10/01/2025
ANUNSYO π
Ang Lokal na Pamahalaan ng Kabugao ay magsasagawa ng Business One-Stop Shop (BOSS) para sa taong 2025. Inaanyayahan ang lahat ng mga negosyante na makilahok upang iproseso ang kanilang mga business permits at licenses sa mas mabilis at maayos na paraan.
Schedule:
π Enero 13-16, 2025
Lugar: Escudero Bldg., Poblacion, Kabugao
π Enero 17 at 20, 2025
Lugar: Barangay Hall, Lenneng
Dalhin ang lahat ng kinakailangang dokumento at makipag-ugnayan sa opisina ng treasury para sa karagdagang impormasyon.
Isang paalala mula sa Pamahalaang Bayan ng Kabugao: Siguraduhing maayos at legal ang inyong negosyo sa pamamagitan ng pagsunod sa tamang proseso.
Para sa katanungan:
π§ Email: [email protected]
Maraming salamat, at magkita-kita tayo sa Business One-Stop Shop!