08/11/2025
STORY TIME MUNA TAYO
It was November 8, 2015 when I went out of the apartment I was staying at in Tacloban for my usual evening jog sa baywalk. My routine was simple: walk to Sto. Niño Church from 4:30 to 5:00, attend the mass, then jog by the bay after. Alam ko holiday noon, pero wala akong kamalay-malay sa makikita ko.
Pagkatapos ng misa, madilim na ang paligid, pero napansin ko na bawat kanto at bawat daan na tinatahak ko ay puno ng mga sinding kandila. As in, hundreds of them. The sight gave me goosebumps. It was my first time to see something so solemn and powerful, isang mahabang linya ng mga kandila na parang walang katapusan. Tahimik ang buong lugar pero halos lahat ng tao ay nasa labas.
Doon ko nalaman na tradisyon pala ito, isang seremonya para alalahanin ang mga nasawi sa bagyo, ang mga taong nawala, at ang mga buhay na pilit pang bumabangon.
Habang naglalakad ako, may nakasalubong akong estudyante ko noon. Kinuwento niya kung paano siya nakaligtas sa bagyong Yolanda, kumapit lang daw siya sa isang troso, isang lumulutang na kahoy habang nilalamon ng alon ang paligid. Grabe. Aside from being maisog, isang bagay talaga ang natutunan ko sa mga Waraynon, ang pagiging matatag, ‘yung tipong kahit anong gulo, hindi ka tuluyang nababasag.
A year later, nagtuturo pa rin ako sa Tcloban, nasaksihan ko ulit ang Yolanda commemoration. Habang nagtitirik ng kandila, napaisip ako na habang may mga taong patuloy na bumabangon, may iba namang patuloy na nagnanakaw ng pag-asa sa kanila. Nakakalungkot. Naalala ko noon si Gina Lopez, na bago pa siya naging DENR Secretary, aktibo na sa eco-tourism projects at environmental protection sa Samar.
Na-meet ko ang ilang pamilya at bata na natulungan ng proyekto niya. Nakangiti sila noon, may pag-asa sa mga mata. Pero nang muling pinayagan ang mining operations sa Eastern Samar matapos tanggalin si Lopez noong 2017, hindi ko maiwasang isipin kung ano na kaya ang nangyari sa kanila ngayon.
Tandaan natin:
✔️ Gina Lopez fought to protect areas like Homonhon Island, where mining by companies like Mt. Sinai Mining, Techiron Mineral Resources, and Emir Minerals destroyed forests and coastlines.
✔️ She believed that ecotourism, not exploitation, was the key to real, sustainable progress.
✔️ Pero sa huli, tinalo siya ng kasakiman at pulitika, isang malungkot na katotohanan na hanggang ngayon, ramdam pa rin natin.
Minsan, hindi lang bagyo ang kailangang labanan kundi ‘yung mga taong inuuna ang pera kaysa sa kinabukasan. Dapat nating turuan ang mga tao, lalo na ang mga kabataan, na maging mapanuri at responsable sa paggamit ng likas na yaman. Hindi dapat puro “profit,” kundi protection at preservation.
Kailangan nating palaganapin ang mga kwento ng katatagan at kabayanihan, gaya ng mga Waraynon at ng mga tulad ni Gina Lopez na lumaban para sa kalikasan. Dahil sa huli, kapag winasak natin ang kalikasan, winasak din natin ang ating kinabukasan.