22/12/2025
BABALA SA LAHAT NG NAG-O-ORDER SA GRAB
Nag-order kami ng Chowking via Grab at NABAYARAN NA NAMIN ITO THRU GCASH.
After pickup, napansin namin sa app na iba ang dinadaanan ng Grab rider, papunta sa lugar na hindi naka-pin sa amin. Tinawagan namin siya at sinabi na lumagpas siya sa pin location.
👉 Para maayos agad, sinabihan ko ang rider na mag-meet na lang kami halfway, sa landmark na malapit sa pin location.
👉 Nag-drive pa ako papunta doon para mas madali niya kaming makita.
Ang reply niya:
“Nag-wait na po ako ng 20 minutes sa pin location at may ide-deliver pa po ako.”
Pero base sa tracking, wala siya sa tamang pin.
Nag-intay ako sa agreed meeting point, pero hindi na siya dumating at hindi na rin makontak—hindi sumasagot sa tawag at messages.
Tinawagan ko ang manager ng Chowking, pero hindi na rin nila makontak ang Grab driver.
Dahil bayad na ang order, nag-order na lang ulit kami sa Chowking. Kinuha ulit ang same address at same pin location, at ipinadala sa ibang Grab driver.
👉 Resulta: na-deliver agad at mabilis, sa parehong address at pin na ginamit namin sa unang order.
Ang Grab driver na nag-deliver ang nagsabi na may ganitong modus daw ang ilang rider:
👉 ni-re-re-pin ang address, paghihintayin ang customer ng 20 minutes, tapos hindi na ide-deliver ang order.
âť“ TANONG PO NAMIN SA GRAB COMPANY:
👉 Saan napupunta ang pagkain na bayad na pero hindi na-deliver?
👉 Ano ang ginagawa ng rider sa food kapag sinabing “undelivered”?
👉 Paano pinoprotektahan ng Grab ang customers laban sa ganitong modus?
Bayad na ang order.
May tracking.
May proof.
Pero hindi na-deliver.
⚠️ Ingat po tayo sa pag-o-order lalo na ngayong holiday season.
PLEASE SHARE para ma-warningan ang iba.
Grab
GrabFood PH