15/02/2025
SEXY vs LOSYANG na partner.
Maraming lalaki ang napapaisip kung bakit tila mas swerte ang iba na magaganda, sexy, o mukhang model ang asawa.
Pero alam mo, sabi nga nila, ang kapalaran ay hindi basta inuukitβ napupunta lang daw sa atin kung ano ang nararapat at kung ano ang ating inaalagaan ng maayos at pinapahalagahan.
Kung hindi mo gusto ang itsura ng asawa mo, baka hindi ito dahil sa kakulangan niya kundi sa kakulangan mo sa pag-aalaga.
Pangit ba siya? Bilhan mo ng make-up.
Maitim ba ang kutis niya? Magbigay ka ng pambili nya ng skincare.
Medyo tumaba?
Tulungan mo siyang mag-diet o mag-exercise.
Mukhang losyang?
Siguro kailangan lang niya ng bagong damit o oras para sa sarili, magpaganda, magpahinga, at peace of mind hindi puro stress, puyat at pagod.
Pero eto ang tanong: Napo-provide mo ba?
Tandaan mo, hindi nagiging losyang ang isang babae
nang basta-basta; madalas, ginagawa niya 'yan
dahil inuuna ka at ang pamilya ninyo.
Kaya bago ka magreklamo o maghanap ng iba, tignan mo muna kung nagawa mo nang mahalin, alagaan at naibigay ang pangangailangan ng asawa mo, hindi lang sa pagkain at bubong, may iba din silang pangangailangan.
Kasi, kung hindi, ang totoo niyan,
hindi siya ang may problemaβikaw.
Tulad ngayon dumaan ang Valentines wala ka manlang pa flowers o binigay na pang pamper sa asawa mo para makapag " ME TIME " sya kahit wala kang oras makipag date sa kanya. Ito yung araw na sanay mapaparamdam mo sa kanya na na aappreciate mo sya bilang partner.
Maam Viy Cortez GLOW UPPPπ₯°β¨