03/01/2025
🌹 ROSAS🌹
I. Hirap simulan ang isang tula
Lalo na kong maraming mapanghusgang kapwa,
Aking susulatin ang unang pahina
At Pagtutugmain ang bawat mga salita.
II. Sa kabilang bundok ay iyong makikita
Ang magandang tanawin na nakakahalina,
Mga bulaklak sa harden ay kaakit-akit sinta
Sari-saring halaman at Rosas na mamula-mula.
III. Iyong mapapansin sa dakong silangan
May matataas na puno't mga damohan,
Libotin Ang kabukiran na puno ng kagalakan
Sundan Ang direksyon patungo sa kanluran.
IV. Sa isang talon ay may rumaragasang tubig
Kumapit ng mabuti baka ika'y mapatid,
Agos ng buhay ay puno ng bahid
Na wari'y kasawian sa isang pag- ibig