03/11/2025
'MALIIT ANG TSANSA NA MAGING SUPER TYPHOON'
Tinatayang magla-landfall ang Bagyong sa Eastern Samar, Leyte, Southern Leyte, o Dinagat Islands mamayang gabi, Nov. 3 o bukas ng umaga, Nov. 4.
Maliit daw ang tsansa nitong lumakas o maging super typhoon bago mag-landfall pero hindi inaalis ang posibilidad nito, ayon kay PAGASA weather specialist John Manalo sa panayam sa "One Balita Pilipinas" ng One PH.
Bagaman may ilang ulat na halos kapareho ng track ng Bagyong "Yolanda" noong 2013 ang Bagyong "Tino," sinabi ni Manalo na bahagyang mas mahina ang kasalukuyang bagyo. Base rin sa analysis, posibleng manalasa ang bagyo sa Cebu kung saan din naitala ang malakas na lindol nitong Oktubre.