30/06/2026
Isa sa mga pinakamabigat na rebuke sa akin ng Diyos tungkol sa leadership ay ito: Masyado akong naging nakatuon sa potensyal ng tao.
🎤 Kapag may nakita akong magandang boses, iniisip ko agad, "Pwede ito sa worship ministry."
🗣️ Kapag mahusay magsalita, nakikita ko na agad siyang nagtuturo o nangangaral.
🎸 Kapag marunong tumugtog, naiisip ko na agad kung paano siya magagamit.
Hindi naman mali ang makita ang potensyal. Pero like sa ginawa ni Jesus, tiningnan Niya muna ang kalagayan ng kanilang puso.At iyon ang nakaligtaan ko.
Oo, hindi naman sila agad isinasabak. Dumadaan pa rin sila sa discipleship, trainings, at mentoring. Pero habang abala akong nagtuturo at nagde-develop ng kanilang mga "gifts"... may isang bagay akong hindi napansin.
Akala ko, naglalatag ako ng pundasyon kay Cristo sa kanilang buhay. Pero nakalimutan kong mag-discern. Nakalimutan kong itanong: "Ano kaya ang tunay na dinadala ng taong ito?"
🔹 May sugat ba siyang hindi pa kailanman naikuwento?
🔹 May trauma bang pilit niyang tinatakpan ng ngiti?
🔹 May addiction o paulit-ulit na kasalanan ba siyang tahimik na nilalabanan?
🔹 May maling paniniwala ba siyang nabuo dahil sa sakit ng kanyang nakaraan?
Abala akong nagtatayo ng bagong bahay sa ibabaw ng lumang pundasyong wasak na pala. 🏚️
Pero alam naman natin ang logic ng pagpapatayo: Hindi mo dinaragdagan ng pangalawang palapag ang bahay na marupok ang base. Una mo itong huhukayin. Aalisin ang mga guho. Lilinisin ang mga debris. Saka ka pa lang muling magtatayo.
Doon ko na-realize na ganoon din pala sa discipleship. Hindi lang ito tungkol sa paglalagay ng tamang doktrina sa isip, o tungkol sa mga Bible studies at ministry exposure.
Ang discipleship ay tungkol din sa pagpapahintulot sa Banal na Espiritu na hukayin ang mga maling pundasyong itinayo ng kasalanan, trauma, takot, at insecurity. Dahil kung hindi... maaaring gumaling ang performance, pero hindi ibig sabihin noon na gumaling na ang puso.
• May mga taong mahusay nang umawit, pero sugatan pa rin.
• May mga mahusay nang mangaral, pero hindi pa rin marunong dalhin ang sarili nilang sakit sa Diyos.
• May mga mahusay nang mag-lead ng iba, pero hindi pa kailanman hinayaang i-lead sila ng Diyos patungo sa sarili nilang healing.
Tandaan natin
> Ang platform ay hindi therapy.
> Ang mikropono ay hindi healing.
> Ang ministry position ay hindi katumbas ng spiritual maturity.
> At ang pagiging active sa simbahan ay hindi laging ebidensya ng isang pusong malaya.
Maraming tao ang natututong maglingkod habang tahimik pa ring dinadala ang mga sugat na hindi pa nila naipapasakop sa Diyos. At kung hindi iyon haharapin, darating ang panahon na ang mismong ministry ang magiging lugar kung saan sasabog ang mga sugat na matagal nang nakabaon.
Dahil ang hindi pinagaling sa lihim, tiyak na lalabas sa publiko.
Kaya ngayon, iba na ang prayer ko.
Hindi na lang, "Lord, gamitin Mo sila," kundi, "Lord, pagalingin Mo muna sila."
Hindi na lang, "Lord, palaguin Mo ang gifts nila," kundi, "Lord, hukayin Mo ang lahat ng hindi Ikaw ang nagtayo sa puso nila."
Hindi tayo tinawag para lang makapag-produce ng maraming volunteers o church workers. Tinawag tayong gumawa ng mga disipulong may matibay na pundasyon kay Cristo, mga pusong hindi lang marunong maglingkod, kundi tunay na nagbago.
Mas gusto ko nang makita ang puso bago ang kakayahan; ang kalagayan ng kaluluwa bago ang potensyal sa ministry. Dahil ang talent ay kayang magdala ng tao sa platform, pero ang karakter ang magpapanatili sa kanya roon.
At higit sa lahat... ang isang pusong tunay na pinagaling ni Cristo ang mananatiling tapat kahit wala nang ilaw, wala nang mikropono, wala nang palakpakan, at Diyos na lang ang natitira. 🪵✨
Hindi nagmamadali ang Diyos na gamitin ang tao, mas interesado Siyang pagalingin at palayain muna ito.
Dahil sa Kaharian ng Diyos, mas mahalaga ang isang pusong binuo ng Diyos, kaysa sa isang talentong kahanga-hanga.
Ctto : https://www.facebook.com/share/1DSA9zcFuv/?mibextid=wwXIfr