20/07/2026
โHindi lahat ng laban, nakikita ng ibang tao.โ
For the longest time, gusto kong maging okay.
Pero ang totoo, hindi ako okay.
Noong February 23, nawala ang papa ko.
Hanggang ngayon, hindi pa rin mawala sa isip ko yung araw na โyon. Yung sigaw niya. Yung pagdadala namin sa ospital. Yung pag-asang magiging okay lang siya. At yung balitang hindi na pala siya makakauwi.
Dead on arrival.
Parang isang iglap, gumuho yung mundo ko.
Ang una kong sinabi kay mamaโฆ
โMa, paano na tayo? Wala na si papa.โ
Bilang breadwinner, wala akong choice kundi magpatuloy.
Habang nakaburol si Papa, nagtatrabaho pa rin ako. Hindi dahil wala akong pakialam. Kundi dahil kailangan kong kumita para sa gastusin niya at para sa pamilya namin.
Madalas halos hindi ako natutulog.
Ako ang nag-aasikaso ng papeles.
Ako rin ang pilit na nagpapakatatag para kay Mama at sa kapatid ko.
Akala ko iyon na ang pinakamahirap.
Hindi pala.
Mas masakit noong nailibing na siya.
Doon ko talaga naramdaman naโฆ
Hindi ko na siya makikita kailanman.
Pagkatapos noon, nawalan pa ako ng client.
Nabawasan ang income.
Dumating sa point na wala na akong gana.
Magtrabaho.
Maglaro.
Magpahinga.
Kahit nagtatrabaho ako, bigla na lang pumapasok sa isip ko yung huling araw ni Papa.
Paulit-ulit.
Hanggang sa dumating ako sa puntong parang gusto ko na lang sumuko.
Pero may isang bagay akong na-realize.
Kung susuko akoโฆ
Paano naman si Mama?
Paano naman ang kapatid ko?
Paano naman yung mga pangarap ko?
Unti-unti kong pinilit bumangon.
Naghanap ulit ng clients.
Bumuo ng maliit na team.
Nagpatuloy kahit takot.
Kahit pagod.
Kahit minsan umiiyak habang nagtatrabaho.
Ngayonโฆ
Hindi pa rin perpekto ang buhay.
Pero nakakahinga na ulit ako.
Nakakangiti na ulit.
Nakakagala na ulit.
Hindi na bawat sweldo, puro takot ang nararamdaman ko.
Kung may natutunan man ako sa lahat ng nangyariโฆ
Hindi mo kailangang maging malakas araw-araw. Ang importante, huwag kang tumigil lumaban.
At kung nawalan ka rin ng mahal sa buhayโฆ
Alam kong hindi madaling mag-move on.
Sa totoo lang, wala namang timeline ang paghilom.
Pero sana, huwag mong pabayaan ang sarili mo.
Hindi magiging masaya ang mga taong nawala kung pati ikaw, mawawala na rin habang buhay ka pa.
May dahilan kung bakit nandito ka pa.
May mga taong nagmamahal pa rin saโyo.
At may mga pangarap pang naghihintay na matupad.
Maraming salamat sa mga taong nag-check kung kumusta ako.
Sa mga clients na nagtiwala.
Sa pamilya ko.
At sa Diyos na hindi ako binitawan kahit gusto ko nang bumitaw.
Kung binabasa mo ito at pagod ka naโฆ
Ito ang gusto kong sabihin saโyo.
Hindi ka mahina. Pagod ka lang.
At balang arawโฆ
Lilingon ka rin sa lahat ng pinagdaanan mo at masasabi mongโฆ
โButi na lang, hindi ako sumuko.โ โค๏ธ
โ Shiela