang mundo. Tatatag ang
pamilya. Liliwanag ang buong bahay.

Naalala mo ba si Jolina Magdangal? Sa isang
panayam, sinabi niyang malaking bagay
sa isang relasyon na nararamdaman mong
mahalaga ka - hindi lang bilang ina o asawa,
kundi bilang tao.

Ganun din si Dimples Romana, sinabi niya
sa interview na ang sikreto ng matatag
na pamilya ay "yung may oras makinig at
umintindi sa damdamin ng babae- kasi sa
totoo lang, kapag okay si misis, buong bahay,
ramdanm ang saya."

At si lya Villania naman, consistent sa
pagbabahagi kung paanong si Drew
(Arellano) ay talagang partner niya sa lahat
emotionally, mentally, at financially. Hindi
lang siya breadwinner o taga-desisyon
kasama siya sa pag-aalaga, pagbuo, at
pag-unawa.

So mga lalake -kung gusto niyo ng tahimik,
masayang, matatag na tahanan... hindi yan
nasusukat sa pera lang o authority. It starts
with how you treat your wife.
Because when a woman feels loved, safe,
and seen–she brings peace into every
Corner of your life.
-ctto

Munting paalala na dapat marinig.‎Para sa  mag-asawa.‎‎Para sa lahat ng asawa o padre de pamilya.‎‎Kung inaasahan mong a...
29/06/2025

Munting paalala na dapat marinig.
‎Para sa mag-asawa.

‎Para sa lahat ng asawa o padre de pamilya.

‎Kung inaasahan mong ang asawa mo ay mag-asikaso sa lahat ng pangangailangan mo —
‎magluto, maglinis, mag-alaga ng mga bata, unawain ang ugali mo kahit minsan hindi na tama, saluhin ang pagod at bigat ng pamilya sa emosyon at isipan…
‎at sa kabila ng lahat ng ‘yan ay nagtatrabaho pa rin siya para tumulong sa gastusin kahit mas maliit ang kinikita niya —

‎Hindi 'yan pagmamahal.
‎Hindi 'yan pagiging patas.
‎At lalong hindi ‘yan pagiging tunay na asawa.
‎Ang tawag diyan ay "pagsasamantala."

‎Ginagawa mo lang siyang kasangkapan
‎sa halip na kasama sa buhay.
‎Pinapasan niya ang buong mundo habang ikaw, kampante sa katahimikang siya ang gumagawa ng lahat.
‎Hindi niya trabaho ang akuin ang lahat, lalo na kung may kasama naman siyang dapat katuwang.

‎Kung gusto mong tawaging
‎“haligi ng tahanan,”
‎simulan mo sa pagtrato sa kanya bilang tunay mong katuwang.

‎Hindi siya katulong.
‎Hindi siya yaya.
‎Hindi siya pambalanse lang ng init ng ulo o tagasalo ng stress mo.

‎Asawa mo siya.
‎Katuwang mo siya.
‎Kapantay mo siya.

‎At kung totoo ang pagmamahal mo,
‎hindi mo hahayaan siyang mapagod nang mag-isa habang ikaw ay nananahimik.
‎Hindi mo ipapasa sa kanya ang bigat na dapat pinaghahatian ninyong dalawa.


‎Munting-aral...
‎Ang tunay na pagkalalaki ay hindi nasusukat sa taas ng boses,
‎sa bigat ng katawan, o sa laki ng kita.
‎Nasusukat ito sa
‎pagrespeto
‎pag-unawa
‎at pagtutulungan.
‎Sa pagiging patas.
‎Sa pagiging makatao.
‎Sa pagyakap sa responsibilidad,
‎hindi lang bilang ama o asawa — kundi bilang tunay na kasama sa buhay.

‎Kung ang tahanan ay itinuturing mong sarili mong kaharian,
‎tandaan mong ang asawa mo ay hindi alipin — "kundi reyna."
‎At ang tunay na hari, marunong gumalang, hindi lamang humatol.
‎Marunong magbahagi, hindi lang mag-utos.
‎At higit sa lahat, marunong "magmahal nang patas,"
‎hindi lang sa salita — kundi sa gawa.

‎✍️ FondaMotto
‎CTTO

Kaya hirap umasenso?Kasi ang iniisip—basta ngayon lang.“Basta may pang-ulam.”“Basta may pang-load.”“Bahala na si Batman ...
27/06/2025

Kaya hirap umasenso?
Kasi ang iniisip—basta ngayon lang.
“Basta may pang-ulam.”
“Basta may pang-load.”
“Bahala na si Batman bukas.”

Pero ang tanong:
Hanggang kailan ka mamumuhay sa “ah basta”?

Ang mga may long-term mindset, iba mag-isip:
Hindi lang sweldo ngayon ang tinitingnan,
kundi kinabukasan ng pamilya.
Hindi lang gastos ngayon, kundi goals sa hinaharap.

Habang ikaw ay:
nag do-doomscrolling sa fb…
add to cart ng add to cart…
kain dito, milk tea doon…

May iba na:
nag-aaral ng bagong skills,
nag-aaral mag edit ng video at reels,
nag-aaral mag edit ng photos,
nag-iipon kahit maliit,
nagtatabi para sa emergency fund.

Hindi ito tungkol sa laki ng kita.
Tungkol ito sa laki ng pananaw.

Kasi kung iniisip mo lang ay next week,
doon ka lang din lagi babagsak.

Pero kung iniisip mo ang 3 to 5 years from now—
you’ll start choosing discipline over impulse.
You’ll start building, not just spending.

Ang tagumpay hindi minamadali,
pero pinaghahandaan.

FROM Genesis M. Auza

A gentle reminder 🫶🏻
27/06/2025

A gentle reminder 🫶🏻

Isang g**o ang hinangaan matapos niyang ipakita kung paano niya binabalanse ang pagiging ina at g**o. Araw-araw niyang d...
27/06/2025

Isang g**o ang hinangaan matapos niyang ipakita kung paano niya binabalanse ang pagiging ina at g**o. Araw-araw niyang dinadala ang anak sa klase ngunit tiniyak niyang hindi ito nakakaapekto sa kanyang responsibilidad.

"Hindi ako masamang empleyado dahil nanay ako, at hindi rin ako masamang nanay dahil empleyado ako," aniya.

Alam ng kanyang mga estudyante kung paano niya ginagampanan ang kanyang tungkulin, kaya’t tiwala siyang hindi siya nagkukulang bilang g**o. Sa nalalapit na pagtatapos ng school year, ipinagmamalaki niyang hindi niya pinabayaan ang kanyang trabaho. "Hindi ka nagiging mas mababang empleyado dahil isa kang ina," dagdag niya.

Huwag Kang Panghinaan ng Loob Dahil sa Kumpetisyon,.Magpatuloy Ka!Marami ang nawawalan ng gana sa negosyo dahil sa dami ...
25/06/2025

Huwag Kang Panghinaan ng Loob Dahil sa Kumpetisyon,.Magpatuloy Ka!

Marami ang nawawalan ng gana sa negosyo dahil sa dami ng kumpetisyon. Sa bawat kanto, may kaparehong produkto. Sa bawat scroll sa social media, may bagong seller. Natural lang mapagod, madismaya, o matakot. Pero tandaan: hindi ang pagsuko ang sagot.

Isipin mo ito: lahat ng negosyante ay magkakatabi sa iisang mundo. Ibig sabihin, hindi mo maiiwasan ang kumpetisyon pero kaya mong piliin kung paano mo ito haharapin. Kaysa mag-doubt sa sarili mo, piliin mong maniwala sa sariling kakayahan mo. Hindi mo kailangang manguna agad. Ang mahalaga, patuloy kang umaabante.

Don’t be threatened by your competitors. Lalo na kung kilala mo ang lakas mo bilang negosyante. Maybe it’s your superior customer service, maybe it's your high-quality products, or your genuine care for your customers. These strengths hindi man palaging kita agad are what build long-term loyalty.

Tandaan: may mga customers na babalik at babalik sa'yo dahil sa kung paano mo sila pinahalagahan. Minsan hindi lang produkto ang binabalikan nila kundi yung tiwala, karanasan, at relasyon na naibigay mo.

Hindi mo kailangang sirain ang negosyo ng iba para lang makuha ang attention ng market. Hindi mo kailangang siraan ang idea ng kapwa negosyante. Mas makapangyarihan ang malinaw na komunikasyon, tamang marketing, at totoong malasakit sa customers.

At higit sa lahat, huwag kang pumasok sa price war kung alam mong lugi ka na. Hindi lahat ng murang presyo ay magandang diskarte. Kung masyado mo nang binababa ang presyo at halos wala ka nang kita, parang niloloko mo lang ang sarili mo. Hindi masama ang mabagal na usad basta't tuloy-tuloy, may kita, at sustainable.

Choose quality over quantity. Maraming negosyante ang naaakit sa idea na “mas marami, mas maganda.” Pero kung puro reklamo naman ang makukuha mo dahil sa poor quality, magsasayang ka lang ng panahon, pera, at tiwala ng tao.

Quality products bring peace of mind, hindi ka paulit-ulit nag-aayos ng problema, at mas babalik sa'yo ang customers dahil alam nilang sulit ang binili nila.

Kaya wag mong gawing dahilan ang kumpetisyon para mawalan ng gana. Ang tunay na tagumpay sa negosyo ay hindi lang sa laki ng kita o dami ng customers kundi sa pananatiling totoo sa sarili, sa konsistensyang maglingkod ng tapat, at sa pag-focus sa sariling growth.

Sa dami ng negosyante sa paligid, ang pinaka epektibong diskarte ay:
Ayusin mo ang sarili mong pwesto. Alagaan ang sarili mong produkto. At mahalin ang sarili mong negosyo.
At sa huli, ang mga customer sila mismo ang kusang babalik sa'yo. Hindi dahil ikaw ang pinakamura, kundi dahil ikaw ang pinaka-maaasahan.

Kaya kapit lang, negosyo mo yan. Ipaglaban mo. ❤️🫶🔥

-Ctto:

Viral ngayon: Tatay na OFW, magtatrabaho raw abroad para sa pamilya, iba pala ang tinrabaho?! Isang misis at kanyang liv...
25/06/2025

Viral ngayon: Tatay na OFW, magtatrabaho raw abroad para sa pamilya, iba pala ang tinrabaho?!

Isang misis at kanyang live-in partner, bigla na lang hindi nagparamdam dahil may nabuntis at pinakasalang ibang babae!

"May tatlo tayong anak. Sabi mo magtatrabaho ka para sa kinabukasan ng pamilya naten pero ibang babae pala tinrabaho mo. Kaya pala ang pangit na ng kutob ko sa picture nyo na nakatag ka. Magkasama kyo nung babae. Tinanong kita sabi mo " wala lang yun, tropa lang ". Tapos biglang hindi ka na lng nagparamdam. Hindi na kita macontact, block na ko sa fb mo.

Nabalitaan ko na lng kay kumare na nagpalit ka na ng status mo from single to married. Ganun-ganun lng yon? Basta mo lng tatalikuran pamilya mo?!"

- Yung ikaw ang kasama mangarap pero iba ang kasama noong natupad na ang pangarap😢

📸 GMA Network

24/06/2025

Address

Antipolo
1870

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Buhay ni Mareng Bhelatz posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share