I.Chika ni RB Borinaga

I.Chika ni RB Borinaga GOD BLESS THY NEWS!🙌🙏🙇‍♂️
[COUNTRY'S NO.1 WEEKLY NEWSPAPER]

WALK OF FAME 2 NI LADY TIGER JOVILLE JOY,  BONGGA TALAGA!BONGGA ang ginanap na WALK OF FAME 2 ng Moderu sa pangunguna ng...
09/10/2025

WALK OF FAME 2 NI LADY TIGER JOVILLE JOY, BONGGA TALAGA!

BONGGA ang ginanap na WALK OF FAME 2 ng Moderu sa pangunguna ng Lady Tiger of Philippine Fashion Industry na si JOVILLE JOY REYES.

Higit sa inaasahan, labing tatlo (13) na mga batikang fashion designers at agency ang sumama sa matagumpay na proyektong ito. Sila ay ang mga sumusunod: 1.Princess Kikay Collections 2.TLJ Collections (Rampa Sarela Rosario Modeling Workshop) 3. Elen's Collection 4. Florozova Couture 5. NathAnne's Closets & Bows 6. Ligaya Couture 7. Thea's Style & Accesories 8. Touting Gowns & Events 9. Princess Sarah Munting Cabinet 10. CAS Crowns and Sceptre Models 11. House Of Moderu (Walk of Fame Organizer & Southside Apparel Owner) 12. Ana Matutina (Manika ni Ana) Collections 13. Jodie Talent Promotion & Services

Ang WALK OF FAME - Wave 2 ay ginanap sa napakagandang Casa Guille, Antipolo Rizal noong October 5, 2025 - 1pm. Three hundred thirty two (332) models ang rumampa para maipakita ang magagandang damit.
Talaga namang punong puno ang venue.

Naging emosyonal si Joville nang yakapin niya ang isang Fashion Designer na si Ana Matutina na panguhaning sumusuporta sa mga proyekto ng Moderu. Kilala si Joville sa kanyang tapang kaya siya tinaguriang Lady Tiger pero hindi pa rin naitago ng kanyang mga luha ang dalisay nyang pagmamahal at malasakit sa mga designers at sa mga models na madalas niyang nakakasama.

IBC13 ang mainstream media na nag-cover sa WALK OF FAME 2 kasama pa ang tatlong official photographers na sina Manny De Guzman Jr. , Jhayar Barbechu at Kristopher dela Cruz.

Anim na mahuhusay na Make-Up Artists/ Stylists naman ang lalo pang nagpaganda sa mga napakagagandang mga modelo na rumampa doon. Sila ay sina : Enzo Reyes, Clarione Coste, Jeffty Tata Bulanon, Errie Jherome Gutierrez, Rey Ven Braza Veyra at Lhouie Cruz.

Bukod sa industriya ng Fashion, ang Moderu Talent Management ay kilala din sa mundo ng Advertising. Kaya kung gusto ninyo na mailagay kayo sa billboards na nasa iba’t ibang lokasyon sa Metro Manila, hagilapin na ninyo si Joville para matulungan nya kayo.

Sa tulong ng COO ng Moderu na si Kelly, patuloy ang Moderu sa paghubog sa mga kabataan para maging mahusay na fashion models. Ang ilan sa kanilang mga models ay sina : Sky, Mica, Rhianne, Aicel, Pao, Akemi, Princess, Alexa,Fifi, Jaichel, Kirsten, Sophia, Nathalie, Ariel, Zoey, Xianna, Myca, Kirstine, Czaina, Zaniya, Erich, Jaira, Scherschel, Makenzie, Brayden, Xian, Ava, Zidane, AC, Karmella, Scarlett, Zoey, Keena,Khristine,JC, AC, Cassey.

Maraming magulang ang patuloy na nagtitiwala sa Moderu para hubugin ang kanilang mga anak at gabayan sa industriya ng Fashion. Sigurado ako na ang Moderu ay patuloy na lalakas at mas dadami pa ang kanilang mga models.

Pagkatapos ng matagumpay na WALK OF FAME 2, hindi nakalimutan ni Joville na pasalamatan ang lahat ng tumulong sa kanya sa proyektong ito na naging matagumpay.

Abangan ninyo ang WAVE 3 ng WALK OF FAME at sana ay makasama na din kayo sa susunod na pag-arangkada ng MODERU. Dahil ayon mismo kay Joville : “ Walang bida-bida sa WALK OF FAME… lahat ay bida!”.

SHOWBIZ X FACTOR by Tito Nel Talavera

MAY SALIN NA SA CHAVACANO ANG LIBRO NA PUMAPANGALAWA SA BIBLIYA! Isa sa mga pinakakilalang aklat sa buong mundo ay ang k...
25/08/2025

MAY SALIN NA SA CHAVACANO ANG LIBRO NA PUMAPANGALAWA SA BIBLIYA!

Isa sa mga pinakakilalang aklat sa buong mundo ay ang klasikong kuwentong pambata mula sa Pransiya na The Little Prince (Le Petit Prince). Itinuturing ito na pumapangalawa sa Bibliya pagdating sa dami ng salin sa iba’t ibang wika, at sinasabing nag-iiba rin ang mensahe nito ayon sa edad at paniniwala ng mambabasa.

Ang The Little Prince (Le Petit Prince) ay orihinal na isinulat sa wikang Pranses ng isang Pranses na piloto at manunulat na si Antoine de Saint-Exupéry. Unang inilathala ang aklat sa Ingles at Pranses sa Estados Unidos noong Abril 1943 sa ilalim ng Reynal & Hitchcock. Sa Pransiya naman ito inilathala pagkatapos ng pagpapalaya, dahil ipinagbawal ng Vichy Regime ang mga gawa ni Saint-Exupéry.

Bagama’t hindi direktang tumutuligsa sa pamahalaan, ang aklat ay pumupuna sa ilang mga ugali ng matatanda at sa mga estrukturang panlipunan sa pamamagitan ng mga karanasan ng Prinsipe sa iba’t ibang planeta.

Tinutunton ng kuwento ang paglalakbay ng isang batang prinsipe sa iba’t ibang planeta, kabilang ang mundo, at tinatalakay nito ang mga temang tulad ng pag-iisa, pagkakaibigan, pag-ibig, at pagkawala. Sa kabila ng pagiging aklat pambata, nagbibigay ito ng malalim na pagmumuni-muni tungkol sa buhay, mga matatanda, at kalikasan ng tao.

Ang The Little Prince ang naging pinakatanyag na akda ni Saint-Exupéry, na tinatayang umabot na sa 140 milyong kopya sa buong mundo—isa sa mga pinakamabentang aklat sa kasaysayan. Isinalin na ito sa mahigit 505 na wika at diyalekto, kaya naman ito ang pangalawang pinakamadalas isinalin na aklat sa buong mundo, sunod lamang sa Bibliya.

Ang unang salin nito sa Ingles ay ginawa ng manunulat na si Katherine Woods noong Abril 1943. Bagama’t pinuri ang kanyang bersyon dahil sa tapat nitong pagpaparating sa diwa ng orihinal, may ilan na nagsasabing naging masyado itong literal at matigas. Noong 2000, sinubukan ni Richard Howard na bigyan ito ng mas moderno at kolokyal na salin. Gayunpaman, nananatiling klasiko ang salin ni Woods at mahal ng marami.

Ngayon, maaari nang magdiwang ang mga Pilipino lalo na ang mga taga Zamboanga, dahil isinalin na rin sa Chavacano ang The Little Prince! Ito ay salin ni Jerome Herrera—isang mahusay na manunulat at tagapagsalin.

Hindi lamang tagapagsalin si Jerome ng El Diutay Principe; siya rin ay isang mapagkakatiwalaang sanggunian online para sa wikang Chavacano. Nagsusulat din siya tungkol sa pananalapi, paglalakbay, at pagkain sa kanyang lifestyle blog na All I Can Handle.
Noong 2014, siya ay ginawaran ng second runner-up sa SINAG, ang Financial Literacy Digital Journalism Awards ng Sun Life. Noong Agosto 2018 naman, tumanggap siya ng Blood Galloner Award mula sa Red Cross.

Ang salin sa Chavacano ng The Little Prince na El Diutay Principe ni Jerome Herrera ay unang inilathala noong Setyembre 2018 at muling inilimbag noong 2022.

Dahil sa malalim na kaalaman at koneksyon ni Jerome sa larangan ng panitikan, masasabi nating binigyang-hustisya niya ang obra maestra ni Antoine de Saint-Exupéry. Ginamit ni Jerome ang salin ni Richard Howard at isinangguni rin niya ang salin sa Tagalog ni Desiderio Ching bilang batayan.

Isang patunay ito na tunay ngang kayang sumabay ng mga Pilipino sa pandaigdigang antas—taglay ang talino, talento, at pusong mapaglikha.

Magsimula nang mag-ipon ng mga isinaling bersyon ng The Little Prince!

Available ang El Diutay Principe (paperback) sa Kriselda Novelty and Book Shop, Dennis Coffee Garden Zamboanga City, Solidaridad Bookshop Ermita Manila, Popular Bookstore Tomas Morato Ave, Diliman, Quezon City o i-message ang El Diutay Principe para malaman kung paano makakakuha ng sariling kopya.

Para sa mga balita tungkol sa literatura, showbiz, at fashion, manatiling nakatutok sa nag-iisang I.Chika!

Photo credit: Ryan Aguas of Entertainment News Portal

🗞BALITANG KAXADO , ANG PAHAYAGANG BALANSE AT TOTOO☕️📰🦾

Don’t forget to LIKE, COMMENT, and SHARE!

📚 Grab your bundle now! Get 5 copies for only ₱300, inclusive of shipping.

📞 To order, contact Sir Alan Bordeos at 0929-541-4650 ☕📰

Or drop by the KAXADO Publishing Office to purchase single copies at just ₱20 each!
📍 Address: Block 2, Lot 5, SAMMARI Compound, Purok 12, Brgy. San Roque, Antipolo City — just near the Bosay Resort entrance.

Make it a habit to read and follow a unique Columnists and Journalists who are unbiased and supported only here at Balanced and True Newspaper. The KAXADO News.

゚viralシ ゚viralシfypシ゚viralシalシ ゚

TITO BOYING, MAY BAGONG AWARD NA NAMAN! Hindi napigilan ni Tito Boying ang mapatayo at mapaindak sa labis na tuwa nang m...
23/08/2025

TITO BOYING, MAY BAGONG AWARD NA NAMAN!

Hindi napigilan ni Tito Boying ang mapatayo at mapaindak sa labis na tuwa nang matanggap niya ang magandang balita—isang panibagong parangal na naman ang igagawad sa kanya!

Ang kinahuhumalingan nating TV host ng Whatta Whatta Today with Tito Boying sa Euro TV, na mas kilala sa tunay niyang pangalan na Lino Mallari DG, ay pinarangalan para sa kanyang kontribusyon sa Larangan ng Sining at Pagtatanghal.

Ginanap ang pagbibigay-parangal kahapon Agosto 24, 2025, 5 PM, sa Citystate Tower, Manila, sa pamamagitan ng Gawad Parangal sa Natatanging Propesyonal mula sa Pambansang Samahan ng mga Propesyonal at Mananaliksik sa Pilipinas (PSPPI).

Ayon kay Tito Boying, "Sa totoo lang marami na akong natatanggap na awards, pero ewan ko ba, pakiramdam ko parang ako'y laging nananalo sa Miss Universe, tuwing may award akong natatanggap."

Ilan sa mga prestihiyosong parangal na kanyang tinanggap ay:
• Best TV Host Program 2022 – Gawad Filipino Awards
• Best Talk Show 2023 – Philippine Fashion Trends
• Most Promising TV Host Program 2023 – Dangal ng Lahi Awards
• Philippine Most Remarkable TV Program Host and Versatile Public Servant – Philippine Finest Business Awards
• Most Promising Whatta Whatta EuroTV Host of the Year – Liwanag Mahika
• Most Outstanding Public Servant – Southeast Asian Premier Business and Achiever Award
• Premier Achiever Excellent Host – TVC Maharlika Awards
• Golden Star Award – World Class Philippines
• Most Promising Social Media Talk Show Host – Kasosyo Summit
• Excellent Host, Whatta Whatta EuroTV – UP Leadership and Academy Awards 2024
• Most Outstanding Leader – Asia's Golden Globe Excellence Awards
• Multi-Awarded and Remarkable TV Host Program of the Year 2024 – Philippine Fashion Trends
• Outstanding Online Entertainment and Social Media Talk Show Host – Legacy Awards PH

Hindi ba’t kamangha-mangha? Sino ang mag-aakalang ang isang tubong Balanga, Bataan, na 35 taon ng beautician sa salon at real estate agent, ay makakatanggap ng ganitong karaming parangal sa kanyang buhay?

Sa kasalukuyan, anim na taon nang host si Tito Boying sa EuroTV.

Ayon sa kanya, "Importante sa isang TV host ang pagkakaroon ng kumpiyansa sa sarili. Dapat laging alerto at handa sa anumang sagot ng guest—doon kasi nagmumula ang mga follow-up questions."

Nang tanungin kung mayroon na ba siyang guest na napahiya sa show, sagot niya:

"Simula nang maging host ako, wala pa naman akong na-offend na guest. Pero kung sakaling mangyari 'yon, lalambingin ko na lang at iti-twist ko ang tanong."

Idinagdag pa niya, "Wala akong background sa broadcasting. Hindi rin ako mahusay sa Ingles, pero binibigyan ko ng hustisya ang aking pagho-host. Iniisip ko kasi na maraming nanonood at nakikinig sa akin—bata, matanda, iba’t ibang tao. Ang mahalaga ay tiwala sa sarili at pagiging totoo. Lagi kong iniisip na nanonood si Lord sa akin."

Aniya pa, "Nakakapagbigay ako ng inspirasyon sa mga viewers—mula sa aking guests at sa sarili kong karanasan."

"Tuwing bago magsimula ang show, tahimik akong nananalangin. At sa pagtatapos, sinasabi ko palagi, ‘God bless us all!’"

Dagdag pa niya, "Sa ngayon, wala na siguro akong mahihiling pa kay Lord kundi ang pagbutihin ang kung anong meron ako. Kontento na ako sa EuroTV. Mahirap nang pumasok sa ibang network."

Mensahe niya para sa mga taong naging bahagi ng kanyang tagumpay:

"Maraming salamat, una sa lahat sa Panginoon, sa aking pamilya, mga kaibigan, manonood, sponsors, at higit sa lahat sa aking pamilya sa EuroTV Philippines. Kay boss Dr. Danilo Mangahas at sa anak-anakan kong si Dhevz Sahagun, na siyang nagbukas ng pintuan para sa akin sa larangan ng pagho-host."

‘Yan ang mga pahayag ng ating media influencer na si Tito Boying, sa aking maikling online panayam sa kanya.

Patuloy na tumutok sa nakakatuwang talakayan sa Whatta Whatta Today with Tito Boying, tuwing Biyernes, 2 PM - 3 PM, sa EuroTV Philippines.

At syempre, isang paalala mula kay Tito Boying mula sa Proverbs 3:5-6:
“Magtiwala ka sa Panginoon nang buong puso, at huwag kang manalig sa iyong sariling karunungan. Sa lahat ng iyong mga lakad ay kilalanin mo Siya, at itutuwid Niya ang iyong mga landas.”

Para sa mas marami pang showbiz-taktakan, manatiling nakaantabay sa i.Chika!

🗞BALITANG KAXADO , ANG PAHAYAGANG BALANSE AT TOTOO☕️📰🦾

Don’t forget to LIKE, COMMENT, and SHARE!

📚 Grab your bundle now! Get 5 copies for only ₱300, inclusive of shipping.

📞 To order, contact Sir Alan Bordeos at 0929-541-4650 ☕📰

Or drop by the KAXADO Publishing Office to purchase single copies at just ₱20 each!
📍 Address: Block 2, Lot 5, SAMMARI Compound, Purok 12, Brgy. San Roque, Antipolo City — just near the Bosay Resort entrance.

Make it a habit to read and follow a unique Columnists and Journalists who are unbiased and supported only here at Balanced and True Newspaper. The KAXADO News.

゚viralシ ゚viralシfypシ゚viralシalシ ゚

For more entertainments contents, please follow your one and only i.Chika here! Mphakakz, bongga!✔️✔️✔️🍷💋
19/08/2025

For more entertainments contents, please follow your one and only i.Chika here! Mphakakz, bongga!✔️✔️✔️🍷💋

ALEXINNE, BAGONG BITUIN! Sino Itong Bagong Bituin na Pumapasok sa Mundo ng P-Pop? Sandali lang—may bagong mukha na unti-...
18/08/2025

ALEXINNE, BAGONG BITUIN!

Sino Itong Bagong Bituin na Pumapasok sa Mundo ng P-Pop? Sandali lang—may bagong mukha na unti-unting gumugulat sa mundo ng entertainment, at ang pangalan niyang dapat mong tandaan ay walang iba kundi si Alexinne!

Sa edad na 12 taong gulang pa lang, si Alexinne Mereaia Solano Musa ay unti-unti nang umaangat bilang isa sa mga standout members ng bagong P-pop girl group na BLAYZE sa P-POP STAR QUEST ng ICON (International Council of Netizens) at ASCENT DREAMSLIP ENTERTAINMENT, kasama sina PHOEBE, SABINE, at ARIANNE. Pero aminin na natin—si Alexinne ay may ibang dating.

Bukod sa kanyang angking ganda, dala niya ang isang boses na kasintalim ng hangin at kasinglinaw ng agos ng tubig—isang tunog na diretsong tumatagos sa puso at kaluluwa. Isa 'yan sa mga secret weapons niya!

Tubong San Pedro, Laguna, kasama ang kanyang mga super supportive na magulang, si Alexinne ay dumaan na sa apat na workshop bilang paghahanda sa kanyang pag-akyat sa mundo ng kasikatan. May tiwala siya sa sarili—alam niya kung ano ang gusto niya, at pursigido siyang abutin ito.

Pero sa kabila ng mga kinang ng showbiz, simple lang ang pamumuhay ni Alexinne. Isa siyang typical na “home-school-workshop” na teenager. Sa bahay, makikita siyang abala sa pag-aaral at paggawa ng school activities. Sa free time? Gumagawa siya ng singing videos at reels na ina-upload niya sa Facebook at YouTube. At tuwing weekends—kung may oras—pumapasok siya sa voice lessons para mas lalo pang ihasa ang kanyang talento.

Sa lahat ng BLAYZE members, sabi ni Alexinne, siya raw ang pinaka-simple. Focus siya ngayon sa dalawang bagay: pagsasayaw at pag-aaral. Pero huwag ka—malinaw na malinaw ang direction ng batang ito!

Inilarawan ni Alexinne ang sarili bilang “versatile, adaptable, proactive, fast learner, team player, at may leadership skills.” ‘Yan ang energy ng isang future icon, mga bes!

At nang tanungin kung bakit mas pinili niyang sumali sa isang grupo kaysa mag-solo, sagot niya:
“Masaya po kasi maging part ng group. Bukod sa nagkakaroon ka ng friends, marami kang natututunan—yung patience, teamwork, at kung paano makibagay sa iba't ibang ugali. Natututo kang maging emotionally, mentally, and spiritually strong. Kailangan mong matutong umintindi kasi hindi ka lang nagtatrabaho para sa sarili mo, kundi para sa buong grupo. Diyan mo rin matututunan ang resilience.”

At ang kanyang mga guilty pleasures? Siyempre pa—chocolate, cake, at ice cream! (Sino ba naman ang makakatanggi diyan?)

Marami pa mang ulap at hamon sa daraanan, isang bagay ang sigurado: handa na si Alexinne na sumabay sa paglipad ng BLAYZE paakyat sa tugatog ng tagumpay!

Para sa mas mainit na showbiz chika, tumutok lang sa i.Chika!

🗞BALITANG KAXADO , ANG PAHAYAGANG BALANSE AT TOTOO☕️📰🦾

Don’t forget to LIKE, COMMENT, and SHARE!

📚 Grab your bundle now! Get 5 copies for only ₱300, inclusive of shipping.

📞 To order, contact Sir Alan Bordeos at 0929-541-4650 ☕📰

Or drop by the KAXADO Publishing Office to purchase single copies at just ₱20 each!
📍 Address: Block 2, Lot 5, SAMMARI Compound, Purok 12, Brgy. San Roque, Antipolo City — just near the Bosay Resort entrance.

Make it a habit to read and follow a unique Columnists and Journalists who are unbiased and supported only here at Balanced and True Newspaper. The KAXADO News.

SA KRISELDA, NATAGPUAN ANG BAGONG PAG-ASA!Isang makasaysayang tagpo ang naganap kamakailan sa Kriselda Novelty and Book ...
18/08/2025

SA KRISELDA, NATAGPUAN ANG BAGONG PAG-ASA!

Isang makasaysayang tagpo ang naganap kamakailan sa Kriselda Novelty and Book Shop, kung saan nagsama-sama ang ilan sa mga pinaka-kahanga-hangang manunulat ng bansa. Dumalo sina Sci-fi Author Renato Tranquilino, book literary translator at author na si Jerome Herrera, Faye Flores Milegreto, makata at prose writer na si Billy Ibarra, at kilalang Ilokanong manunulat na si Ariel Sotelo Tabag upang personal na salubungin ang mga mambabasa at tagahanga.

Matatagpuan sa puso ng Diliman— #6 C.P. Garcia Avenue, Quezon City—ang Kriselda ay tila isang lihim na paraiso para sa mga mahihilig sa libro at collector ng mga charming novelty items. Hindi lang ito basta tindahan—isa itong therapy hub para sa mga pusong pagod at isipang lutang! Bukod pa riyan, may bonus pang crunchy Cornbits mula Vigan at iba’t ibang pampasalubong galing probinsya na tiyak na magpapa-smile sa’yo.

At para sa mga tagahanga nina Bob Ong at Ricky Lee? Good news! May mga libro rin sila rito—kaya siguradong sulit ang bawat pagbisita.

Kaya kung sakaling magawi ka sa C.P. Garcia Avenue at gusto mong makahanap ng kakaiba, masaya, at makabuluhang bagay—tumingin ka lang sa kanan (o kaliwa) at hanapin ang Kriselda. Baka ito na ang lugar na hindi mo alam, pero matagal mo na palang hinahanap!

Para sa inyong mga katanungan at mungkahi, mag mensahi lang sa Facebook ng Kriselda.

Ang Letrato ay kuha ni Ryan Aguas.

🗞BALITANG KAXADO , ANG PAHAYAGANG BALANSE AT TOTOO☕️📰🦾

Don’t forget to LIKE, COMMENT, and SHARE!

📚 Grab your bundle now! Get 5 copies for only ₱300, inclusive of shipping.

📞 To order, contact Sir Alan Bordeos at 0929-541-4650 ☕📰

Or drop by the KAXADO Publishing Office to purchase single copies at just ₱20 each!
📍 Address: Block 2, Lot 5, SAMMARI Compound, Purok 12, Brgy. San Roque, Antipolo City — just near the Bosay Resort entrance.

Make it a habit to read and follow a unique Columnists and Journalists who are unbiased and supported only here at Balanced and True Newspaper. The KAXADO News.

Address

Blk. 2 Lot 5 SAMMARI Compound, Purok 12, Brgy. San Roque, Antipolo City
Antipolo
1870

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when I.Chika ni RB Borinaga posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category