05/06/2026
May panahon sa buhay ko na sobrang hirap ng sitwasyon namin. Yung tipong paggising mo pa lang, iniisip mo na agad kung saan kukuha ng pera para makaraos sa araw na yon.
Isang araw, wala na talaga akong ibang maisip na paraan. Nagdesisyon akong pumunta sa bahay ng mama ko para manghiram sana ng kaunting pera. Habang naglalakad ako, lumalakas pa yung umuulan.
Sabi ko, "Lord, hindi ko na po alam ang gagawin ko. Kayo na po ang bahala."
Habang naglalakad ako sa gitna ng ulan, may napansin akong kulay violet na papel malapit sa drainage. Paulit-ulit itong tinatamaan ng mga patak ng ulan. Sa una, akala ko simpleng basura lang. Pero nakita ko kulay violet tapos may mukha.
Pinulot ko.
At doon ko nakita...
Hindi pala ito basta papel lang.
Tag ₱100 pesos pala. Tapos apat na piraso, bale ₱400 lahat.
Tumingin ako sa paligid kase baka may nakalaglag lang pero walang katao tao.
Sa iba, baka maliit na halaga lang iyon. Baka sabihin ng iba, nagkataon lang. Pero para sa akin, iba ang naramdaman ko noong mga oras na yon.
Dahil bago ko makita ang perang iyon, wala akong ibang ginagawa kundi manalangin. Wala akong ibang hinihingi kundi kaunting tulong para makaraos.
At sa gitna ng ulan, sa gitna ng pag-aalala, may natagpuan akong paalala na hindi ako nag-iisa.
Hindi ko sinasabing bumabagsak ang pera mula sa langit. Pero minsan, gumagamit si God ng mga simpleng bagay para ipaalala sa atin na nakikinig Siya. Na kahit pakiramdam natin ay walang nakakakita sa mga luha at dasal natin, may Diyos na tahimik na kumikilos sa likod ng lahat.
Hanggang ngayon, hindi ko makalimutan ang araw na yon.
Hindi dahil sa halaga ng perang napulot ko.
Kundi dahil sa pag-asang ibinigay nito sa akin.
Doon ko mas lalong naunawaan na minsan, ang himala ay hindi yung malalaking bagay na hinihintay natin. Minsan, ito yung eksaktong tulong na dumarating sa oras na pinaka-kailangan natin.
At sa tuwing naaalala ko ang araw na yon, isa lang ang lagi kong nasasabi:
God is good all the time.
At kapag may pinagdadaanan ka ngayon, sana maalala mo rin ito: maaaring hindi pa dumarating ang sagot sa panalangin mo, pero hindi ibig sabihin na hindi ka Niya naririnig.