05/03/2026
PAHAYAG
March 5, 2026
Mga kababayan,
Hanga ako sa tapang ng mga naging security personnel ni dating Congressman Zaldy Co na naglakas-loob magsalita tungkol sa umanoโy paghahatid ng mga maletang puno ng bilyon-bilyong pisong pondo ng pamahalaan.
Ngunit habang ang mga paratang laban sa akin ay agad na ginawang sentro ng mga pagdinig, privilege speeches, at walang humpay na fishing expeditions sa ilalim ng mga imbestigasyong tinaguriang โin aid of legislationโ umano, tila nakakabingi ang katahimikan ngayon.
Sadyang nakakabingi ang katahimikan ng mga civil society groups na dati ay mabilis maglabas ng pahayag, ng mga religious leaders na handang manindigan sa usapin ng moralidad, at ng mga mambabatas na nagsasabing sila ay para sa transparency at accountability.
Dagdag pa rito, tila walang interes o agarang hakbang mula sa kasalukuyang administrasyon na siyasatin ang katotohanan hinggil sa mga bilyon-bilyong suhol kaugnay ng flood control, ng ICC, at ng impeachment efforts laban sa akin.
Hindi dapat selective ang galit sa isyu ng katiwalian.
Hindi maaaring pumili kung sino lamang ang iimbestigahan.
At hindi maaaring manahimik tuwing ang mga sangkot ay malapit sa kapangyarihan.
Ang pera ng bayan ay hindi dapat inilalagay sa maleta, at ang katotohanan ay hindi dapat inilalagay sa katahimikan.
Shukran.
SARA Z. DUTERTE
Vice President of the Philippines