08/10/2025
Nagsalita na ang Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition Big Winner na si Mika Salamanca matapos siyang ulanin ng batikos dahil sa friendship nila ni Veronica "Kitty" Duterte, ang bunsong anak ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Noong Linggo, September 21, 2025, kabilang si Mika sa libu-libong Pilipinong nakiisa sa malawakang protesta sa People Power Monument sa may EDSA, Quezon City, laban sa talamak na korapsyon sa bansa.
Bagamat marami ang natuwa sa pakikiisa ni Mika, may netizens ding inakusahan siyang "two-faced" dahil sa pagiging malapit nito sa "nepo babies" k
Kagaya ni Kitty.
May ilan ding nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa pakikipagkaibigan ng Kapuso actress-vlogger sa anak ng "kriminal."
Ngayong Martes, September 22, inilabas ng deputy prosecutors ng International Criminal Court (ICC) ang tatlong bilang ng kasong murder laban kay dating Pangulong Duterte.
Kaugnay ito sa alegasyong crimes against humanity bunsod ng kanyang madugong kampanya laban sa droga noon bilang mayor ng Davao City at Presidente ng Pilipinas.
Mika apologizes for "questionable choices of friends."
Sa X ngayong Martes, September 23, humingi ng paumanhin si Mika sa mga tagasuporta niyang nadismaya.
Inamin ng vlogger-singer na may panahong nagkaroon siya ng "questionable choices of friend," lalo na noong mayroon siyang mabigat na pinagdaraanan sa buhay.
Gayunpaman, iginiit ni Mika na hindi nito nabago ang kanyang prinsipiyo lalo na sa paniniwalang politikal.
Mababasa sa kanyang post (published as is): "i understand where the disappointment and frustration are coming from and i am truly sorry.
"if i can only say one thing about this, i assure you that i stand and will always stand with the people.
"yes i admit that i had questionable choices of friends when i was at my lowest, but one thing has always been clear to me, i've always made sure to stand my ground even during those times.
"i spoke about what i believed in no matter who i was around."
Bago pa hiranging PBB Big Winner, bukas na sa publiko ang pagiging malapit ni Mika kay Kitty, kasama ang isa pang content creator na si Daniella "Dani" Raymundo.
Sa TikTok, may mga video silang magkakasamang nagba-bonding.
May isang episode din sa PBB Celebrity Collab Edition na ipinagmalaki ni Mika kay Shuvee Etrata ang pagiging magkaibigan nila ng anak ng dating Presidente.
Saad noon ni Mika, "Kaibigan ko talaga yon [si Kitty]. Lagi kaming magkasama. May sarili kaming group friends ni Kitty.
"Actually, tatlo kami—si Dani, ako, and Kitty."
MIKA AND KITTY UNFOLLOW EACH OTHER ON INSTAGRAM
Samantala, matapos ulanin ng batikos, napansin ng netizens ang pag-unfollow sa isa't isa nina Mika at Kitty sa Instagram.
Kung bibisitahin ngayon ang Instagram account ni Mika ay "no users found," o wala na sa listahan ng pina-follow niya si Kitty.