06/08/2025
Nkakalungkot nman nangyare sa kababayan naten π Isa po siyang OFW. RIP KABAYAN π
Ito po buong detalye galing sa nakasabay nia sa busπ
Si Kabayan Ay Di Umano Galing Sa Kuwait. Isa po ako sa mga nakasabay ni Ate sa Ceres bus kanina. Ayon sa konduktor, nagsimula na raw siyang masuka at makaramdam ng hindi maganda simula pa lang ng biyahe (hindi ko po ito agad napansin dahil nasa likuran ako ng bus).
May mga lalaking pasahero rin sa likod na tumutulong sa kanya dahil para raw siyang nahihilo at nagsusuka. Pagdating namin sa Bato, doon na siya tuluyang napayuko. Hindi ito agad napansin ng iba dahil nagbabaan na ang mga pasahero, at inakala ng karamihan na natutulog lang siya dahil masama ang pakiramdam.
Bago pa kami makarating ng Sibulan, nag-inspeksyon ang isang inspector at napansin nilang hindi na siya gumagalaw at nasa parehong posisyon pa rin. Pagkarating sa may simbahan, sinubukan kong i-check ang pulso niya, pero wala na poβsobrang lamig na rin ng katawan ni Ate.
Base sa mga nakita naming flight tickets, galing pa raw siya sa malayong biyahe (posibleng Kuwait-Japan-Maynila-Cebu-Dumaguete via land trip), pero hindi po kami sigurado.
Bago pa kami makarating sa Dumaguete, na-contact na ang kanyang pamilya dahil may nakakilala sa kanya na kamag-anak ng asawa ni Ate. Ang buo niyang pangalan ay Wilma CaΓ±a Auza, mula sa Manjuyod, Negros Oriental.
Pahinga ka na, Ate. Paumanhin po, wala po talaga kaming nagawa para mas matulungan ka.
πΈDUMAGUETENEOS
( Padala Mula Sa Isang Netizen )
πππ
γ γ