19/09/2025
📌🙌🏼
ZERO EXEPERIENCE NANGARAP MAGING VA!
Alam mo yung pakiramdam na gusto mo na talagang mag-iba ng takbo ng buhay mo pero hindi mo alam kung saan magsisimula? Ganun ako nung nagdesisyon akong maging VA.
Wala akong background. Wala akong experience. Pero may dalawa akong bagay: pangarap at pamilya.
Bilang isang mommy of two, ayokong iwan yung mga anak ko para lang magtrabaho sa malayo. Gusto ko nandito ako sa tabi nila habang kumikita. Kaya kahit wala akong alam sa simula, sinimulan ko pa rin.
👉 Araw-araw akong nagpupuyat kakapanood ng tutorials.
👉 Gumawa ako ng resume kahit halatang baguhan.
👉 Inayos ko portfolio kahit basic pa lang.
👉 Nag-apply ako sa iba’t ibang clients kahit kinakabahan.
Pero guess what?
8 months.
8 months ng paulit-ulit na ghosting, rejections, at thank-you-but-no’s.
Ang daming beses na naiyak ako kasi parang wala namang nangyayari kahit todo effort na.
Pero hindi ako bumitaw. 💪
Kasi lagi kong iniisip: kung hindi ako lalaban, sino? Kung hindi ko gagawin para sa pamilya ko, sino gagawa?
At dumating din yung araw na may client na nagtiwala.
Yung isang “yes” na nagpabago ng lahat. 🙌
Ngayon naiintindihan ko na:
❌ Hindi mo kailangan ng perfect experience.
❌ Hindi mo kailangan ng sobrang galing agad.
✅ Ang kailangan mo lang ay determination, consistency, at paniniwala na darating din yung tamang client para sayo.
Kung ikaw ngayon ay nasa stage na puro rejections, puro ghosting, at feeling mo gusto mo nang sumuko… please wag.
Sometimes it only takes one yes to change your life, your family’s life, and even the way you see yourself.
Kapit lang. Darating din yung para sayo. ✨